You are on page 1of 1

Maituturing na isang simbolo ng isang bansa ang mga epiko dahil nilalaman nito

ang mga katangian o asal ng mga tao sa isang bansa o lugar, ang mga kultura, wika at
sining at pati na rin ang mga tradisyon at kanilang mga paniniwala. Maraming mga aral
na naipapahayag ang mga epikong pandaigdigan. Natuturuan tayong maging mabuting
tao. Natuturuan tayo ng kahalagahan ng pakikipagkapwa. Nagpapahayag din ito ng
mga kahulugan ng pag-ibig. Ang mga epiko ay makapagpupuno sa tao ng pagmamahal
sa bayan. Kaya, masasabi kong bawat tao ay kailangan makabasa ng mga epikong ito.
Ang mga epikong pandaigdigan ay may mga pagkakatulad at pagkakaiba rin. Isa
sa mga pagkakatulad ng mga epikong pandaigdigan ay sila ay nagsisimbolo ng kultura,
tradisyon at isang lahi. Sa aking pagbabasa, halos lahat ng mga epiko sa mundo ay
nagpapahayag ng kultura at tradisyon na natatangi sa kanilang lugar. Kadalasan, ang
mga epiko rin ay napapatungkol sa mga bayani at kasaysayan at pamumuhay ng mga
ninuno.
Pagdating naman sa kanilang pagkakaiba,sa aking palagay, isa sa mga
pagkakaiba ng mga pandaigdigang epiko ay ang mga tema o paksa na ginagawa.
Bawat epiko sa aking pananaw ay may ibat-ibang tema. Merong mga temang pag-ibig,
merong kabayanihan at iba pa. Ayon sa aking pananaliksik, isa rin sa mga pagkakaiba
ng mga pandaigdigang epiko ay ang mga salita o wikang ginagamit dito. Bawat epiko
ay may pagkakaiba sa wikang ginagamit depende sa kung saang lugar ito ginawa.
Ang mga epiko ay mahalaga sa buhay natin. Dahil dito, natututo tayo ng tunay
na kahulugan ng buhay. Naipapaliwanag sa atin ang mga bagay na hindi natin
maipaliwanag, nasasagot ang mga katanungan natin at nagsisilbing motibasyon natin
sa buhay dahil sa mga kwento ng kabayanihan na napapaloob dito. Nakakapagbigay
din ito ng pag-asa sa harap ng mga pagsubok at natuturuan tayo kung paano mabuhay.

You might also like