You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Regional Diagnostic Assessment Test


FILIPINO 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng wastong
sagot.

1. Ito ay bahagi ng aklat kung saan nakasulat ang pamagat. 


0. indeks
A. katawan ng aklat
B. pabalat
C. talaan ng nilalaman

0. Kayo ay may takdang-aralin sa Filipino. Sinabi ng inyong guro ang paksa. Ano
ang iyong gagawin upang makita mo ang pahina nito?
0. titingnan ang paksa sa glosari
A. hahanapin ang paksa sa talaan ng nilalaman
B. magpapatulong sa magulang sa paghahanap ng paksa.
C. bubuklatin isa-isa ang pahina hanggang sa mahanap ang paksa.

3. Ang __________ ay uri ng panghalip na ginagamit na pamalit sa ngalan ng tao upang


maiwasan ang pag-uulit sa ngalan nito.
0. panghalip paari
A. panghalip pamatlig
B. panghalip pananong
C. panghalip panao

4. Si Kier ay isang mabuting bata. Ano ang wastong panghalip panao para sa
nakasalungguhit na salita?
0. Ako B. Ikaw C. Siya D. Tayo

5. Hindi mo sinasadyang mabasag ang pinggang hinuhugasan mo. Anong magalang


na pananalita ang sasabihin mo?
0. Wala akong pakialam.
A. Hindi ko kasalanan ang pagkabasag.
B. Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya.
C. Paumanhin. Hindi na ako maghuhugas ng pinggan kahit kailan.
 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
6. Siya ay nakatira sa bukiring bahagi ng San Isidro. Ang nakasalungguhit sa
pangungusap ay _______________. 
0. suliranin B. pangyayari   C. tagpuan D. tauhan
7. Alin sa mga sumusunod ang dapat isulat ng malaking titik?
A. jose rizal B. lapis C. paaralan D. tanawin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling salaysay at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.

Ang Pagbabalik Paaralan


Alyssa L. Delos Santos

Araw ng Linggo masayang inihahanda ni Perla ang kaniyang mga kagamitan sa


paaralan. Sabik na sabik siyang sumapit ang araw ng Lunes para sa kanilang limited
face to face classes. Naalala niya ang mga tagubilin ng kaniyang guro na magdala ng
papel, lapis, alcohol at magsuot ng face mask upang masiguro parin ang kaligtasan ng
bawat isa.

8. Piliin sa ibaba ang may pinaka angkop na tanong mula sa binasang salaysayin.
I.  Anu-ano ang mga tagubilin ng guro ni Perla?
            II. Anong oras ang pasok ni Perla sa paaralan?
           III. Bakit kailangang sundin ang tagubilin ng guro?
           IV. Sino ang kasama ni Perla sa pagpasok sa paaralan?

0. I at III
A. I, II, at III
B. II at III
C. I, II, at IV 

9. Ang sumusunod na mga pangungusap ay may wastong ayos ng pagtatanong. Alin


sa mga ito ang HINDI kabilang?
A. Sino ang bata sa kuwento?
B. Ano ang wakas ng maikling salaysayin?
C. Isa siya sa tauhan sa maikling salaysayin?
D. Ano ang ginagawa ng mga bata sa kuwento?

10. Ayon kay Binibining Delos Santos, ang modyul ay maraming maibibigay na mga
bagong kaalaman at siguradong mahahasa rin ang pagbabasa ng mga bata.  Piliin ang
maaring maging tanong sa naging pahayag.
A. Saan kukuha ng mga modyul ang mga bata?
B. Sino ang magbibigay ng modyul sa mga bata
C. Ano ang magandang dulot ng modyul sa mga bata?
D. Ano ang ginagawa ng mga bata sa maikling salaysay?
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng mga salitang may wastong
baybay. 

11. Si Carla ay masayang nakatanggap ng ______, noong nakaraang pasko mula sa


kaniyang ninong at ninang. 
0. ragelo
A. regalo 
B. rigalo
C. regalu

12. Tuwing araw ng ______, pumupunta sa simbahan ang pamilya ni Leo upang
manalangin at magpasalamat.
0. Linggo
A. Lingo
B. Linggu
C. Lingu

Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 

Mga Alaalang Lumipas


Alyssa L. Delos Santos

Binalikan ni Marko sa kaniyang mga alala ang mga taon na nasa paaralan siya,
kalaro ang kanyang mga kaibigan at kamag-aral. Naghahabulan sila sa malinis na
parke ng paaralan, masayang nanghuhuli ng iba’t ibang makukulay na paruparo sa
luntian nilang hardin.

Hindi rin niya malilimutan ang kaniyang mga mababait at masisipag na mga
guro na madalas magbigay sa kaniya ng baon at mga payo. Hiling niya na sana ay
matapos na ang pandemiya upang makabalik na sila sa paaralan, makasamang muli
ang iba pang mag-aaral, makapag-aral muli ng maayos, at matuto na kasama ang
kaniyang mga mahal na guro. 

13. Paano mo ilalarawan ang buhay ni Marko bago ang panahon ng pandemiya?
A. maginhawa 
B. malungkot 
C. masaya
D. mapait

14. Paano inilarawan ni Marko ang kapaligiran ng paaralan bago magkaroon ng


pandemiya?
A. makalat, makulay, at luntian  
B  malinis, makulay, at luntian
C. malinis at makulay
D. malinis at luntian
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na pamagat ng talata.

Ang aklat ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa atin. Ito rin ang


nagdadala sa atin sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng pagbabasa.
Maraming mga kaalaman ang matutuhan natin sa aklat. Kaya naman mahalaga na
tayo ay nagbabasa ng mga aklat.

15.
0. Iba't-ibang Lugar
A. Ang Pagbabasa
B. Ang Kahalagahan ng Aklat
C. Ang Aklatan

Ang pagiging matapat ay isa sa pinakamahalagang katangian ng dapat


mayroon ang isang tao. Kapag matapat ka, madali mong makukuha ang pagtitiwala
ng nakararami. Mas dumarami ang taong nais na sa iyo ay nagtatapat din sapagkat
nararamdaman nila na mapagkakatiwalaan ka. 

16.
0. Ang Pagiging Matapat
A. Mahalagang Katangian
B. Pagtitiwala
C. Madaling Makukuha

Si Mira ay may aso at pusa. Ang mga ito ay masasaya. Ang pusa ay may laso
gayundin ang aso. Puti ang laso ng pusa samantalang pula naman ang sa aso. Laro
nang laro ang mga alaga ni Mira kaya naman tuwang tuwa siya sa kanyang mga
alaga.

17.
0. Ang laso
A. Ang Aso at Pusa ni Mira
B. Laro ng Laro ang mga Hayop
C. Pusa at Aso

Ngayong linggo ang araw ng pamilihan. May dalang paninda ang mga tao. May
sitaw, bataw, kasoy, at patola. May patani, upo, at kalabasan din na paninda. May
mga karne at iba’t ibang prutas din na makikita sa iba pang mga puwesto. Kaya
naman punong puno ng tao ang pamilihan tuwing araw na ito.

18.
0. Ang Araw ng Pamilihan
A. Mga Tindero at Tindera
B. Masusustansiyang Pagkain
C. Araw ng Linggo

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na reaksyon.


19. Ang pagsuot ng face mask ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
A. Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.
B. Hindi ako sang-ayon dahil sagabal ito sa paghinga.

20. Umiwas sa mga taong may lagnat, ubo at sipon.


A. Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.
B. Hindi ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.

21. Ang taong nakisalamuha sa pasyenteng positibo sa virus ay kailangang humingi


ng agarang atensiyong medikal
A. Sang-ayon ako upang masuri kung nahawaan.
B. Hindi ako sang-ayon dahil magastos ang magpatingin sa doktor.
 
22. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig.
A. Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.
B. Hindi ako sang-ayon sa umaagos na tubig dahil maaksaya.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti, salungguhitan ang salitang hiram sa bawat


pangungusap.

23. Nag-uwi si tatay ng hamburger, french fries at juice.


24. Araw-araw ay pumupunta sa gym si Taylor.
25. Maraming kakaibang hayop ang nakita ni Kai sa zoo.
26. Nasira ang zipper ng pantalon ni Blair.
27. Makukulay ang mga vinta sa Mindanao.
 
Panuto: Basahin at unawain ang talata.

          Sa isang bahay-kubo malapit sa tabing-ilog sa Maligaya Village ay naninirahan


sina Mang Nestor at Aling Sisa. Marami silang tanim na ibat-ibang uri na bungang
kahoy. Sa kanilang likod-bahay ay may mga alaga silang itim na baboy na sadyang
nakakaagaw-pansin sa mga kapit-bahay na dumaraan. 

Sagutin ang sumusunod na tanong at gumuhit ng bituin sa letra ng tamang sagot.

28. Sa unang pangungusap ng talata, ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na
bahay-kubo?
a. malaking bahay    
b. maliit na bahay   
c. likuran ng bahay
d. harapan ng bahay

29. Sa unang pangungusap ng talata, ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na
tabing-ilog?

a.  tabing dagat    


b.  pampang  
c.  dalampasigan
d.  baybay ilog

30. Sa ikalawang pangungusap ng talata, ano ang ibig sabihin ng tambalang salita na
bungang kahoy?

a.   prutas  
b.   punong namumunga
c.   puno
d.   halaman

You might also like