Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kiabibilangan ng
mga salaysay at pamhiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito’y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang Espanyol at ipinakilala ang Kristtyanismo. Hanggang Ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino lalo na sa mga probinsya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Halu-halo ang mitolohiyang Pilipino dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo gayunpaman may sari-saring paniniwala at diyus- diyusan. Ayon sa Wikipedia, ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko alamat at kuwentong bayan. Ang mitolohiyang kanluranin ang katawan ng mito at katuruan ng mga sinaunang Griyego nauukol at nagpapaliwanang ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba’t ibang mga Diyos at mga Bayani. Si Zeus naman ang pinaka kinikilalang Diyos sa kanluranin. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang kanilang mga nanatiling sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang gpang-panitikan ng mga tradisyong pagbigkas Ang dalawang mitolohiya na nabanggit ay parehong nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay sa mundo. Mga Diyos at Diyosa ang ginagami na tauhan at ipinpasa ito sa pamamagitan ng oral na tradisyon. Subalit, sa mitolohiyang Pilipino, binibigyang halaga ang pagkakaroon ng isang dakilang diyos at pumapatungkol sa mga malign o mga hindi maipaliwanag na elemento samantala sa kanluranin ay nakapreserba ang mga artepakyo at may pruweba, at pumapatungkol sa mga diyos at diyosa na namumuno sa bawat nasyon.