You are on page 1of 2

Ang Kuwintas

Ni Guy de Maupassant

Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang


kahalihalina, ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos
palad na angkan. Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap ding
pamumuhay na ang pinagkakakitaan ay tagasulat lamang sa isang pampublikong
paaralan. Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat
ayon sa kanyang paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng maganda at
kahali-halina ay hindi bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan.
Isang araw ay dumating ang kanyang asawa na si G. Loisel at ibinalita nito
sa kanya na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau.
Ngunit ito ay hindi ikinatuwa ni Matheldi sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang
isusuot na magandang damit para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng
kanyang asawa ay binigyan siya nito ng pambili ng isang bestida.
Gayon man si Mathilde ay hindi pa rin nasiyahan sapagkat wala man lamang
daw siyang alahas o hiyas na maisusuot, kaya naisipan niya na humiram ng isang
magandang kuwintas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Madame
Forestier. Hindi naman siya hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos
ang kaligayahan ni Matheldi ng gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang
kagandahan sa mga babaeng nandoon at marami ang humanga sa kanya.
Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa. Masayang-
masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na
nawawala ang kuwintas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Madame
Forestier. Kaya naman naisipan nila na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang
maisauli kay Madame Forestier kahit pa nga ito ay may kamahalan ang halaga.
Dahilan upang sila ay maghirap nang dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang ,
upang mabili lamang ang kuwintas na iyon.
Pagkalipas ng sampung taon, natapos na nilang bayaran ang kanilang mga
pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan na si
Madame Forestier, nagulat pa ito at nagtaka sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na
ang pinag-iba nito. Nasabi ni Matheldi na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala
ng kuwintas na hiniram niya rito. At napilitan sila na bumili ng kapalit nito kahit sa
mahal na halaga. Ngunit ayon kay Madame Forestier na ang kuwintas na ipinahiram
niya kay Matheldi ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang
daang prangko lamang.
1. Sino ang may akda sa maikling kuwentong binasa?
a. Gay de Maupassant c. Gay ed Maupassant
b. Guy de Maupassant c. Guy ed Maupassant

2. Paano inilalarawan si Mathilde sa kuwento?


a. Siya ay nagmula sa mayayamang angkan.
b. Siya ay isinilang lamang sa kapos palad na angkan.
c. Siya ay anak ng hari at reyna ng Pransiya
d. Wala sa nabanggit

3. Kanino nanghiram ng kuwintas si Mathilde upang merong maisuot sa kasayahan?


a. Madame Forestier b. G. Loisel c. Mathilda d. Silvanna

4. Ano ang ginawa nina Mathilde matapos maiwala ang kuwintas?


a. Sila ay nangutang upang makabili ng bagong kuwintas.
b. Humingi ng tawad sa may-ari ng kuwintas.
c. Isinangla ang kanilang bahay upang makabili ng bagong kuwintas.
d. Nagtrabaho si Mathilde sa may-ari ng kuwintas.

5. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


a. Ang paghahangad nang labis sa buhay ay nagdudulot ng kapahamakan.
b. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkakabagsak.
c. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
d. Laging nasa huli ang pagsisisi.

You might also like