Professional Documents
Culture Documents
Panlipunan
Kabanata 3
Panimula
Ang Pilipinas ay nahaharap sa iba’t ibang isyung Panlipunan na kung saan isa ito sa patuloy
na nagpapalugmok sa pamumuhay ng maraming mga Pilipino. Saan mang dako g bansa ay
madalas laman ng mga pahayagan patungkol sa issyung panlipunang kinakaharap ng bansa. Isa sa
mga ito ay ang isyung Panlipunan tungkol sa kahirapan. Mula noon hanggang sa ngayon ay ito
ang siyang pinakamalaking suliranin ng bansa. Kawalan ng trabaho o hanapbuhay, kawalan ng
bahay, pagkain at kawalan ng edukayon ang ilan sa mga kinakaharap ng ilang indibidwal. Kabilang
sa mga iyung panlipunan na matatalakay sa kabanatang ito ay patungkol sa karapatang pantao,
pangkasarian at diaspora / migrasyon.
PANITIKAN AT LIPUNAN
Samantala, ayon naman kay Zeus Salazar, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos
sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang
naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang
kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya'y magpalaya ng mga
nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang banda,
maituturing ang panitikan na isang kakaibang karanasan. Ito ay naglalantad ng mga katotohanang
panlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang ating mga sensorya tulad
ng paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at pandama. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-
iisip at maging sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang ating nahihimbing na
kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na
salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin. Ang panitikan ay buhay na
pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan.
Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.
Ayon kay naman kay Terry Eagleton, maraming mga paraan para bigyang kahulugan ang
panitikan. Unang-una, maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita
o talinghaga. Ito ang tinatawag na “fiction”. Subalit nagbigay siya ng argumento na hindi lahat ng
malikhaing akda ay matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks, pelikula, telebisyon,
at pocketbooks (romance novels) na bunga ng isang malikhaing pag-iisip subalit hindi itinuturing
na panitikan.
Ikalawa, maaaring bigyang kahulugan ang panitikan dahil sa paggamit nito ng wika sa
kakaibang paraan. Batay sa argumentong ito, ang panitikan ay isang uri ng pagsulat kung saan
kumakatawan ng isang maayos na pagwasak sa karaniwang anyo ng pagsasasalita.[1] Binabagong-
anyo at pinapasidhi ng panitikan ang karaniwang wika, sistematikong lumilihis sa pang-araw-araw
na pananalita. Kapag may nagsabi sa akin ng “Ang tag-araw ay nasa iyong mga matang
nangungusap” habang ako’y nakasakay sa dyip, alam kong nasa presensiya ako ng isang ‘literary’
o maalam sa panitikan. Alam kong gayon dahil sa ang kayarian, indayog at tunog ng kanyang mga
salita ay labis sa kanilang kahulugang abstrakto. Umaakit ng atensiyon ang kanyang mga salita,
ipinapayagpag ang kanilang kalikhaang materyal. Ang depinisyong ito ang sinaligan ng
mga Formalist na umusbong sa bansang Rusya.
Hindi kinakailangang maging maganda para maging ‘literary’, dapat ay kauri ng itinuturing
na maganda. Halimbawa, walang magsasabi na ang klaskard ay isang mahinang panitikan pero
mayroong magsasabi na ang mga leaflets (manifesto) na ipinamumudmod ng mga aktibista ay
hindi magandang uri ng panitikan.
Sa panukalang ang panitikan ay isang “highly valued writing”, kahit ano ay maaaring
maging panitikan. Sa kabilang dako, ang mga itinuturing na panitikan ngayon ay maaaring hindi
na panitikan sa hinaharap. Nagbabago ang pagpapahalaga at paniniwala ng tao kaya maaaring
baguhin niya ang kanyang pananaw sa isang akdang itinuturing na panitikan. Samakatwid,
maaaring magkaroon ng isang lipunang hindi naniniwala na ang mga akda ni Shakespeare ay
panitikan.
Sa dahilang ang tao ang nagbibigay ng interpretasyon sa mga akdang pampanitikan batay
sa kanilang sariling point of view, ang depenisyon ng panitikan ay hindi obhetibo kundi subjective.