You are on page 1of 4

Mga Uri ng Pangatnig

Mga uri ng pangatnig:

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.

Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.

c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.

d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.

Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.

c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.

d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng:
ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.

Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.

d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa,
sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.

d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-
kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.

Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.

d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gayang: at - saka,


pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.

Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.

c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.

d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung
gaano…siya rin.

Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon

b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.

c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

PANGATNIG- ay mga kataga, salita o lipon ng mga salitya at kataga na nagpapahayag ng


kaugnayan ng isang salita o kaya’y ng kaugnayan ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
– Mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunud-
sunod sa pangungusap.

DALAWANG PANLAHAT NA URI NG PANGATNIG


1. Pangatnig na panimbang- pangatnig na nag-uuganay ng mga magkatimbang na yunit.
1.1 Pangatnig na pamukod – tulad ng o, ni at maging
1.2 Pangatnig na Panulad – tulad ng kung gaano, gayundin, kung paano, kung sino, kung alin, kung
saan, siya rin, doon din.
1. Pangatnig na Pantulong- pangatnig na nag-uugnay ng dalawang sugnay na di magkatimbang.
2.1 Pananhi –ay mga pangatnig tulad ng pagkat, dahil sa, sapagkat, sanhi /ng, palibhasa, yamang
at dangan.

2.2 Panlinaw – ay mga pangatnig na ginagamit bilang panlinaw tulad ng anupat, sa tahasang sabi,
alalaong baga’y, kaya nga, kung gayon, kaya nga, gayunpaman, sana, at kaya.
2.3 Paninsay – ay mga pangatnig na ginagamit tulad ng bagaman, kahit, kahiman, kunsabagay,
kasakdalang, sukdang, malikas, matangi, ngunit, subalit, datapwa’t, samantala.

2.4 Panubali- ay mga pangatnig tulad ng kung, kundi, kapag, sakaling.


2.5 Panapos -ay mga pangatnig tulad ng at sa wakas, upang, sa di-kawasa, sa bagay na ito, sa
lahat ng ito.
2.6 Pamanggit – ang mga pangatnig tulad ng ganang kanila, anang iba, anang ilan.

SAGUTIN MO:
Panuto: Bilugan ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap. Sabihin kung anong uri ito ng
pangatnig. Isulat ang sagot sa patlang.

____________________ 1. Hindi lahat ng local na produkto ay naipagbibili o nakukunsumo sa mga


local na pamilihan. Samakatuwid, ang ilan sa mga kalakal na local ng isang bansa ay ipinagbibili sa
ibang bansa.

___________________ 2. Anupa’t may sama at buti ring dulot sa ating pamayanan ang paghahati
ng Quezon.

____________________ 3. Ang mga namumuno at maging ang mga nasasakupan ay batid at


tanggap ang kaganapang magiging dulot ng paghahati ng Quezon.
___________________ 4. Anang iba, di nila maiwawaksi ang naghuhumindig na katutuhanan sa
nalalapit na plebisito ng RA 9495 o Ang Paghahati ng Quezon (Quezon Norte at Quezon Sur) sa
Nobyembre.

___________________ 5. Sa panayam ng mga mamamahayag sa kongresista, sinabi nitong


ipinatawag siya kamakailan ni Comelec Chairman Jose Melo kung saan ang plebisito ay
nakatakdang isagawa sa huling sabado sa buwan ng Nobyembre.
___________________ 6. Bagamat nakahanda na ang budget na 38 bilyon ditto, marami pa rin sa
ating mga kababayan ang hati ang opinion ukol dito.

___________________ 7. Kaya nga hiniling ni Suarez na magpalabas ang pamahalaan ng ng


halagang P38-M para sa kinakailangang pondo para sa isasagawang plebisito upang
makapagpasya ang mga mamamayan ng lalawigan kung pabor ba sila o hindi sa binabalak na

paghahati ng Quezon batay sa itinatakda ng RA 9495 (An Act Creating the Province of Quezon del
Sur).
___________________8. Ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang sukat na 862,676 hektarya
kung saan ito ay itinuturing na siyang pinakamahabang lalawigan sa buong bansa.
___________________9. Sa kabilang dako, patuloy pa rin na pinag-uusapan ang paghahati ng
lalawigan kung saan maging ang iba’t ibang sector ng lipunan ay nahahati ang kanilang mga
pananaw kung dapat nga bang magkaroon pa ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.
___________________ 10. Masidhi pa rin ang hangarin ng mga nagsusulong na magkaroon ng
plebisito kung saan ayon na rin kay Cong. Erin Tanada ay hindi naman iniiwanan ang nasabing
usapin at iisa pa rin ang kaniyang tinatayuan ang pagkakaroon ng Quezon del Sur at Quezon del
Norte.
___________________ 11. Samantalang yes naman sa paghahati si City Mayor Ramon Talaga jr.
dahilan sa paniniwalang ito ang makapagpapadali ng minimithing kaunlaran ng mga taga Quezon.
___________________ 12. Gayunman, inaabangan pa rin ng mga mamamayan kung anong
kahihinatnan ng nasabing usapin at nakahanda naman sila sa anumang pagpasyahan.
___________________ 13. Binigyang diin pa ng solon ang kanyang panawagan sa mga local na
opisyal ng lalawigan na huwag ilihis sa mga impormasyon ang mga mamamayan upang malaya ang
mga itong makapagpasya sa paghahati sa Quezon.
___________________ 14. Dagdag pa nito, na nagbigay ng P50Milyong piso ang Comelec upang
gamiting panggastos sa isasagawang plebesito.
___________________ 15. Gayunman, sa usaping ito ay nahahati rin ang mga pananaw ng mga
taga Quezon ,mayroong nalulungkot at mayroon namang natutuwa.
____________________16. Mayroon ding nagsasabi na baka isugal lamang ang gagawing
pagkakaroon ng Quezon del Sur at del Norte subalit mas magiging aba ang isa sa kanila.
____________________ 17. Ang nasabing paghahati ng lalawigan ay buong igting naman na
pinipigilan ng grupong Save Quezon Province Movement na pinangungunahan nina Hobart Dator at
Atty. Sonny Pulgar.
____________________ 18. Samantalang pabor naman si Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr.
dahilan sa malaki ang kaniyang paniniwala na madaling umunlad ang Quezon kung mahahati ito.
____________________ 19. Ang apo naman ni Quezon na si Manuel Roxas 111 ay hindi rin
pumapayag na mahati ang Quezon sapagkat aniya’y ang lalawigan ng Aurora at Marinduque ay
dating sakop pa rin ng Quezon.
____________________ 20. Bunga nito, dapat rin umanong mag-isip ang lahat kung dapat nga
bang mahati ang Quezon o hindi at kung anong naghihintay na kapalaran sa mga Quezonian.
Pagsasanay 2.
Sumulat ng isang sanaysay gamit ang mga datus sa taas. Gawin ito sa journal.

You might also like