You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet
PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 4

Pangkalahatang Panuto:
A. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 40 aytem tungkol sa mga kasanayang
pampagkatutong binigyang tuon sa buong markahan. Basahin at unawaing mabuti ang
bawat aytem bago sagutin.
B. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pamimilian at isulat ang letra nito sa
naibigay na hiwalay na sagutang papel.
C. Huwag sulatan ang talatanungang ito.

Panuto: Basahing mabuti ang alamat at sagutin ang tanong tungkol dito.
Ang Alamat ng Aso
Simula pagkabata, si Masong at si Lito ay matalik nang magkaibigan. Lagi silang magkasama
sa bawat lakaran. Nanatili ang mabuti nilang samahan hanggang sila’y nagbinatilyo na. Sa hindi
inaasahang pangyayari, si Masong ay nagkaroon ng malubhang sakit at humantong iyon sa
kamatayan. Hindi natanggap ni Lito ang biglaang pagkawala ng kaibigan. Laging dinadalaw ni Lito ang
puntod ng kaibigan at madalas niya itong kausapin na para bang nasa tabi lamang niya ito. Minsan,
sumama ang pakiramdam ni Lito kaya pinigilan muna siya ng kanyang ina sa pagdalaw sa libingan ng
kaibigan. Sa buong panahon ng pagkakasakit ni Lito ay may maliit na hayop na umuuwi sa kanilang
bahay. Nang gumaling, dinalaw nitong muli ang puntod ng kaibigan, laking gulat nito nang makita roon
ang maliit na hayop na laging pumupunta sa kanilang bahay. Hindi na humiwalay ang hayop sa kanya
mula noon. Dahil sa hayop na iyon nalimutan ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.
Pinangalanan niyang Masong ang hayop. Nang lumaon naging aso na ang tawag dito.

1. Sino-sino ang matalik na magkaibigan sa kuwento?


A. Ang aso at si Lito
B. Sina Masong at Lito
C. Si Masong at ang aso
D. Si Lito at ang aso ni Masong

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang tanong tungkol dito.


PAG-IBIG
Ang pag-ibig ay mahiwaga,
May pag-ibig sa kapwa;
May pag-ibig sa mutya,
At may pag-ibig sa Lumikha.

Kuwintas ay tanda ng pagmamahalan,


Sa mga bayani bandila ang pinaglaban;
Sa lumikha ay kabanalan,
At sa kapwa ay pagtutulungan.

Ito nga ba’y papel na gagampanan,


Dito sa mundo na ating tahanan;
Pag-ibig na maraming kahulugan,
Tutuklasin at ipaglalaban.
2. Ano-ano ang mga tanda o simbolo ng pag-ibig na nabanggit sa tula?
A. Ang simbolo ng pag-ibig ay papel, mundo, tahanan, at mahiwaga
B. Ang simbolo ng pag-ibig ay kuwintas, bayani, Lumikha, at kapwa
C. Ang simbolo ng pag-ibig ay mahiwaga, kapwa, mutya, at Lumikha
D. Ang simbolo ng pag-ibig ay kuwintas, bandila, kabanalan, at pagtutulungan

Panuto: Basahin at unawain ang awit na likha ni Francisco Santiago. Pagkatapos ay piliin ang
letrang tamang sagot.

Pilipinas Kong Mahal


Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang.

3. Ano ang tinutukoy sa awit na handang ibigay para sa bayan?


A. Puso at Buhay
B. Tulong at Pakikiisa
C. Kayamanan at Pag-ibig
D. Simulain at Pakikipaglaban

4. Marunong ka bang gumamit ng computer? Ano ang tamang baybay sa Filipino ng


nasalungguhitang salita?
A. Compyoter
B. kompyuter
C. kompiyuter
D. computer

5. Ito ay kagamitan sa Agham kung saan makikita ang mga bagay na nasa malayo. Ito rin ang
ginagamit upang makita ang isang maliit na bagay sa malaking sukat. Alin sa sumusunod ang
tamang baybay ng tinutukoy na kagamitang pang-Agham na ito?

A. telescop
B. tilescope
C. teliscope
D. telescope

6. Dala-dala ng mag-amang Cris at Caloy ang baong pagkain, lambat at ilawan. Sumakay sa bangka
at pumalaot sa dagat. Ano sa palagay mo ang gagawin nila?
A. Maliligo sa dagat.
B. Mangingisda sa laot.
C. Magpipiknik sa dagat.
D. Maglalakbay lamang sa dagat.

7. Sa lahat ng propesyon noong panahon ng pandemya __________ang mga manggagamot at nars.


Alin sa mga sumusunod ang angkop na antas ng pang-uring gagamitin upang mabuo ang diwa ng
pangungusap?
A. abala
B. mas abala
C. kapwa abala
D. pinakaabala

2
8. Ito’y isang panahong pinananabikan ng mga batang tulad mo dahil kasabay nito ang isang
bakasyong umaabot ng dalawang linggo. Ano ang tinutukoy na panahon sa pangungusap?
A. Pasko
B. Tag-init
C. Araw ng Kalayaan
D. Araw ng mga Bayani

9. Bihira tayong makakita ng salipawpaw sa himpapawid dito sa probinsiya. Ano ang kahulugan ng
nasalungguhitang salita sa pangungusap?
A. ibon
B. agila
C. eroplano
D. saranggola

10. Si Berto ay nakahiga sa kama. Binabantayan siya ng nanay. Marahang hinaplos ng nanay ang
noo ni Berto at pinainom ito ng gamot. Ano sa palagay mo ang nangyayari kay Berto?

A. Si Berto ay may sakit.


B. Si Berto ay nagpapahinga.
C. Si Berto ay paborito ni nanay.
D. Si Berto ay nakikinig sa kuwento ni nanay.

11. Si Apolinario Mabini ay isa sa mga dakilang bayaning Pilipino. Sa kabila ng pagiging lumpo,
patuloy siyang naglingkod sa bansa noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Sa
ganito, tinagurian siyang “Utak ng Himagsikan” at Dakilang Lumpo”. Ano ang paksa ng talata?

A. Dakilang Lumpo
B. Bayaning Pilipino
C. Utak ng Himagsikan
D. Si Apolinario Mabini

12. Ang mag-anak ay sama-samang ______ sa restoran mamayang gabi. Ano ang angkop na anyo
ng pandiwang gagamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. kinain
B. kakain
C. kumain
D. kumakain

13. __________ ang mga ngipin mo kapag hindi ka magsipilyo. Alin sa sumusunod ang wastong
anyo ng pandiwang gagamitin sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito?
A. Nasira
B. Sinira
C. Masisira
D. Nasisira

14. Nagkasakit si Ana ng tatlong araw kaya hindi siya nakakuha ng pagsusulit. Ano ang
sanhi ng pangyayari sa pangungusap?
A. Nahuli siya.
B. Naglalaro si Ana.
C. Nagkasakit siya ng tatlong araw.
D. Nahuli sa pagsagot ng modyul.

15. Marami ang nawalan ng trabaho lalo na nang mag-lockdown dahil sa COVID19 kaya sila humingi
ng tulong sa kanilang barangay. Alin ang bunga sa pangungusap?
A. Nawalan ng pera.
B. Pagkakaroon ng COVID-19.
C. Humingi ng tulong sa kanilang barangay.
D. Marami ang nawalan ng trabaho lalo na nang mag-lockdown.

3
Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Isang Tagpo sa Buhay ni Ramon Magsaysay

Maghahatinggabi na noon. Tahimik na ang buong paligid. Handa nang matulog ang pamilya ni
Sen. Cipriano Primicias.
Ngunit hindi pa gaanong nagtatagal nang biglang may kumatok. Halos mag-iika-12 na ng
hatinggabi. Narinig ito ng drayber na doon lamang natutulog sa ibaba. Sinilip niya kung sino ang taong
kumakatok sa tarangkahan. Sinabi ng tsuper kay Gng. Primicias na tila o parang si Pangulong Ramon
Magsaysay ang nakita niyang kumakatok.
Hindi nga nagkamali ang drayber. Pinasundo ni Gng. Primicias ang Pangulo sa kanilang drayber
sa tarangkahan.
Dali-dali namang ginising ni Gng. Primicias si Sen. Primicias.
Tumagal nang mahigit dalawang oras ang pag-uusap ng dalawa. Habang sila’y nag-uusap, kumalat
ang balita sa buong kapitbahayan ng mga Primicias na naroon sa kanilang lugar ang Pangulo.
Nagulat si Pangulong Magsaysay nang sa kaniyang paglabas ay napakaraming tao ang
nakaabang sa kanya sa tarangkahan.

16. Saan ang tagpuan ng nabasang kuwento?


A. Tarangkahan
B. Malakanyang
C. Bahay ng pangulo
D. Bahay ni Sen. Cipriano Primicias

17. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa binasang kuwento?


A. Drayber at si Gng. Primicias
B. Drayber at si Pangulong Ramon Magsaysay
C. Ginoong Cipriano Primicias at Gng. Primicias
D. Pangulong Ramon Magsaysay at Sen. Cipriano Primicias

18. Ano ang kasukdulan ng kuwentong binasa?


A. Nagtungo ang pangulo sa bahay ni Sen. Primicias upang doon matulog.
B. Nagtungo ang pangulo sa tahanan ni Sen. Cipriano upang kumbinsehin siyang tumakbo bilang
Bise Presidente
C. Nagtungo ang pangulo sa tahanan ni Sen. Primicias upang pag-usapan ang mahalagang
bagay at tumagal ito ng dalawang oras
D. Nagtungo ang Pangulo sa bahay ni Sen. Primicias upang pag-usapan ang pulitika at sa
pagtakbo ng misis ni Sen. Primicias bilang Presidente.

19. Galing sa mayamang pamilya si Ahira ngunit sa halip na ipagsabi at ipagmalaki niya na siya ay
mayaman ay pinili niyang tumahimik at huwag ipagsabi ang kanyang pinagmulan. Paano mo
ilalarawan si Ahira?
A. mabait
B. mahiyain
C. masunurin
D. mapagpakumbaba

20. Sinisiguro ni Roldan na maayos ang kanyang mga gamit sa opisina bago umuwi upang
maiwasan ang pagiging makalat nito. Paano mo ilalarawan si Roldan?
A. masikap
B. masipag
C. masinop
D. maingat

21. ______sa kabilang bundok pa ang kanilang bahay. Alin ang panghalip pamatlig na panlunan ang
bubuo sa pangungusap?
A. Rito
B. Dito
C. Doon
4
D. Diyan

22. Bibili ako ng saging. Bibili ako __________. Anong panghalip pamatlig na paari ang dapat
gamitin sa pangungusap?
A. ito
B. nito
C. niyan
D. niyon

23. Ang ganda ng proyekto mo. __________ ang gusto ng ating guro. Ano ang tamang panghalip
pamatlig na patulad ang bubuo sa pangungusap?
A. Ganire
B. Ganito
C. Ganyan
D. Ganoon

24. Ang ganda naman! __________mo na pala ang larawan paborito mong tanawin sa iyong
kwaderno. Anong angkop na pandiwa ang bubuo sa pangungusap?
A. Ididikit
B. Maidikit
C. Naidikit
D. Maididikit

25. Nawawala ang gunting ni Tessie. Kanina pa niya ito ________.


A. hinanap
B. humanap
C. hahanapin
D. hinahanap

26. Tukuyin ang salita batay sa ugnayang salita-larawan.

A. umiiyak
B. humihingi
C. natutulog
D. pinahihinto

27. Sabi ni Kuya, ang ____________ sa mga batas pangkalusugan ay tungkulin ng bawat isa lalo na
ngayong panahon ng pandemya. Aling angkop na pandiwa ang dapat ipuno sa pahayag?
A. sunod
B. susunod
C. sumunod
D. sumusunod

28. Ugaliin mong _______________ ng iyong kamay tuwing kakain upang makaiwas ka sa anumang
sakit. Aling pandiwang pautos ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. hugas
B. naghugas
C. maghugas
D. maghuhugas

29. Gumuhit ng isang tatsulok na may katamtamang laki. Sa baba ng tatsulok, gumuhit ng
parihabang patayo na hindi malapad. Sa itaas ng tatsulok, gumuhit ng bituing dapat nakadikit
sa tuktok ng tatsulok.

5
Alin sa sumusunod ang iyong magiging sagot?

A. B. C. D.

30. Anak-mahirap si Zeny. Sa kabila ng kahirapan, nagsikap siya sa pag-aaral hanggang sa


nakatapos sa kolehiyo. Dahil matalino, madali siyang natanggap sa isang malaking tanggapan.
Nang sumunod na taon, itinaas na ang kanyang posisyon at naragdagan nang malaki ang
suweldo niya. Patuloy na kinilala ang husay at sipag ni Zeny. Ano ang maaaring mangyari
makalipas ang sampung taon?
A. Si Zeny na ang isa sa matataas na opisyal ng kanilang opisina.
B. Si Zeny ay kinaiinggitan at tuluyan nang lumipat sa ibang opisina.
C. Si Zeny ay napagod na at maagang umayaw sa kanyang trabaho.
D. Si Zeny ay nakipag-asawa at ibinigay ang kanyang panahon sa pamilya niya.
31. Kinausap ng guro si Rommel. Huling babala na ang ibinigay na iyon sa kanya. Kung hindi siya
makapapasa sa huling markahang pagsusulit, tiyak na uulit siya ng ikaapat na grado sa isang
taon. Kaya malayo pa man ang iskedyul ng pagsusulit, gabi- gabi nang nag-aaral si Rommel.
Ano ang maaaring nangyari nang matapos ang markahang pagsusulit?
A. Ibinalita ng guro na tiyak na tiyak nang mag-uulit siya ng ikaapat na grado.
B. Sinabi ng guro na wala pang katiyakan kung pasado o bagsak siya.
C. Tinawag siya ng guro at sinabing bagsak lahat ang pagsusulit niya.
D. Ipinahayag ng guro na maganda ang resulta ng pagsusulit kaya pasado siya.

Ang Kuneho at Ang Pagong


Isang araw ay nagkarera sina Kuneho at Pagong dahil na rin sa hamon ni Pagong. Natulog
muna si Kuneho dahil mabagal naman lumakad si Pagong. Nang magising na si Kuneho ay malayo
na si Pagong. Hindi na inabutan ni Kuneho si Pagong at ang nanalo ay si Pagong.

32. Ano ang ginawa nina Kuneho at Pagong isang araw?


A. Nagkarera sila.
B. Nag-awitan sila.
C. Nagkatuwaan sila.
D. Nagkuwentuhan sila.

33. Bakit nanalo si Pagong sa karera sa bandang huli?


A. Umatras si kuneho
B. Nakatulog si kuneho
C. Namasyal si kuneho
D. Hindi tinanggap ni Kuneho ang hamon ni Pagong

34. Si Jocel ay ______________ tumakbo kaya siya ang nanalo sa karera. Anong pang-abay ang
angkop ipuno sa patlang?
A. matuling
B. matagal
C. mabagal
D. mahinhing
35. Anong salita ang maaaring ipuno sa patlang upang makabuo ng isang makabuluhang
pangungusap na ginagamitan ng pang-abay?
Si Richard ay ___________ mag-araro sa bukid kaya siya nakapagtanim agad.
A. mabilis
B. mabagal
C. maingat
6
D. maayos

Isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon ng pamahalaang lungsod ng Baguio. Ito ang
pagpapatupad ng curfew. Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga kabataang may 17 taong
gulang pababa. Magsisimula ito ng ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga. Aarestuhin at
paparusahan ang mga kabataang lalabag sa curfew.

36. Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta sa kaisipan ng teksto?


A. Ang pagpapatupad ng curfew sa lungsod ng Baguio.
B. Ang mga kabataan sa gitna ng pandemya at pinaiiral na ordinansa.
C. Ang pagpaparusa sa mga kabataang lumabag sa ipinaiiral na ordinansa.
D. Ipinagbabawal ang paglabas ng mga kabataang may edad 17 gulang pababa mula ika-10 ng
gabi hanggang ika-4 ng umaga.

37. “Si Jenalyn ay ___________umawit ng acapela kaya natutuwa sa kanya ang lahat.” Anong
angkop na pang-abay ang bubuo sa pangungusap?
A. mabagal
B. mahinhin
C. magaling
D. matuling

38. Si Mario ay ___________ sa labas ng kanilang bakuran. Ano ang tamang pandiwa na dapat
gamitin sa pangungusap batay sa larawang nasa itaas?
A. naglalaro
B. nag-aararo
C. nagkakalat
D. nagwawalis
.
39. Si Ben ay __________ na sumagot sa doktor nang siya’y tinanong kung kumusta na ang
kanyang pakiramdam. Kaya tuwang tuwa ito sa kanya ang doktor. Ano ang wastong pang-abay
na dapat ipuno sa patlang upang makabuo ng pangungusap?
A. pasigaw
B. masaya
C. magalang
D. malambing

40. Ang mga tao ay __________________ dahil sa natanggap na ayuda. Alin ang tamang pang-uri
na dapat gamitin sa pangungusap?
A. masaya
B. maagap
C. maayos
D. matiyaga

7
Republic of the Philippines
Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet

You might also like