You are on page 1of 9

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ______________________


Pangkat: ____________________________ Score: _______________________

I. PAKIKINIG:
Panuto: Pakinggang mabuti ang talaarawang babasahin ng guro. Pagkatapos pakinggan ay bilugan
ang titik ng wastong sagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang talaarawan

1. Sa talaarawang inyong napakinggan, ano ang ginagawa ng pulubi sa araw ng Lunes?


A. Pumapasok sa paaralan C. Namamalimos sa may simbahan
B. Nagtitinda sa lansangan D. Namamasukan bilang katulong

2. Anong magandang katangian ang ipinakikita ng bata sa talaarawan sa tuwing araw ng Linggo?
A. Pagpunta sa simbahan upang mamalimos at ng magkaroon ng maraming pera.
B. Pagpunta sa simbahan upang magpasalamat sa Diyos at humingi ng biyaya.
C. Pagpunta sa simbahan upang magmakaawa sa mga taong nagsisimba.
D. Pagpunta sa simbahan upang mandukot sa mga maninimba.

Panuto: Pakinggan ang tekstong babasahin ng guro at bilugan ang titik nang wastong sagot kaugnay
sa katanungan batay sa napakinggan.

3. Tungkol saan ang tektstong napakinggan?


A. Tungkol sa pag-aalaga ng hayop.
B. Tungkol sa pag-aalaga ng bata.
C. Tungkol sa pag-aalaga ng paaralan.
D. Tungkol sa pag-aalaga ng kalikasan.

Panuto: Bigyang kahulugan ang kilos ng tauhan na babasahin ng guro. Bilugan ang titik nang wastong
sagot.

4. A. Pag-aalala C. Pag-iingat
B.Umaasa D. Pagmamalaki

Panuto: Pakinggan ang kwentong babasahin muli ng guro. Pagkatapos makinig, bilugan ang titik nang
wastong sagot sa bilang 5-8.

5. Ano ang sanhi at naisipan ng pari na turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang
mg utos?
A. dahil marami siyang parokyang pinupuntahan
B. dahil marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis
C. dahil mahal ang pamasahe sa kanilang lugar
D. upang mapabilis ang kanyang lugar

6. Ano ang angkop na pamagat sa kuwento?


A. Ang Masunuring Kabayo C. Ang Pari at ang Kabayo
B. Pagsunod sa Utos D. Ang Palautos na Pari

7. Ano ang paksa ng kuwentong napakinggan?


A. Ang Pagsunod ng Kabayo sa Utos ng Pari
B. Ang Mabilis na Kabayo
C. Ang Pakialamerong Pari
D. Ang Matalinong Pari

8. Ito ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong napakinggan. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa


kuwento.
1. Nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo.
2. Bumisita ang kanyang kaibigang pari sa parokya.
3. Tinuruan niya ang kanyang alagang kabayong sumunod na lamang sa kanyang utos.
4. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang nakarating sila malapit sa bangin.
5. Dahil sa hindi sinasadyang utos, nahulog sila sa bangin

A. 5-4-3-2-1 C. 3-4-5-1-2
B. 3-2-1-4-5 D. 3-2-4-1-5

II. WIKANG BINIBIGKAS:


Panuto: Basahin ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

9. Alin sa mga magagalang na pananalita ang angkop gamitin kapag may mensaheng nais ipaalam?
A. Tao po, nariyan po ba si____. C. Pagpalain po kayo ng Maykapal.
B. Mawalang-galang na po. D. Kumusta po kayo?

III. GRAMATIKA:
10. Ang mga Pilipino ay patuloy na nagsiksikan upang makita si Pope Francis. Tukuyin ang pariralang
pang-abay sa panungusap.
A. mga Pilipino D. upang makita
B. si Pope Francis D. patuloy na nagsiksikan

11. Sa Apostolic Nunciature laging nagpapahinga ang Santo Papa. Alin ang pariralang pang-abay?
A. Apostolic Nunciature C.Sa Apostolic
B. Santo Papa D. laging nagpapahinga

12. Hindi man lang napagod sa motorcade si Pope Francis. Ang may salungguhit ay tinatawag na
_____.
A. pariralang pang-uri C. pariralang pangngalan
B. Pariralang pandiwa D. pariralang pang-abay

13. Alin ang akmang gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap? _______ ko sa telebisyon ang
pagdating ng Santo Papa.
A. Hindi man lang napagod. C. Patuloy na nagsisiksikan
B. Laging nagpapahinga. D. Kinilabutan ako ng napanood

14. Malakas ang buhos ng ulan. Alin ang pang-abay sa pangungusap?


A. malakas B. buhos C. ulan D. ng

15. Matangos ang ilong ng babae. Alin ang pang-uri sa pangungusap?


A. ng B. ilong C. babae D. matangos

PANUTO:Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap.Bilugan ang titik nang wastong
sagot.

16. Walang pagkakamali na hindi maitutuwid ______ ikaw ay nagsisi.


A. at B. kung C. dahil D. nang

17. Iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang nanay.
A. g B. na C. ng D. sa

IV. PAG-UNAWA SA BINASA


18. Malakas ang hangin at ulan, kumukulog at kumikidlat pa. Ang mga magsasaka ay naglalagay ng
suhay sa kanilang bahay. Ang mga hayop ay inilagay nila sa silong ng bahay. Alin sa mga sumusunod ang
akmang wakas ng teksto?
A. Maraming hayop ng magsasaka ang namatay.
B. Tinangay ng malakas na hangin ang bubong ng bahay ng magsasaka.
C. Naging ligtas ang lahat sa nagdaang bagyo.
D. Natulog ng mahimbing ang mga magsasaka.

19. Napakalakas ng ulan at hangin na nagdaan kagabi kaya ____. Piliin ang di kabilang sa mga naging
bunga nito.
A. nasira ang mga tindahan sa paligid C. lumubog ang mga tirahan
B. nawasak ang mga pananim sa bukid D. nawala ang mga tao sa pamayanan

Panuto: Basahin ang tekstong pang-impormasyon. Pagkatapos sagutin ang tanong ukol sa binasa.

Pumasok sa Pilipinas ang bagyong Yolanda noong ika-3 ng Nobyembre,


2013 at nanalasa ito sa Tacloban. Sa kabila ng mga pag-iingat, marami pa
rin ang namatay at nawalan ng ikinabubuhay dahil sa tindi ng lakas nito.
Maraming tao ang naapektuhan ng nasabing bagyo. Lumubog sa baha ang
Tacloban at marami ang hindi nakaligtas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin
nakakabangon ang Tacloban dahil sa tindi ng pinsala nito.
20. Paano nawalan ng kabuhayan at mga mahal sa buhay ang mga taga Leyte at Samar dahil sa bagyong
Yolanda?
A. Lumubog sa baha ang Tacloban na nanging dahilan ng pag-apaw ng tubig sa dagat.
B. Umihip ang malakas na hangin at marami ang napawid ng hangin sa dalampasigan.
C. Umulan ng buhangin sa buong Samar at Leyte.
D. Nagkaroon ng buhawi sa buong Tacloban.

21. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon ang ilang bayan sa Kabisayaan dahil sa
bagyong Yolanda?
A. Dahil tamad ang mga tao sa buong Kabisayaan.
B. Dahil walang tumutulong sa kanila.
C. Dahil sa tindi ng pinsala nito.
D. Dahil hindi sila nagkakaisa.

PANUTO:Basahin ang ulat. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao


sa gitna ng mga armadong bakbakan laban sa Islamistang pangkat na Maute
sa lungsod ng Marawi. Dahil dito, pinayuhan ang mga sibilyan na magdobleng
ingat at kung di kinakailangan ay manatili muna sa kanilang mga tahanan.

22. Ano ang dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte?


A. National Heroes Day C. Bantay Bata Act
B. EDSA Revolution D. Batas Militar

23. Saang lugar sa ating bansa idineklara ang nasabing batas?


A. PICC C. Luneta, Manila
B. Emilio Aguinaldo Shrine D. Marawi, Mindanao

V. ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
PANUTO:Bilugan ang titik ng wastong sagot kung ano ang ginamit na pangkalahatang sanggunian sa mga
sumusunod na sitwasyon.

24. Si Ivan ay may takdang aralin kay Gng. Maricel N. Tuico ukol sa asignaturang AP at kailangan niyang
alamin ang mga pangalan ng bagyong dumarating sa ating bansa. Kailangan niyang gamitin ang isang
teknolohiyang maaaring mapagkunan ng kaalaman sa tulong ng network ng mga kompyuter sa buong mundo.
A. internet C. twitter
B. cellphone D. facebook

25. Nais malaman ni Aubrey ang mapagkukunan niya ng mga kahulugan, baybay, ispeling at pagpapantig ng
mga salita; bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggagalingan ng salita at nakaayos ng
paalpabeto na itinakda sa kanila ng kanyang guro sa Filipino na si Gng. Nemesia L. Maralit. Alin sa mga
sumusunod na sanggunian ang kanyang gagamitin?
A. diksiyonaryo C. almanac
B. atlas D. ensayklopedya

26. Naguguluhan si Elizabeth sa sangguniang maaari niyang magamit na matatagpuan sa kanilang silid
aklatan. Nais niyang mabatid ang isa sa pangkalahatang sanggunian na naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa iba’t ibang paksa. Isa pa nais niyang mapatunayan ang tungkol sa isang aritukulo na pinagtataluhan
nila ng kaniyang kaibigang si Mark Joven. Ayon sa kanyang kaalaman, makikita rin sa sangguniang ito ang
mga artikulo tungkol sa mga katotohanan ng isang bagay, tao, pook o pangyayari. Kung ikaw si Elizabeth, alin
sa mga sumusunod ang gagamitin mo?
A. diksiyonaryo C. almanac
B. atlas D. ensayklopedya

PANUTO:Bilugan ang titik ng wastong sagot kung anong card catalog ang nararapat gamitin sa sumusunod
na kalagayan.

27. Upang mapabilis ang paghanap ng aklat na gagamitin sa iyong takdang aralin tungkol sa Ang Pilipinas sa
taong 2000, anong kard ang iyong gagamitin?
A. Kard ng Paksa C. Kard ng Pamagat ng Aklat
B. Kard ng Awtor D. Kard ng Pinaglimbagan

28. Nais mong malaman kung sino ang sumulat ng Alab Filipino 6.
A. Kard ng Paksa C. Kard ng Pamagat ng Aklat
B. Kard ng Awtor D. Kard ng Pinaglimbagan
29. Anong card catalog ang iyong gagamitin kung binigyan ka nito para sa iyong takdang aralin, “Salamisim,
Wika at Pagbasa 6”?
A. pamagat ng aklat C. call number card
B. pinaglimbagan D. pahina ng paksa

PANUTO:Piliin ang bahagi ng pahayagan na aangkop sa pangangailangan.

30. Sa pahinang ito mababasa ang kuro-kuro o puna na isinusulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong
paksa.
A. anunsyo klasipikado C. libangan
B. editoryal D. obitwaryo

31. Mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.
A. balitang komersyo C. libangan
B. balitang panlalawigan D. obitwaryo

32. Naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.


A. editoryal C. isports
B. anunsyo klasipikado D. pangmukhang pahina

VI. PAG-UNLAD NG TALASALITAAN


PANUTO: Bilugan ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

33. Ako’y kabataang lalang ng panahon.


A. namumukod C. nakasama
B. nabuhay D. nalikha
34. Mga biyayang handog ng wastong paglingap.
A. pagsisikap C. pagbibigay
B. pagtulong D. pag-aalaga
35. Kailan man hindi nagtatagumpay ang mga taong palalo.
a. mayabang c. maramdamin
b. masungit d. pasaway

PANUTO:Bilugan ang titik ng wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.

36. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Jesse dahil kabilang sila sa mga mamamayan ng bansa na may buhay
na isang kahig, isang tuka.
A. hirap ang buhay C. wala siyang tiyaga
B. parang manok D. mag-aalaga siya ng manok

37. Marami ang hindi natutuwa kay Michael sa kanyang mga kamag-aaral sa ika-anim na baitang sapagkat
mahilig siyang magbuhat ng sariling bangko.
A. nagdadala ng sariling bangko C. masyadong matulungin
B. nagbubuhat ng mabigat D. pinupuri ang sarili

PANUTO:Bilugan ang titik ng wastong panlapi na angkop sa salitang nakapanaklong.


38. (akyat)____ si Lou sa bundok ng Makiling kahapon kasama ng kanyang mga kamag-aaral.
A. um- B. –an C. –in D. in-,-an

39. Dali-daling (kuha)____ ni Trisha ang kanyang bag upang makahabol sa susunod na byahe ng eroplano
patungong Surigao.
A. -in B. –um- C. –an D. –in-

40. Binuksan ni G. Natanauan ang regalong (bigay)____ ng mga guro para sa kanyang kaarawan.
A.-um B. -in C. i-, -in- D. -an

VII.PAGSULAT
PANUTO: Piliin ang wastong salita na nasa kahon na bubuo ng angkop na diwa sa tula.

puhunanin mithiin
sinilanga’y handog
kasaganaa’y

Hamon ng Kalikasan
Bayang _(41)_ may likas na yaman
Na _(42)_sa atin nitong kalikasan:
Sa kaparangan man at sa kabundukan ,
Ang _(43)_ siyang mamasdan.

Ako’y kabataang may isang _(44)_


Kalikasan natin ay muling buhayin;
Sipag at tiyaga siyang _(45)_,
Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin.

PANUTO: Isaayos ang mga bahagi ng liham pangkaibigan sa tamang paraan ng pagkakasulat nito.(46-50)
46. Mahal kong Iolie
47. Nagmamahal
48. Aldous
49. 143 Sitio Dayapan
Bilogbilog, Tanauan City
Disyembre 20, 2017
50. Kumusta ka na? Binabati kita sa inyong pagkakapanalo sa pampaaralang patimpalak ng inyong paaralan.
Balita ko, tinanghal kang Bb. Bilogbilog 2017.Sina Edelaiza, Cassandra, Naithan at Justine ay masaya din
para sa iyo.

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

PAKIKINIG:
Pakinggan ang talaarawan aking babasahin. Sagutan ang mga katanungan pagkatapos
mapakinggan. (
Isang Linggong Karanasan ng Isang Pulubi (1-2)

Lunes – Malungkot akong namamalimos sa simbahan. Kailangan kong makaipon upang


makatulong sa aking pamilya.
Martes – Halos nakabilad ako sa araw sa buong maghapon. Masaya na akong may mga
nagbibigay sa akin ng limos.
Miyerkules – Ito pa rin ang aking damit. Marumi na. Hindi pa rin ako nagpapalit. Sana’y
magkaroon ako ng bagong damit.
Huwebes – Nakabili ako ng sardinas sa tindahan. Sa wakas ay may masarap kaming ulam sa
hapag.
Biyernes – Napadaan ako sa paaralan habang namamalimos. Sana ay nakakapag-aral ako.
Sabado – Malakas na umiiyak ang aking kapatid sa kaniyang higaan. Siya ay may sakit.
Sana’y marami akong mapalimos upang maibili siya ng gamot.
Linggo – Pumunta ako sa simbahan, hindi para mamalimos, kundi para magpasalamat sa
Diyos at humingi ng biyaya.
Malinis na Paligid ; Malinis na Nais! (3)

Maraming paraan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid. Sa pamamagitan ng iba’t ibang
kampanya ay matutuhan ng bawat isa ang pagmamahal sa kalikasan at pagpapahalaga sa kalinisan.
Ilan sa mga ito ay ang mga kampanyang Clean As You Go (CLAYGO), Bring Your Own Baunan
(BYOB), at Waste Segregation. Sa pamamagitan ng mga programang ito, kinikilala natin na tayo ay
katuwang ng Maykapal sa pag-aalaga ng kaniyang mga likha sa pamamagitan ng pag-alam natin
natin sa ating mga tungkulin at pagkakaroon ng kongkretong pagkilos para pangalagaan an gating
mga likas-yaman.

4. “Baka narito ang ating hinahanap na swerte,” ang sabi ni Jerard.

Pinagyamang Pluma 6 pah. 186 (5-8)

May isang pari sa isang malayang parokya na may alagang kabayo. Dahil marami siyang
gamit na dala kapag siya’y umaalis, naisipan niyang turuan ang kanyang kabayong sumunod na
lamang sa kanyang mg autos upang hindi na siya gumamit pa ng rendang lubid. Maayos ang
nagging resulta ng kanyang pagtuturo sa kabayo at hindi na nalalaglag ang mga kagamitan niya dahil
nagagamit niya ang dalawa niyang kamay upang hawakan mabuti ang mga ito. Kapag sinabi niyang
”Hay, salamat!” ay kumakaripas ng takbo ang kabayo at kapag sinabi niyang “Manalangin tayo” ay
kaagad itong humihinto.
Isang araw ay may bumisitang pari sa parokya. Labis ang tuwa nito ng malaman mula sa
kaibigang pari ang itinuro sa kabayo. “Subukan ko nga kung totoo ang sinabi mo,” ang wika nito sa
kaibigan.
“hay, salamat!” utos niya sa kabayo na nagsimula naman ng pagtakbo. Nasiyahan ang pari at
paulit-ulit niya itong inutos sa kabayo na pabilis naman ng pabilis ang takbo. Labis na nasiyahan ang
pari sa kanyang pagsakay hanggang makarating sila sa malapit na bangin. Sa takot ng pari ay
nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo. Nasa gilid nan g bangin nang
maalala niyang sabihing “Manalangin tayo.” At bigla naming huminto ang kabayo. “Hay, salamat!”,
kasunod na wika ng pari...

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

Code of Kinalalagyan ng Aytem


Learning Learning Competencies as per Bilang Bilang REM UND APP ANA EVAL CREA
Competencies Curriculum Guide ng ng
Araw Aytem %
(as per CG)
I. PAKIKINIG

F6PN-IIIb-3.1 Nasasagot ang mga literal 1 2 2.44% 1, 2


na tanong tungkol sa
napakinggang talaarawan
F6PN-IIIc-18 Naibibigay ang sanhi at 1 1 2.44% 5
bunga ng mga pangyayari

F6PN-IIId-19 Naibibigay ang paksa ng 2 2 4.88% 3, 7


napakinggang teksto
F6PN-IIIf-19 Nabibigyang kahulugan 1 1 2.44% 4
ang kilos ng mga tauhan
sa napakinggang kuwento
F6PN-IIIg-19 Nakapagbibigay ng 1 1 2.44% 6
angkop na pamagat sa
napakinggang talata
F6PN-IIIh-8.4 Napagsusunod-sunod na 1 1 2.44% 8
kronolohikal ang mga
pangyayari sa
napakinggang teksto

2.WIKANG BINIBIGKAS

Nagagamit ang 1 1 2.44% 9


F6PS-IIIf-12.19 magagalang na pananalita
sa iba’t ibang sitwayson -
pagpapahayag ng ideya
3. GRAMATIKA

F6WG-IIIa-c-6 Nagagamit ang pariralang 3 4 7.32 10,


pang-abay sa 11,
paglalarawan ng paraan, 12,
panahon, lugar ng kilos at 13
damdamin

F6WG-IIId-f-9 Nagagamit ang iba’t ibang 2 2 4.88% 14,


salita bilang pang-uri at 15
pang-abay sa
pagpapahayag ng sariling
ideya

F6WG-IIIg-11 Nagagamit nang wasto 1 1 2.44% 16


ang mga pangatnig

F6WG-IIIi-10 Nagagamit nang wasto 1 1 2.44% 17


ang pang- angkop

4. PAG-UNAWA SA
BINASA

F6PB-IIIa-20 Nagmumungkahi ng iba 1 1 2.44% 18


pang pangyayari na
maaaring maganap sa
binasang teksto
F6PB-IIIb-6.2 Napag-uugnay ang sanhi 1 1 2.44% 19
at bunga ng mga
pangyayari
F6PB-III c-3.2.2 Nasasagot ang mga 2 2 4.88% 20,
tanong na bakit at paano 21
sa tekstong pang-
impormasyon

F6PB-IIId-3.1.2 Nasasagot ang mga 2 2 4.88% 22,


tanong tungkol sa 23
binasang ulat

5.ESTRATEHIYA SA
PAG-AARAL
F6EP -IIIb-6 Nagagamit ang 2 3 4.88% 24,
pangkalahatang 25,
sanggunian 26

F6EP-IIIc-f-9 Nagagamit ang card 2 3 4.88% 27,


catalog 28,
29

F6EP –IIIe-7.1 Nagagamit ang iba’t ibang 2 3 4.88% 30,


bahagi ng pahayagan ayon 31,
sa pangangailangan 32

6. PAG-UNLAD NG
TALASALITAAN

F6PT-IIIb-1.7 Naibibigay ang kahulugan 2 3 4.88% 33,


ng pamilyar at di kilalang 34,
salita sa pamamagitan ng 35
Depinisyon

F6PT-IIIc-4.4 Nabibigyang-kahulugan 2 2 4.88% 36,


ang idyoma o 37
matalinghagang salita

F6PT-IIIj-15 Nakabubuo ng mga 2 3 4.88% 38,


bagong salita gamit ang 39,
panlapi at salitang-ugat 40

7.PAGSULAT

F6PU-IIIe-2.2 Nakasusulat ng tula 4 5 9.76% 41,


42,
43,
44,
45

F6PU-IIIi-2.3 Nakasusulat ng liham 4 5 9.76% 46,


47,
48,
49,
50

TOTAL 41 50 100.04% 13 12 7 8 5 5

Legend:

Rem-Remembering Ana-Analyzing
Und-Understanding Eval-Evaluating
App-Applying Crea-Creating
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Susi Sa Pagwawasto

1. C
41. Sinilangan
2. B
42. handog
3. D
43. kasaganaa’y
4. B
44. mithiin
5. B
45. puhunanin
6. A
7. A
___(49)____
8. D
____(46)_____
9. B
10. D
11. D
12. D
__________(50)______________________________
13. D
. __________________________________.
14. A
15. D
16. B
_____(47)______
17. C
_____(48)______
18. C
19. D
20. A
21. C
22. D
23. D
24. A
25. A
26. D
27. A
28. B
29. A
30. B
31. B
32. C
33. D
34. D
35. A
36. A
37. D
38. A
39. A
40. C

You might also like