You are on page 1of 5

Learning Strand 1 – Communication Skills (Filipino)

Panuto: Piliin ang may pinakatamang sagot at bilugan ito.

1. "______ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol.” Anong
anyo ng pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag?

a. Nagamit b. Gagamitin c. Ginamit d. Kagagamit

2. Si Jawe ang nakatatandang kapatid ni Carl. Anong panghalip ang pwedeng ipamalit sa
pangangalan na nakasalungguhit?

a. Siya b. niya c. sila d. ako

3. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol?

a. pinuhin,anihin,ihain c. kumanta,tumalilis,kumaripas
b. gamitan,asahan,pag-aralan d. natapos,natatapos,matatapos

4. Kahit mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na
lumapit sa kanila. Ang may salungguhit sa unahan ay______.

a. pangngalan b. pandiwa c. pang-uri d. pang-ugnay

5. “Ang positibong pag-iisip at pagganap sa tungkulin ay daan tungo sa isang matiwasay


na buhay.”

a. Pangngalan b. Panghalip c. Pang-uri d. Pang-abay

6. Anyo ng pang-uri kapag ito ay salitang-ugat lamang, likas, walang lapi o banal.

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan

7. Ginawa ni Solen ang lahat upang maipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Reuben.
Anong gamit na pandiwa ang nakasalungguhit sa pangungusap?

a. Aksyon b. Karanasan c. Pangyayari d. Aktor

8. Labis na nanibugho si Cardo sa kagandahan ni Alyana. Anong gamit na pandiwa ang


nakasalungguhit sa pangungusap?

a. Aksyon b. Karanasan c. Pangyayari d. Aktor

9. Malimit na sa pagmamasid ____ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang


pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Marissa ng panghihinayang at
napuputos ng lumbay ang kaniyang puso. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng
pangungusap?
a. niya b. nito c. nila d. sila
10. Kailan malalaman kung ang pangngalan ay ginamit bilang kaganapang pansimuno?

a. Kung ito ay walang pandiwa at ang simuno ay tumutukoy sa pang-uri.


b. Kung ito ay ginagamit na pamalit sa panghalip.
c. Kung ito ay tumutukoy sa pang-halip.
d. Lahat ng mga ito.

11. Ang kotse ni Kevin ay mas mabilis kaysa sa kotse ni Lino.

a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Pang-ukol

12. Sila ay mga kasapi ng isang samahang Kristiyanismo.

a. Pang-uring Panlarawan c. Pang-uring Pantangi


b. Pang-uring Pamilang d. Pang-uring Panlunan

13. Maraming alam tungkol sa lutuing Pilipino ang tita ni Jayson.

a. Pang-uring Panlarawan c. Pang-uring Pantangi


b. Pang-uring Pamilang d. Pang-uring Panlunan

14. Tumulong kami sa paggawa ng makulay na saranggola.

a. Pang-uring Panlarawan c. Pang-uring Pantangi


b. Pang-uring Pamilang d. Pang-uring Panlunan

Palala nang palala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa
kalagayang ito. Binabalikat ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na
maaaring dulot na rin ng makabagong kabihasnan at siyensiya. Mapapansing dahil sa
malubhang pag-init ng mundo, pabago-bago ang klima sa bawat daigdig. Ito’y bunga ng
labis na paggamit ng kahoy bilang panggatong. Ang mabilis na pagkaubos ng mga puno sa
kagubatan ay nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon, hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa
iba pang mga bansa.

Sa nabanggit na mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat ito ang
nagpapalala ng polusyon sa lahat ng mga bansa. Kaya naman hindi tumitigil ang pamahalaan
ng bawat bansa at mga dalubhasa sa buong mundo sa paglutas ng mga problemang
ibinibigay nito sa daigdig.

Gayunpaman, hindi dapat iasa lahat sa mga grupo ng mamamayang may malasakit sa
paglutas ng suliranin sa bansa. Dapat magsimula ang pagkilos sa mga tahanan upang
mapadali ang pagbibigay ng kalutasan sa problemang idinulot nito sa sangkatauhan.

Hango sa Hiyas ng Lahi IV, Vibal Publishing House, Inc.


15. Ano ang maaring bunga ng patuloy na pag-init ng mundo?

a. Matutunaw ang mga yelo na magpapalala sa pagbaha.


b. Mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo.
c. Masusunog ang mga tao.
d. Magkakaroon ng taggutom dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

16. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng mga bansa ayon sa teksto?

a. Suliranin sa basura
b. Pagkaubos ng mga puno
c. Problema sa polusyon
d. Pag-init ng mundo

17. Ang lahat ay sanhing pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda, maliban sa isa.

a. Paggamit ng kahoy bilang panggatong.


b. Pagkaubos ng mga puno.
c. Pagtatapon sa mga estero at ilog.
d. Makabagong kabihasnan at siyensya.

Talaarawan ni Zia

Pebrero 10

Malapit na ang Valentine’s Day. Pero feeling ko, April Fool’s Day ngayon. Parang Ninos
Inocentes ba, iyong may practical joke na ipinalalasap ang ilang mapagbiro sa kanilang mga
kaibigan o kakilala. May mangungutang na wala nang bayaran, may magsasabing nag-resign
na ang president ng bansa kahit hindi naman. Akala mo totoo pero biro lang pala.

Ano naman kayang biro nito ni Trish sa akin? Biro nga lang kaya kung bakit biglang ayaw niya
akong kausapin? Dumating ako sa miting ng History Club at hindi man lang ako sinulyapan,
wala, dedma lang sa akin, parang hindi ako kilala.

Ikinagalit kaya niya na nahuli ako nang limang minuto? E siya nga, kalahating oras kung mahuli,
siya pa naman ang president ng organisasyon.

Pebrero 11

Palaisipan pa rin sa akin kung bakit cold shoulder treatment si Trish sa akin. Apat kami nina
Magenta at Vermillion sa group project na ito at mag-iinterbyu sana kami ng campus writer.
Pero last minute, nando’n na kaming tatlo sa meeting place nang magtext siya na kinansel niya
ang interbyu. E rebelde ang mga kasama namin, naghanap ng ibang maiinterbyu para
matapos na namin ang assignment kahit wala siya.

Lumala ang galit ni Trish sa akin nang hindi ko alam kung bakit. Hindi naman masasabi na nag-
aaway kami dahil siya lang naman ang nang-aaway at hindi naman ako pumapatol.
18. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang talaarawan?

a. Nagtataka b. Nalulungkot c. Nasasaktan d. Nangangamba

19. Sa iyong palagay, bakit lumala ang galit ni Trish?

a. Dahil hindi nila hinintay si Trish.


b. Dahil siniraan nila si Trish.
c. Dahil na iingit siya.
d. Lahat ng nabanggit.

20. Ano kaya ang mangyayari sa relasyon nina Trish at Zia?

a. Tuluyan nang masisira ang kanilang pagkakaibigan.


b. Naging mabuti silang magkaibigan.
c. Naging mahusay silang mag-aaral.
d. Naging mataas ang kanilang mga marka.
Answer Key:

1. C
2. A
3. B
4. C
5. C
6. A
7. A
8. B
9. B
10. A
11. A
12. C
13. C
14. A
15. B
16. A
17. C
18. A
19. A
20. A

You might also like