You are on page 1of 2

ANG KWINTAS

I. PANIMULA

a. Uri ng Panitikan: Ito ay isang maikling kwento.

b. Bansang Pinagmulan: Nanggaling sa bansang France.

c. Pagkilala sa May-Akda: Ito ay isinulat ni Henri Rene Albert Guy de Maupassant.

d. Layunin ng May-Akda: Ang layunin ng akda ay gisingin ang ating diwa na ang pagiging maluho sa
ating sarili ang madadala rin sa atin sa ating sariling kapahamakan.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

a. Tema o Paksa ng Akda: Ang kwentong 'Ang Kwuntas' ay maaaring ihambing sa tunay na buhay na
kung saan marami ang pinipilit makuha ang bagay na hindi naman sa kanila upang sa tingin ng iba ay mas maganda at
mayaman. Bunga ito ng masidhing ambisyon para kilalanin at sambahin ng lipunan.

b. Tagpuan/Panahon: Naganap sa bansang Pransya.

c. Balangkas ng mga Pangyayari: Bawat yugto ng kwento ay makabuluhan at makatotohanan.

d. Kulturang Masasalamin sa Akda: Kilala ang mga Taga-Pransya sa pagkahilig sa maga Ganda at
magagarang damit. Mahilig rin sila sa kasiyahan at mga pagdiriwang.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda: Hindi masamang mangarap ngunit alam in ang limitasyon.
Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka.

b. Estilo ng Pagkasulat ng Akda: Deskriptibo- Inilarawan ang awtor ang mga pangarap ng mga
tauhan.

Alegorya- Nagsisimbulo ang mga pangyayari sa kwento ng mga


kaganapan sa totoo ng buhay.

IV. BUOD

Isang gabi, dumating ang asawa ni Mathilde na masaya. May dala siyang sobre na nalalaman ng
inbitasyon sa isang kasiyahan mula sa ministro ng Instruksiyon Pampubliko. Ngunit imbes na matuwa si Mathilde,
nagmaktol siya at bumulong na ano ang gagawin niya dito. Dahil dito naawa ang asawa at binili niya si Mathilde ng
bagong bestida ngunit hindi parin nakuntento si Mathilde dahil wala siyang alahas na maisuot kahit isa kaya't sinabihan
siya ng asawa na manghiram nalang sa kanyang kaibigan na si Madame Forester. Nang sumapit ang araw ng
kasiyahan, naangatan ni Mathilde ang mga babae sa kagandahan, rangya at kahalihalina kung kaya't siya ay naging
maligaya sa gabbing iyon. Matapos ang kasiyahan, umuwi na ang mag-asawa. Si Mathilde ay humarap sasalamin para
mulling makita ang angking ganda niya, pero siyaay napasigaw na lamang dahil nawawala ang kwintas sa leeg niya.
Hinanap nila ang kwintas ngunit hindi nila ito makita, Napili tan silang humanap ng kaparehong kwintas upang maisauli
ito kay Madame Foresteir ngunit ito ay napakamahal kung kayat lahat ng pwedeng mahiraman ay nilapitan nila. Nang
nabili nila ang kwintas ay dali-dali nila itong isinauli kay Madame Foresteir na malamig na ang pakikiharap sa mag-
asawa, nagtagal ng sampung taong bago nila nabayaran lahat ang kanilang utang. At ngayon mukhang matanda na si
Mathilde, isa na siyang tunay na babae na mayroong maralitang buhay, noong makita niya si Madame Foresteir,
katulad parin dati ito na may taglay na panghalina. Nagulat si Madame
Foresteir sa itsura ni Mathilde dahil ang laki ng ipinagbago niya, isinisi niya Kay Madame Foresteir ang nangyari sa
kanya. Sinabi ni Mathilde ang nangyari sa kanya, sa pagkawala ng kwintas at sa pagbili nila ng kaparehas nito at ang
dahil an ng kahirapan niyang pinagdaanan. Ngunit ang sinabi ni Madame Foresteir na ang kwintas na ipinahiram niya
ay peke lamang.

IPINASA NI:

ALICIA CAMODAG

You might also like