You are on page 1of 37

ang panitikan:

katuturan, anyo at
bisa nico gaba jr., ma

Ang panitikan ay salamin ng lahi.


Nasisinag sa panitikan ang mga
karanasan ng isang bansa, ang
mga kaugalian, mga paniniwala,
mga tradisyon, pangarap, at mga
lunggatiin ng isang lahi.
Kung tutukuyin ang mahigpit na
katuturan ng salitang panitikan,
ito, ayon kay W.J. Long, “ay ang
nasusulat na tala ng
pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao.”
Sa aklat na Lahing Kayumanggi
(Bisa at Bisa, 1987) higit na
masaklaw ang naging
pagpapakahulugan sa
panitikan, saklaw
nito ang lahat ng uri ng
katha na nakatulong,
tiyakan man o hindi, sa
pagtatayo ng kalinangang
Pilipino.
Kabilang ang mga gintong kaisipan–mga
salawikain, kasabihan, talinghaga, mga
maiikling pahayag, mga tula, mga awiting
nagsasalaysay, mga alamat at epiko,
mga nabibilang sa matandang panitikang
nakilala sa mga unang yugto ng
kasaysayan ng panitikang Pilipino.
Saklaw ng panitikang Pilipino ang
mga makabagong dula, maikling
kuwento, nobela at mga
sanaysay na lumaganap nang
mga sumunod na yugto sa
pag-unlad ng sariling panitikan.
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban,
“ay mga pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao hinggil sa mga
bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang Lumikha.”
dalawang anyo ng panitikan

may dalawang anyo ng


pagpapahayag na
pampanitikan– ang patula at
ang tuluyan
patula
ang patula ay pahayag na karaniwa’y
may sukat at tugma; ang mga
taludtod ng tula na hindi sumusunod
sa tuntunin ng sukat at tugma ay
tinatawag na malalayang taludtod,
kaya may tinatawag na malayang
tula.
tatlong uri ng panitikang patula

pandamdamin o liriko
•tulad ng awitin, oda, martsa, soneto, elehiya, atbp.

pasalaysay
•tulad ng awit, korido, pasyon, epiko, atbp.
pandulaan
•tulad ng moro-moro, senakulo, sarsuwela, atbp.
tuluyan

Ang tuluyan (prosa) ay pahayag na


umaayon sa maluwag na
pagsasama-sama ng mga salita sa
katutubong takbo ng pangungusap.
Kabilang dito ang mga salaysay na tulad
ng anekdota, pabula, alamat, maikling
kuwento, kathambuhay o nobela, ulat,
kasaysayan, balita, sanaysay, at iba pa.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

maikling kuwento

Ang tawag sa isang sangay ng panitikan na


naglalahad ng isang natatangi at
mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhan; may kakaunting tagpo,
maigsi ang pangyayari, at nag-iiwan ng
iisang kakintalan lamang sa mambabasa.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

kathambuhay o nobela

Isang sangay ng panitikan na naglalahad ng


maraming pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o higit pang pangunahing tauhan at
iba pang katulong na mga tauhan at ang
mga pangyayari ay sumasaklaw sa
mahabang panahon.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

dula
Sangay ng panitikan na naglalahad ng isa
o higit pang pangyayari na
kinasasangkutan ng isa o dalawang
pangunahing tauhan at iba pang katulong
na tauhan at itinatanghal sa dulaan o
tanghalan.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan
dula

Kapag ang dula ay naglalahad lamang ng


isang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at natatapos sa maikling panahon, ito
ay tinatawag na dulang iisahing yugto.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

dula

Ang dulang naglalahad ng maraming


pangyayari at binubuo ng higit sa isang
yugto, maraming tauhan, at tumatagal
ng mahabang panahon ay tinatawag na
mahabang dula.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

sanaysay

Isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng


mga kuro-kuro at pansariling kaisipan ng
manunulat na maaaring maanyo at malaya, o
personal. Higit na kalugod-lugod basahin ang
malayang sanaysay sapagkat ang layunin ng
maanyong sanaysay ay magbigay lamang ng
kaalaman.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan
talambuhay

Sangay ng panitikan na naglalahad ng


mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao
mula sa pagsilang hanggang sa pagkamatay at
tinatawag na talambuhay o biography.
Kapag ang talambuhay ay sariling gawa ng isang
tao, pansariling talambuhay o autobiography ang
tawag dito.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

anekdota

Maikling salaysay ng mga tunay na


karanasan o pangyayari sa buhay ng mga
dakila at kilalang tao, na karaniwa’y
katuwa-tuwa at nag-iiwan ng magagandang
aral sa buhay.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

mitolohiya
Katipunan ng iba’t ibang paniniwala at
mga kuwento tungkol sa mga diyos at
diyosa.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

alamat
Kuwentong pasalin-salin sa bibig ng
matatanda o ninuno at karaniwang tungkol
sa pinagmulan ng mga bagay bagay.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

kuwentong bayan
Mga kuwentong pumapaksa sa mga
katangian ng mga tauhan (mabuti at
masama) at may layuning makalibang.
pahapyaw na talakay sa mga salaysay
na kabilang sa tuluyan

pabula
Kuwentong ang mga tauhan ay mga hayop
na nagsasalitang parang tao na ang layunin
ay makapagturo ng aral sa mambabasa.
angsinilanga hanapbuhay ng
n ng may akda
maykatha
lipunan at politika suliranin

salik sa pagkatha
pinag-aralan pananampalataya
ang bisa ng panitikan sa tao
akdang pampanitikan.
Sa pamamagitan ng mga aklat
na buhat sa iba pang panig ng
daigdig, sa pamamagitan ng
mga aklat tungkolsa
ibanglahi, nauunawaan na
Ang kultura at kaunlaran o natin ang kanilang mga
kabihasnan ng isang lahi ay damdamin at kaisipan
naipaliliwanag ng mga

kahalagahan ng
pag-aaral ng
panitikang Pilipino
mararangal nanghihiram kaisipan na sa pagkilala
na ng mga ipinamana sa ating
tradisyon bagong ugali nila sa atin pagkalahi
malalaman at palakad
natin kung matutuhan
makikilala
paano nating mapahahalaga
natin ang
nagiging ipagmalaki han ang
mga
tagapagpag ang mga kagandahan
manunulat
malalaman unita ang bagay na ng sariling
na Pilipino
natin ang mga tunay na atin wika at
at
ating katutubong at magiging pagbubukas
mapahahalag
kalinangan kaugalian matibay at ng isipan
ahan ang mga
at kapag matatagtayo
ganitong

You might also like