You are on page 1of 6

SURI-BASA

TUNGKOL
HARRY POTTER
AND THE
SORCERER’S
STONE
NILALAMAN:
Format ng Suring-Basa
May dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri. Ang una ay sa
payak na pagkakabuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa
ay sa paraang pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo
sa pagsulat ng isang manunuri upang mapalutang ang layunin sa
pagsusuri sa akda. Ito ay kailangang kumilala sa taglay na sining at
magpapanatili sa sining ng pagsusuri. Sa simpleng pagpapakahulugan,
ipinaliliwanag ng isang panunuring pampanitikan kung bakit dapat
basahin ang isang akda o kung ano ang katangian ng akda na dahilan
upang ito’y pag-ukulan ng panahong basahin. Tingnan kung anu-ano
ang mga salik o elementng napapaloob sa isang suring-basa.
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng
pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na
naguudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
2. URI NG PANITIKAN – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat
sa himig o damdaming taglay nito.
3. LAYUNIN NG MAY-AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda
kung bakit sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat,
manuligsa, magprotesta at iba pa.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makaotohanan, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng
mambabasa?
5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba’y anyo
ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa
nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha,
nagwawasak, nabubuhay o namamatay.
6. TAGPUAN / PANAHON – Binibigyang-pansin sa panuring
pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng
isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng isang
indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang
gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba bas a
nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may
bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas
ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula
simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng
kabuuan ng akda? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
8. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang
akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maaari ding tinatanggap at pinatutunayan ng
mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang
ito ay sasalungatin, pabulaanan, mabago, o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng
kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa
buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginagamit na
batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan
ng paggamit ng mga salita? Angkop bas a antas ng pang-unawa ng
mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bias kaya ang istilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng
akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at
sa katangian ng isang mahusay na akda?
10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng
akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.
Ang pagsulat ng isang panunuri ay nangangailangan ng sapat na
kaalaman, kahandaan at kakayahan sa panig ng manunuri. Kailangang
Makita ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang
sinusuri. Ang pagiging obhetibo sa pagsusuri ay kailangang isaalang-
alang.
KAHALAGAHAN:
Ang Suring-basa ay ang pagsusuri ng mga teksto. Maaaring ang
sinusuring teksto ay isang kwento o maikling kwento, sanaysay, tula at
iba pang uri ng panitikan. Maaari ding isang pelikula. Layunin nitong
malaman ang nilalaman at kahalagahan ng isang teksto at gawan ng
buod. Ito ay isang madali at maikling pagbubuod at maaaring
maglaman ng sariling ideya at emosyon ng nagsusuri. Para mabuo ang
buod, magsimula sa mga tauhan at isulat lahat mga mga pangyayari o
impormasyon. Bagama't ang suring-basa ay simpleng pagtatalakay ng
pananaw ng teksto, mayroong dapat alalahanin para makapagsulat ng
isang suring-basa.

I. PAMAGAT

“Harry Potter and the Sorcerer’s Stone” ni J.K.Rowling


GENRE:
Hinuhuli ng mga librong ito ang imahinasyon ng lahat
ng mga tao, maging matanda man o bata. Ilang beses na ito nanalo ng
mga gantimpala, at isinalin na rin ang librong ito sa iba’t-ibang mga
lenguahe gaya ng Tsino, Aleman, at Pranses — pati na rin ang
Filipino.
II. BUOD
Ang kuwento ay nagbukas sa isang pagdiriwang na
kadalasang palihim dahil sa ang mga nagdaang taon ay laging
ginugulo ni Panginoong Voldemort o Lord Voldemort (Ralph Fiennes).
Bago ang gabing iyon, natuklasan ni Voldemort ang pinagtataguan ng
tagong mag-anak ng Potter, at pinatay sina Lily at James Potter. Ngunit
nang itinuro na niya ang kanyang barita o wand sa sanggol nitong
anak na si Harry (Daniel Radcliffe), ang sumpang patayin ito ay
bumalik sa kanya. Ang kanyang katawan ay nasira, at si Voldemort ay
naging isang walang kapangyarihang kaluluwa, naghahanap ng isang
lugar sa mundo na walang makaka-istorbo; Si Harry naman, ay
naiwang may marka ng kidlat sa kanyang noo, ang natatanging
palatandaan ng sumpa ni Voldemort. Ang misteryoso o mahiwagang
pagkakatalo ni Voldemort kay Harry ay nagresulta sa pagkakakilala sa
sanggol bilang "ang batang lalaki na siyang nabuhay" o "the boy who
lived" sa mundo ng mga salamangkero/mahikero/mago o lalaking
manggagaway, o wizard sa Inggles.

Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kanyang


malupit, at walang salamangka o mahikang kapangyarihang kamag-
anak, ang Pamilyang Dursleys o Dursleys Family, na walang pakialam
sa pinagmulan ng mahika at sa hinaharap ni Harry. Subalit, sa
paparating na ika-labingisa niyang kaarawan, Nagkaroon si Harry ng
kanyang unang pagkakaalam sa daigdig ng mahika nang makatanggap
siya ng sulat galing sa Hogwarts Paaralan ng Pansasalamangkera at
Pansasalamangkero o Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry, na
kinuha naman ng kanyang Tiya at Tiyo bago pa niya ito magawang
mabasa, Sa kanyang ika-labingisang kaarawan, siya ay sinabihan na
siya ay isang mago o salamangkero, o wizard sa Inggles at
inaanyayahan na pumunta sa Hogwarts upang doon mag-aral paano
kontrolin ang mahika. Sinabihan at sibayan siya ni Hagrid, at kanyang
natutunan ang paggamit ng mahika at paggawa ng gayumamaliban sa
paglipag gamit ng walis tingting, pagbabagong-anyo o
transpigurasyon, at iba pang mga araling pangmahika tulad ng pag-
aalaga ng mga mahikong nilalang, panghuhula, panghahalamang-
mahika o herbolohiya, pagtatanggol mula sa madilim na sining at iba
pa sa kanyang mga dalabguro o propesor, kasabay ng mga pagsubok at
trahedya na kanyang pinagdaanan at nilagpasan sa bawat kuwento ng
nobela at kapiling ng kanyang mga kaibigan at iba pang tauhan.
Nagkaroon rin ng ideya si Harry tungkol sa kanyang mga magulang ,
na laging naka gabay sa kanya kahit sumakabilang buhay na. Si Harry
din ay natututong malampasan ang mga mahikal, panlipunan at
emosyonal na hadlang sa kanya sa paglaban niya hanggang sa
kanyang pagbibinata at pag-angat ng kapangyarihan ni Voldemort at
hanggang sa kanilang huling pagtutuos.

Madami man ang nagyari kay Harry sa simula, nalagpasan niya ito sa
tulong ng kanyang mga kaibigan na sina Ron (Rupert Grint) at
Hermione (Emma Watson). Katulong din niya si
Propesor/Dalubgurong Dumbledore o Professor Dumbledore na laging
nariyang nagbibigay ng payo at paalala sa kanya. Ang mga nobela ay
may iba't ibang paksa ngunit ang ayon sa manunulat nito, ang
pangunahing paksa ay kamatayan. Ang kakayahang imubig at
magmahal sa kabila ng pagtutuos sa kamatayan. Salamat sa inyong
pagbabasa ng kwentong Harry Potter.

III. BISA NG ISIP


Ang damdamin na ginamit ay pag-aalinlangan. Nong
lumiliko si Harry 11 nakita niya na siya ay isang wizard,
at iniwan ang kanyang malupit na tiyuhin at tiyuhin
upang pumunta sa Hogwarts, isang paaralan para sa
mga batang wizard. Nakikita nila ang mga balakid sa
daan, ngunit sa wakas ay natagpuan ni Harry si Propesor
Quirrell, binigo siya, at nakuha ang Bighorner's Stone.
Tono / Mood. Ang may-akda ay nagsusulat ng isang
nakapanghihinang tono.

IV.

You might also like