You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino 6

I. LAYUNIN
 Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kuwento. (F6PB-If-3.2.1)
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kalikasan
Pagmamahal sa pamilya

II. PAKSANG ARALIN


A. Kasanayan: Pagsagot ang mga tanong na bakit at paano sa kuwento
B. Sanggunian:K to 12 Grade 6 MELC
C. Mga Kagamitan: Radio, Audio Lesson, Worksheet

III. PAMAMARAAN:

A. Pagganyak : Ipaawit ang awiting Kapaligiran


B.Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:
Itanong: Tungkol saan ang awiting napakinggan?
C.Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan:

Basahin ang talatang “Likas na Yaman”.

LIKAS NA YAMAN
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang
yamang kagubatan na matatagpuan ng iba’t-ibang pununkahoy, ibon at
hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na yamang ito’y
unti-unti nang naglaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga
puno sa ating mga kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala
na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan ditto. Wala na ang mga ugat
na mga punungkahoy na sumisipsipng tubig kaya’t madalas nag pagbaha.
Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang
Pilipino, paano natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiran na patuloy
na sinisira ng ibang kababayan
natin?

Sagutin ang sumusunod:


a. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo matutulungan ang
ating likas na yaman
na mapanitili ang kagandahan nito?
b. Bakit umabot sa punto na nawala ang mga ibon at hayop sa kagubatan?
c. Paano mo maliligtas ang mga hayop sa kagubatan sa kapahamakan na
naghihintay sa
kanila?

D. Paglalahat:
Mahalagang mapag – aralan natin ang pagsagot sa tanong na bakit
at paano upang malaman natin kung papaano ang wastong pagsagot sa mga
iba’t – ibang mga katanungan.
Tandaan: Bakit – Ang sagot ay karaniwang nagsisimula sa kasi, dahil sa,
mangyari.
Paano -Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.

IV. Pagtataya:

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mga Tanong
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Bakit naghirap ang bnsong anak??
3. Paano siya nabuhay noong naghirap na siya?
4. Bakit hindi nagalit ang kanyang ama sa bunsong anak?
5. Paano siya tinanggap muli ng kanyang ama??

V. TAKDANG-ARALIN:
Sagutin ang sumusunod
1. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong mga magulang?
2. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunuring anak?

Inihanda ni :

EDUARDO A. ZAMORA, JR.


Teacher III

You might also like