You are on page 1of 5

Simili o Pagtutulad 

- Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad
ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis
sapagkatito'ytiyakang paghahambing.

Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas.

Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Tinatawag na ako ng kalikasan.

Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.

Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o
pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina.


Nalulunod na siya sa kanyang luha.

Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.

Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.

Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy  - Ito'y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga
kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.

Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo.

Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.

Ang kongregasyon ay aking kinamayan.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.

Siya ay hindi isang kriminal.

Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.

Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

Ang kailangan ng bayan ay kapayapaan, kaayusan, katarungan, at kalayan.

Singsing, sapatos, susi, at sinturon lamang ang kanyang dala.

Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat, at pambura lamang.

Ang pagtutulad o simile ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao,


pangyayari at iba pa.

MGA HALIMBAWA NG PAGTUTULAD:


Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato. 


Your heart is like a stone.

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.


Weaving cloth is like the suffering of a person.

Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.


Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.

Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa. 


Your love is like water − flavorless.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.


Your promises are like air.

Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw. 


Under foreigners, the Philippines became like a carabao.

Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.


The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.


The cloud is akin to a person’s face.

bawa ng Metapora

Ano ang Metapora?

Ang metapora o pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutlad
ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan,
tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa bagay na ihinhahambing.

Pagkakaiba ng Metapora sa Pagtutulad

Ang metapora (metaphor) ay naiiba lamang sa pagtutulad (simili) sa di paggamit ng mga salita o
pariralang pagtutulad.

PAGTUTULAD
Para kang baboy.
You are like a pig.

METAPORA

Baboy ka!
You’re a pig!

MGA HALIMBAWA NG METAPORA

Si Elena ay isang magandang bulaklak.


Ellen is a beautiful rose.

Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel. 


Those taking care of me are angels.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.


Their house is a large palace.

Si Inay ay ilaw ng tahanan.


Mom is the home’s light.

Si Miguel ay hulog ng langit.


Michael is a gift from heaven.

Ano ang personipikasyon?

Ang personipikasyon ay isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga
bagay na walang talino tulad ng hayop, ibon, at bagay. Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o
pagbibigay-katauhan.

Halimbawa ng personipikasyon

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Paliwanag: Hindi ba ang buwan sa langit ay walang personalidad? Bagay lang ito na walang buhay. Pero
diyan sa pangungusap na iyan, ang buwan daw ay nagmagandang gabi sa lahat. Ginagawang parang
taong may personalidad ang buwan. Kaya iyang ganyang paggamit ng wika ay tinatawag na pagsasatao
o personipikasyon. Sa wikang Ingles, ito ay personification.
Iba pang halimbawa ng personipikasyon

 Humagulgol ang hangin.


 Lumipad ang mga oras.
 Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
 Sumayaw ang mga bituin sa langit.
 Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
 Nagkasakit ang kotse ko.
 Kinindatan ako ng araw.

Ano ang personipikasyon?

Ang personipikasyon ay isang tayutay na nagkakapit ng katalinuhan at mga katangian ng tao sa mga
bagay na walang talino tulad ng hayop, ibon, at bagay. Tinatawag din itong pagtatao, pagsasatao, o
pagbibigay-katauhan.

Halimbawa ng personipikasyon

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Paliwanag: Hindi ba ang buwan sa langit ay walang personalidad? Bagay lang ito na walang buhay. Pero
diyan sa pangungusap na iyan, ang buwan daw ay nagmagandang gabi sa lahat. Ginagawang parang
taong may personalidad ang buwan. Kaya iyang ganyang paggamit ng wika ay tinatawag na pagsasatao
o personipikasyon. Sa wikang Ingles, ito ay personification.

Iba pang halimbawa ng personipikasyon

 Humagulgol ang hangin.


 Lumipad ang mga oras.
 Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
 Sumayaw ang mga bituin sa langit.
 Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
 Nagkasakit ang kotse ko.
 Kinindatan ako ng araw.

You might also like