You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KUWARTER


FILIPINO-3
S.Y. 2022-2023

Pangalan:______________________ Iskor:____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat kuwento, usapan at


pangungusap. Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Makulay ang _ _ aysikel nina Aling Rosa. Alin ang kambal-katinig na bubuo
sa salitang klaster?
A. Br B. tr C. dy D. pl
2. Nawala ang sum_ _ero ni Mang Ruben
A. br B.tr C. Kl D. bl
3. Ang lang_ _ ay maruming insekto. Alin ang angkop na diptonggo upang
mabuo ang salita?
A. ay B. aw C. oy D. ow
4. Masarap ang tinap_ _ na binili ni Ate kanina sa bakery. Alin ang angkop na
diptonggo upang mabuo ang salita?
A. ay B. aw C. oy D. ow
5. Maganda ang silid-tulugan ni Meah Rocell. Alin ang kahulugan ng
nasalungguhitang salita?
A. silid para sa palay
B. silid para tulugan
C. silid para sa pagluluto
D. silid para sa paglalaba
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

6. Agad-agad na tumulong sa pagpatay ng apoy ang mga kapitbahay nina


Aling Marta at Mang Jose noong nagkaroon ng sunog sa kanilang kusina. Saan
nakatira ang kapitbahay?
A. malapit sa bahay B. malayo sa bahay
C. kasama sa bahay D. trabahador sa bahay

Para sa bilang 8-9


Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.
Ang Palaka sa Hardin
Ni Janet F. Fallorina

May palaka! May palaka sa hardin.


Mataba ang palaka sa hardin
Nilapitan ito ni Erica
Biglang lumundag ang palaka!
Tuwang-tuwa si Erica habang
pinagmamasdan ang palaka

7. Nasaan ang palaka?

A. sa kalsada B. sa puno C. sa hardin D. sa damuhan

8. Anong salita ang naglalarawan sa palaka?

A. payat B.mataba C. mahina D. bulag

9. Ano ang ginawa ni Erica sa palaka?

A. kinantahan B. Sinayawan C. iniyakan D. hinabol

10. Masayang _______ ng mga halaman sina King Paul at Francis.

A. nagdidilig B. naglalaba C. naghuhugas D. nagsisibak


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

11. Madalas ______ ng kape ang lolo namin.


A. umiiyak B. umaakyat C. umiinom D. kumakain
12. Palagi ka bang _________ sa mga gawaing-bahay?
A. kumakain B. Umaawit C. lumulundag D. tumutulong
13. Pangarap ni Magda na maging doktor. Alin ang salitang hiram sa
pangungusap?
A. pangarap B. Magda C. doktor D. alin
14. Mabuti sa katawan ang pagkain ng tsokolate. Ang salitang _________ ay
salitang hiram.
A. katawan b. pagkain C. mabuti D. tsokolate

Para sa bilang 15-18


Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong.
ANG HINOG NA MANGGA
Ni Janet F. Fallorina

Maraming pinamiling gulay at prutas si Nanay sa palengke. Hinanap


kaagad ni Robi ang paborito niyang hinog na mangga sa basket. Pagkakita niya
ay kinagat agad ang isa at inilagay pa ang isa sa bulsa. Wala nang natirang
mangga para sa Ate Rose at Kuya Patrick. Bumalik kaagad si Robi sa paglalaro
ng mga lastiko sa sahig.
Maya-maya pa’y lumapit si Robi sa kaniyang nanay at nagsabing
sumakit daw ang kaniyang tiyan. Sinabi rin ni Robi na naubos niya ang
mangga, kaya’t tumawag ang nanay sa kaibigang doktor upang mabigyan siya
ng tamang gamot .
15. Tama ba ang ginawa ni Robi na kukunin lahat ng manggang hinog na
pinamili ng kaniyang nanay, bakit?
A. Opo, tama ang ginawa ni Robi dahil paborito niya ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

B. Hindi po, dahil hindi lang siya ang kakain ng mangga.


C. Opo, dahil masustansiya ang mangga.
D. Hindi po, dahil maasim ang mangga.
16. Kung ikaw si Robi, ano muna dapat ang ginawa mo bago kainin ang
mangga?
A. Palamigin ko muna sa refrigerator.
B. Itago ko muna sa ilalim ng kama.
C. Hugasan ko muna sa malinis na tubig .
D. Punasan ko muna.

17. Dapat mo bang sabihin ang totoo sa nanay?


A. Opo, para alam niya ang gagawin sa akin.
B. Hindi po, dahil nakakahiya.
C. Opo, pero hindi ko sasabihing kinuha ko lahat ng mangga.
D. Hindi po, dahil takot akong mapagalitan.
18. Alin ang buod ng kuwento?
A. Ang tauhan sa kuwento ay sina Robi at nanay nito.
B. Ang tauhan sa kuwento ay sina Robi at nanay nito. Naganap
ang kuwento sa kanilang tahanan.

C. Ang tauhan sa kuwento ay sina Robi at nanay nito. Naganap


ang kuwento sa kanilang tahanan. Kinain agad ni Robi ang
mangga na hindi hinuhugasan.
D. Ang mga tauhan sa kuwento ay sina Robi at nanay nito. Naganap ang
kuwento sa kanilang tahanan.Kinain agad ni Robi ang mangga na hindi
hinuhugasan. Sumakit ang kaniyang tiyan kaya komonsulta ang nanay niya sa
kaibigang doktor.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

Para sa bilang 19-22


Panuto: Pakinggan ang babasahin ng guro na teksto sa ibaba at sagutin ang
mga tanong tungkol dito.

Gulayan sa Bukid
Ni Janet f. Fallorina

Malawak ang gulayan sa bukid ng mag-anak na Santos. Punong –puno


ito ng iba’t ibang gulay. May kamatis, okra, talong, sitaw, upo, ampalaya at
marami pang iba.

Malulusog ang mga ito. Berdeng-berde ang mga dahon at malalaki


ang bunga. Wala ni isang kulisap na makikita rito.

Dahil bakasyon, tulong-tulong ang mag-anak sa pag-aalaga ng mga


tanim nilang gulay. Nagdidilig ng mga pananim si Ben. Binubungkal ni
Tatay Berto ang lupa. Namimitas naman ng mga gulay sina Nanay Rosa at
Elena.

Kaya naman, masustansiya ang pagkain nila araw-araw. Kumikita rin


sila dahil sa kanilang gulayan. Maraming kapitbahay ang bumibili ng
kanilang inaning gulay.

19. Alin ang angkop na paksa sa unang talata?


A. Ang bukid ng mag-anak na Santos ay malawak.
B. Matataba ang mga tanim na gulay ng mag-ama.
C. Ang gulayan ng mag-anak ay punong-puno ng pananim
D. Malamig sa bukid.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

20. Para sa paksang “Kumikita ang mag-anak


sa pagbebenta ng gulay”,alin ang nagpapatunay nito?
A. Tumutulong sa pagtatanim ang mga kapitbahay
B. Maraming kapitbahay ang bumibili ng kanilang gulay
C. Maraming kapitbahay ang humihingi ng kanilang gulay.
D. Sinira ng aso ang bakod.

21. Sa ikatlong talata, alin ang paksa?


A. Tulong-tulong ang mag-anak sa pag-aalaga ng tanim
B. Si Tatay lamang ang gumagawa ssa gulayan.
C. May nagbabantay na aso sa gulayan.
D. may dalawang kambing doon.

22.Alin ang buod ng teksto sa itaas?


A. Ang mga tauhan sa kuwento ay ang Pamilya Santos. Nangyari ito
sa kanilang bukid. Nagtulong-tulong sila sa pag-aalaga ng pananim na
gulay kaya marami silang inaani rito.

B. May mga alagang hayop ang mag-anak. Tulong-tulong sila sa pag-


aalaga ng hayop.

C. Matulungin si Ana. Lagi niyang inaalagan ang kapatid. Tuwang-


tuwa ang kanyang magulang sa kaniya.

D. Mahilig sa pusa ang pamilya Cruz. May lima silang matatabang


pusa. Malaro ang mga ito. Tuwang-tuwa ang buong pamilya sa kanila.

Para sa bilang 23-25


Panuto: Basahin ang teksto at ibigay ang solusyon sa suliranin.
23. Nais ni Pipoy na lagyan ng tulay na kahoy ang ilog upang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

makapasok muli ang mga mag-aaral sa paaralan.


A.Hinayaan na lang niyang walang tulay ang ilog.
B. Hinila niya ang isang mahabang kahoy at inayos ito upang
maging tulay.
C. Hinintay niya na iba ang gagawa nito.
D. Umalis siyang walang ginawa.
24. Nakita mo na maraming hugasing pinggan sa kusina.
A. Hayaan ko lang ang mga ito.
B. Ipapahugas ko ito sa aking kapatid.
C. Huhugasan ko upang hindi na mapagod ang nanay.
D. Magtatago ako sa kuwarto.
25. Nakagat ng aso si Paul.
A. Hindi niya sasabihin sa magulang upang hindi pagalitan.
B. Papatayin ang asong kumagat.
C. Huhugasan ang sugat at sabihin sa magulang ang
nangyari.
D. Maligo sa dagat para mawala ang rabies.

26-30. Panuto: Sipiin nang wasto ang talata sa ibaba. Gamitin ang rubrik bilang
gabay.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

RUBRIK SA PAGSIPI
5 3 1
Nilalaman Kompleto at Wasto ang Maraming kakulangan
wasto ang pagsipi pagsipi ng mga sa pagsipi ng mga
sa lahat ng detalye sa talata detalye sa talata.
detalye sa sa ngunit may 1-2
talata. kakulangan.
Presentasyon Malinis at Malinis ngunit Mahirap basahin dahil
maayos ang hindi lahat ay hindi maayos ang
pagkakasulat ng maayos ang pagkakasulat ng mga
talata. pagkakasulat ng pangungusap.
pangungusap.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon

Wastong Tama ang Tama ang Maraming


bantas at pagkakabaybay pagkakabaybay pagkakamali sa
baybay ng ng lahat ng salita ng mga salita at pagbabaybay ng mga
mga salita at pagkakalagay paglalagay ng salita at pagkakalagay
ng mga bantas. bantas ngunit ng mga bantas.
may iilan ang
hindi naisulat
nang wasto .
Kabuoan

You might also like