You are on page 1of 1

Gawain 1: Paghahambing: Mitolohiyang Kanluranin at Mitolohiyang Pilipino

Ano nga ba ang mitolohiya? Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga alamat o


kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o anumang grupo na may mga
ibinahaging paniniwala.  Ang isang mitolohiya ay isang kuwento tungkol sa mga lumang panahon,
madalas na nagtatampok ng mga supernatural na mga karakter, at mga alamat na may kaugnayan sa
bawat isa.

Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at


pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga
paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala
ang Kristyanismo. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyos-diyosan sa mitolohiyang Pilipino
at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Halimbawa na
lamang nito ay ang ‘‘Rihawani’’. Ito inubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at
mga diwata. Ang mitolohiyang kanluranin ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang
Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga
buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga bayani. Halimbawa nito ay
‘‘Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante’’.

Ang dalawang mitolohiya na nabanggit ay parehong nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay sa


mundo. Mga Diyos at Diyosa ang ginagamit na tauhan at ipinapasa sa pamamagitan ng oral na
tradisyon. Ngunit, sa mitolohiyang Pilipino, binibigyang halaga ang pagkakaroon ng isang Diyos o
Diyosa na tungkol sa mga diwata at hindi maipaliwanag na elemento. Samantala sa kanluranin ay mas
binibigyang-diin ang pakikipaglaban sa mga Diyos at pagiging bayani.

You might also like