You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


LAOANG KAMPUS
Laoang, Hilagang Samar

Paksa : Yunit I – Kahulugan ng Panitikan


Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan
Mga Uri ng Panitikan
Tagapag-ulat : Dexter M. Julianes
Asignatura : Fil 104 – Panunuring Pampanitikan
Akademikong Taon : Ikalawang Semestre, 2022 – 2023
Instruktor : G. Jovan A. Giray
======================================================================
Katuturan ng Panitikan mula sa Iba’t ibang
Manunulat

Ang panitikan ay “bungang isip na isinatitik”.


Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon,
ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay
pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan
ng sangkatauhan na nasusulat sa masinining at
makahulugang mga pahayag. (Rufino Alejandro
at Julian Pineda)

Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay


nasusulat ng mga tala ng “pinakamabuting
kaisipan at damdamin ng tao.”

Para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng
buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo
mang patula/tuluyan sa isang partikular na panahon.
Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang
paraan ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang
ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.
Ayon naman kay Salazar, ito ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at
maaaring magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas makawala.
Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga
tala na kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa
lipunang kaniyang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang
bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.
Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin
ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa
lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
Ayon kay Maria Ramos, ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang
uri ng lipunan.
Ayon kina G.K.R Pineda at T. C. Ongoco (1972): ang panitikan ay kapatid na
babae ng kasaysayan.
Ayon naman kay Simplicio Bisa (1987), ang panitikan ay salamin ng lahi.

Kahalagahan ng Panitikan
Ang pag-aaral ng sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay
malalaman, madarama at masumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay
ang ating mga ninuno.
Malaki ang naitutulong ng panitikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa
buhay ng ating lipunan. Unang una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang
pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa pag-hulma ng lipunan
dahil tinutulungan nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at
kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Dahil dito, nagkakaroon ng pagbabago sa
pangkalahatan ng lipunan na siya namang nagbibigay buhay dito. Dahil din sa
Panitikan ay nagkakaroon ng pag-asa ang mga miyembro ng Lipunan upang
ipagpatuloy ang kanilang buhay at mga gampanin. Ang panitikan ay nagsasalamin
sa kulturang pinagmulan nito.
Sa panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday na ating
matatayog at marangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan.
Higit sa lahat, bilang nga nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas
ang pagmamalasakit sa ating panitikan. At upang makilala at magamit natin ang
ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.
Karagdagang Kahalagahan ng Panitikan
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating
pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at
marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang
kulturang nakarating sa ating bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at


makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.

4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at


magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.

5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay


kailangang maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan.

Uri at Anyo ng Panitikan


Binubuo ng mahigit 7,000 pulo ang Pilipinas. Sa bawat pangkat ng mga pulo,
may iba’t ibang grupo ng mga tao na nagsisipagsalita at nagkakaunawaan sa bisa ng
wika. Dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo, ang pamumuhay, ang kultura at
ang wika ay nag-iiba-iba rin. Ang pag-aaral ng mga panitkan sa Pilipinas ay
mistulang pagmamapa ng Pilipinas. Sa bawat pook o rehiyon ng bansa, matatagpuan
ang mga anyong pampanitikan na natatangi at doon lamang matatagpuan. Ito ay
dahil sa ang pagtatala ng karanasan sa bisa ng panitikan, at pagbibigay-ngalan ay
nag-iiba-iba rin ayon sa kanilang karanasan, kapaligiran at kasaysayan. Samakatwid,
kinakailangan ng napapanahong paksa at aralin ang mga panitikan ng Pilipinas.
Dapat mabatid ng bawat estudyante na Pilipino ang kanyang pinag-ugatan at nang
lalong mapagtibay ang kanyang kaakuhan at pagkamamamayan.
Sa pag-aaral ng mga panitikan ng Pilipinas sa iba’t ibang wika kung gayon,
maaaring matuklasan din ang iba-iba pang tinig at boses ng mamamayang Pilipino.
Tinig na maaaring naisantabi sa mahabang panahon dahil sa limitadong mga aklat
pampanitikang mababasa, masusuri at maipapalaganap.
(Santiago, Lilia Q. Mga Panitikan ng Pilipinas.C & E Publishing House. Quezon City.2007)

Uri ng Panitikan
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang mga kathang-
isip (Ingles: fiction) at ang mga hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin
at babasahin.

 Para sa kathang-isip ay ginagamit ng mga manunulat ang kanilang


imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.
Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at
pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng
mga nobela at maikling kuwento.
 Para sa pangalawang uri ng panitikan o hindi kathang-isip, bumabatay ang
may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang
mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak
sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang
nakakainganyang kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang- isip na mga
sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.
Anyo ng Panitikan
Ang panitikan ay maaaring nakasulat at di–nakasulat. Ito ay ipinapahayag sa anyo
ng patula at tuluyan.
 Patula – nahahati sa mga taludtod o saknong at ginagamitan ng mga piling
salita na maaaring mayroong sukat, tugma, talinhaga o maaari din naming
wala. Ang mga halimbawa ay kasabihan, salawikain, bugtong, awiting-bayan
at bulong.

 Tuluyan – ito ay nasusulat nang malaya sa anyo ng mga talata na karaniwang


binubuo ng mga pangungusap.
Sanggunian:
San Juan, Gloria P. et.al., (2005). Panunuring Pampanitikan. Sta. Cruz, Manila:
Booklore Publishing Corporation
Lachica, Veneranda S. (1996). Literaturang Filipino. Boulevard, Pasig City:
Academic Publishing Corp.

You might also like