You are on page 1of 4

Enfant Cheri Study Center Inc.

Purok 1A, Doongan, Butuan City

1st End Quarter Examination


FILIPINO 6

I. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Si Juana at Si Aging

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana


at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang
ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin
siyang nakikipagkita kay Aging.

 Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at
hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si
Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y
ibinaon sa kanilang bakuran. Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang
halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian may mahahaba at
malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may
mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang
tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon
mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging. "Ang punong
iyan ay si Aging!" wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na
"Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang nabasang teksto?


a. Alamat c. Maikling kuwento
b. Epiko d. Parabula

2. Ano ang papel na ginampanan ng mga magulang ni Juana sa teksto?


a. Antagonista c. Protagonista
b. Hadlang d. Problema

3. Ano ang nangyari kay Aging nang hinabol siya ng taga ng ama ni Juana?
a. Naputol ang braso c. Naputol ang kamay
b. Naputol ang mga daliri d. Naputol ang ulo

4. Ano ang ginawa nina Juana at Aging nang malaman nila na hadlang ang mga
magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan?
a. Sinuway nila ang utos ng mga magulang ni Juana.
b. Patuloy pa rin sila sa pagkikita kahit hindi pwede.
c. Nagwalang bahala nalang silang dalawa.
d. Nagalit sila sa mga magulang ni Juana.

5. Batay sa binasang teksto, ano ang kahulugan ng isang alamat?


a. Ito ang pinagmulan ng kahit na anong bagay sa mundo.
b. Ito ay binubuo ng makatotohanang pangyayari.
c. Ito ay dumaan sa masusing pananaliksik.
d. Ito ay nagdudulot ng aliw sa mambabasa.

6. Ano ang pangunahing ideya na ipinahihiwatig sa kwento?


a. Ang lahat ng bagay nangyayari na may dahilan.
b. Hahamakin lahat ng problema para sa minamahal.
c. Huwag gumawa ng masama sa kapwa.
d. Walang pagsubok ang ‘di kayang lagpasan.

7. Makatotohanan ba ang lahat ng mga pangyayari sa teksto?


a. Hindi b. Oo c. Baka d. Siguro

8. Makatwiran ba ang pagtaga ng ama ni Juana sa braso ni Aging?


a. Opo, dahil lumabag sila sa utos ng mga magulang ni Juana.
b. Opo, nararapat lamang iyon para sila’y matuto.
c. Hindi, sapagkat wala naman silang ginawa na masama.
d. Hindi, sapagkat masakit maputulan ng braso.

II. Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
9. Ito ay patalinghagang paglalarawan o pagpapahayag sa masining na paraan.
a. Tayutay c. Pangngalan
b. Panghalip d. Maikling Kuwento
10. Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. Ang pangungusap na ito isang
halimbawa ng ____________.
a. metapora c. pagtawag
b. simili d. personipikasyon
11. Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating. Ang pariralang nakasalungguhit ay
isang _____________.
a. pagmamalabis c. simili
b. pagtawag d. personipikasyon
12. Sa pangungusap na, Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay. Ito ay isang
halimbawa ng ________________.
a. pagtawag c. personipikasyon
b. pagmamalabis d. metapora
13. Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw. Ang pangungusap na
ito ay isang ______________.
a. pagmamalabis c. metapora
b. pagtawag d. simili
14. Bahagi ng pananalita na panghalili o pamalit sa pangngalan.
a. Pandiwa c. Pangngalan
b. Panghalip d. Tayutay

15. Anong uri ng panghalip ang ginagamit sa pagtuturo ng pangngalan?


a. Pamatlig c. Pananong
b. Panao d. Pawatas
16. Anong panauhan ang tumutukoy sa taong nagsasalita?
a. Unang Panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang Panauhan d. Walang Panauhan
17. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panghalip na pamatlig maliban sa
_______.
a. ako c. hayan
b. ito d. dito
18. Uri ng panghalip na ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao.
a. Pananong c. Pamatlig
b. Panao d. Panaklaw
19. Ano ang tawag sa panghalip na ginagamit sa pagtatanong at pag-uusisa?
a. Pananong c. Pamatlig
b. Panao d. Panaklaw
20. Dito ko ilalagay ang payong mo. Anong uri ng panghalip ang nakasalungguhit?
a. Pananong c. Pamatlig
b. Panao d. Panaklaw

III. Basahing mabuti ang pangungusap. Itala sa inyong sagutang papel kung
ano ang kaukulan ng pangngalang nakasalungguhit. Isulat kung ito ay
PALAGYO, PALAYON O PAARI.

21. Nag-ipon ng pera si Mang Kardo para sa kanyang mga anak.


22. Ang balat ng saging ay itinapon niya sa kalsada.
23. Si Lisa ay naglaba sa ilog.
24. Nagbigay ng donasyon ang kapitan para sa mga bata.
25. Naglalaro ng basketbol ang mga estudyante.

IV. Suriin ang panghalip na nakadiin sa pangungusap. Isulat kung ito ay


PANAO, PAMATLIG, PANANONG, O PANAKLAW.
26. Ang balana ay natatakot sa masamang epekto ng illegal na pagmimina.
27. Sino-sino ang mga nanalo sa paligsahan?
28. Hayun ang mga nahuli sa klase.
29. Siya na laki sa layaw ang dahilan ng aksidente.
30. Kailanman ay ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo.

V. Unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang panghalip panao na ginamit at


tukuyin kung anong PANAUHAN at KAILANAN ng panghalip ito.
Hal: Bumili ng bag si Jessa para sa kanya.
Kanya – ikatlong panauhan, isahan

31-32 Kinausap niya ang mga biktima sa sunog.


33-34. Sila ay pupunta sa kasal ng kanilang kaibigan.
35-36. Ang lupaing ito ay akin lamang.
37-38. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya.
39-40. Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng pagdurusang naramdaman
ko.
41-42. Kinuha nila ang lapis ko.
43-44. Binigyan niya ng pabuya ang mga matatalino.
45-46. Huwag mong ariin ang hindi sa iyo.

---GOD BLESS---

You might also like