You are on page 1of 3

Pangalan: Lumogdang, Ana Rose S.

Kurso at Taon: BSED II Social Studies

Seksyon: D

Iskedyul: MF (10:40 AM - 12:30 PM)

KABANATA 1

Topic Title: Ang Sining ng Panitikan

Activating Prior Knowledge

Panuto: Bumuo ng mga salita tutugon sa hinihingi ng gawain.

P ‐ Pagsasalaysay. Nagpapahayag ng mga pangyayaring naganap noon, sa kasalukuyan at magaganap pa


sa kinabukasan.

A- Akda. Mga akdang ginawa upang buhayin at buksan ang ating mga kaisipan tungo sa mga bagay na
totoong naganap at mga guni-guni lamang na pinapahayag sa iba't-ibang paraan.

N- Naglalarawan ng iba't-ibang uri ng mga akda na bumubuo sa panitikan. Mga tula, kasaysayan,
kuwento, at marami pang iba.

I- Imahinasyong akda. Isa sa mga akdang nagpapakita ng kaisipan sa pagsulat ng mga kuwento at mga
pangyayaring magdadala ng iyonh emosyon.

T- Tula. Mga tulang binubuo sa iba't-ibang anyo at paraan.

I- Impluwensiya. Mga impluwensiyang nagpayaman ng ating kultura't tradisyon at mga naging bahagi ng
ating pang araw-araw na pamumuhay.

K- Kaisipan at Karanasan. Binubuo rin ang panitikan ng kaisipan na nababatay sa karanasan ng may-akda,
na siyang nagpapalalim ng pananaw sa mga pangyayaring umusbong sa lipunan.

A- Anyo at pananaw. Sa pamamagitan nito, nadadala ang mambabasa at nagbibigay interes sa kung
paano nito ipinapaintindi ang mensaheng inihahatid nito.

N- Nagpapatunay ng kahusayan sa pagsulat. Kahusayan at kasanayan sa larangan ng pagsulat ng


malikhaing akda o panitikan na siyang nagpapayaman ng ating kultura, bumuo ng ating pagkatao at
pagkakakilanlan.
Pre-Assessment

Panuto: Pag-aralan ang sinasabi ng mga grapiko sa ibaba. Bigyan ng sariling konsepto at
pagpapakahulugan at pagakaugnayan ng mga elementong makikita rito.

Pansariling Konsepto:

— Ayon po sa aking pananaw, ang mga grapikong relihiyon, agham, sining, pilosopiya, sikolohiya, at
kasaysayan ay siyang bumubuo sa panitikan. Ang mga akda o mga gawa na nabuo sa iba't- ibang
larangan ay nagpapahayag ng panitikan. At binubuo ng mga paliwanag at mga dahilan kung bakit may
ganitong bagay at pangyayari sa isang lipunan, na sumasalamin ng kanilang kultura. Dahilan kung bakit
sa ganitong paraan tumatakbo ang buhay ng isang tao sa pang araw-araw na pamumuhay.

Pagkaugnay ng bawat ideya:

— Para po sa akin, ang mga akdang pangkasaysayan o mga akdang ginawa o nabuo na nagpapaliwanag
ng mga pangyayari noong unang panahon at sa kasalukuyan ay parte o kabilang sa tinatawag na
panitikan. Katulad din sa larangan ng agham, mga paliwanag sa mga bagay na nangyayari sa tao at sa
lipunan na tinipon at ginawang akda. Sa larangan naman ng relihiyon, ang Bibliya ang siyang gumagabay
sa bawat Kristiyano at nag-iimpluwensya sa paraan ng pamumuhay. Ang pagiging malikhain naman sa
pagsulat ng mga kuwento, katha, at iba pa ang nagpapahayag ng isang panitikang sining. Kabilang din
dito ang sikolohiya na naglalarawan ng mga paniniwala at tradisyon ng isang lugar o grupo ng mga tao,
at mga pilosopiyang gumagabay sa pagkatao at pagkakakilanlan ng isang tao.

Learning Exercises

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung mali,
salungguhitan nagpamali rito at iwasto. Isulat ang iyong sagot sa sa puwang na nakalaan bago ang
bilang.

1. TAMA Ang panitikan ay isang mabisang salamin ng isang lipunan.

2. Ibabaw ng entablado o tanghalan Itininatanghal ang dula sa bahay.

3. 100,000 Ang mahabharaata ng Indi ay binubuo ng 2000 taludtod.

4. Pabula Ang parabula ay mga salaysaying ang pangunahing tauhan ay mga hayop.

5. Araw-araw Linggo-linggo ang mga pangyayaring inilalahad sa balita.

6. Mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata Ang nobela ay mababasa sa isang upuan lamang.

7. Nagpapakita Ang panitikan ay hindi kakitaan ng bahid ng kasaysayan.

8. Labindalawa Ang awit ay may siyam na pantig.


9. Korido Ang ibong Adarna ay isang uri ng awit.

10. Duplo Balagtasan ang humalili sa kasikatan ng Karagatan.

You might also like