You are on page 1of 23

BAHAGI 1

ANG PANITIKAN at KASAYSAYAN

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang katuturan, kahalagahan, bagay na nakaiimpluwensiya sa panitikan,


dahilan ng pag-aaral at anyo ng panitikan.
2. Natutukoy ang iba’t ibang uri at anyo ng panitikan.
3. Nailalahad ang mga pagbabago at pag-unlad ng paniltikan sa Pilipinas.
4. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng ilang panitikan sa bawat panahon.

Aralin 1. Katuturan, Kahalagahan, Bagay na nakaiimpluwensiya sa Panitikan, Dahilan ng


Pag-aaral ng Panitikan at Anyo ng Panitikan

Ang panitikan ay hindi maaaring ihiwalay sa kasaysayan, sa kanyang kultura, tradisyon,


mayayamang kaugalian at mithiin ng bansa. Ito’y larawan ng buhay, ng kahapon, ng ngayon at
ng bukas. Ang mga naganap na mga pangyayari sa lipuna’y nasasalamin sa panitikan. Ito ang
lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan, ang lakas na nagpapakilos sa tao. Hindi
lamang repleksyon ng realidad, kalikasan, at lipunan ang panitikan, bagkus behikulo rin ito
sapagsiwalat ng karanasan ng bawat lipi sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag. Isa rin itong mabisang ekspresyon ng isang lipunan at pangunahing institusyon
ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipunan. At ang mayamang
kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na paglalakbay ng isipan sa larangan ng kaalaman
at impormasyon.
Ayon pa kay Villafuerte et al. (2000), ang panitikan ay may malaking kaugnayan sa
kasaysayan. Kung ang kasaysayan ay nagsasabi ng tiyak na panahon at pangyayari, ang
panitikan naman ay naglalarawan ng buhay, kultura, kaugalian at karanasan.
Ang panitikan ay salamin ng isang lahi ayon kay Bisa (1987). Bawat lahi ay may sariling
kalinangan o kultura na isang tanda ng pagkabansa. Ang kultura ay dinamiko, patunay rito ang
patuloy na pagtangkilik at pagpapalawak nito. Kabilang sa ating kultura ang mga paniniwala,
nadarama o emosyon, nararanasan, tradisyon, mga bagay na nagawa na at iba pang gawain na
bahagi ng pang-araw-araw na buhay.
Ayon pa kay (Atienza et al.), ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong
nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang-araw-araw
na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran at gayundin sa kanyang
pagsusumikap na makita ang Maykapal.

Kahalagahan ng Panitikan
1. Makilala ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip at henyo ng ating lahi
na iba kaysa ibang lahi.
2. Matalos na katulad ng ibang lahi, tayo ay mayroon ding dakila at marangal na tradisyong
ginagamit na puhunang-salalayan sa panghihiram ng mga bagong kalinangan at
kabihasnan.
3. Matanto ang kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang mailagan at
mapawi ang mga ito.
4. Makilala an gating kagalingang pampanitikan at lalong mapadalisay, mapayabong at
mapaningning ng mga kagalingang ito.
5. Tayo’y mga Pilipino at dapat maging katutubo sa atin ang magkaroon ng
pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang Filipino.

Mga Bagay na Nakaiimpluwensiya sa Panitikan


1. Klima- may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao.
2. Gawaing pang-araw-araw o hanapbuhay- ang hanapbuhay at tungkulin ng tao ay
nagpapasok ng mga salita sa wika at panitikan ng isang lahi o bansa.
3. Kinatitirhan- ang kinatitirhang pook ng isang lahi ay nagtatakda sa hilig o takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
4. Lipunan at Politika- mga ugaling panlipunan at mga simulating pampulitika at
pamahalaang nagdadala ng kahilingan at kabihasnang napapasama sa panitikan ng
isang bansa.
5. Relihiyon at edukasyon-ang tayog, lalim at lawak ng panitikan ay nakukuha rin sa
pananampalatayang dala ng relihiyon at sa kabihasnan at kalinangang naituro ng
pilosopiya ng edukasyon ng bansa.
Dahilan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan
1. Malaman ng tao ang kalinangan at kasaysayan.
2. Mabatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag- uugali.
3. Maging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makilala ang kanilang kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong
mapayabong.
5. Magkaroon ng sariling pagmamalasakit sa sariling panitikan.

A. PANITIKANG KATUTUBO

Sa pandaigdig na pagpapakahulugan sa panitikang katutubo, ito ang tradisyunal na


pasalitang pagpapahayag ng sinaunang mga tao tungkol sa kamalayan nila sa kanilang likas na
kapaligiran, pamayanan, o lipunan at kaisipan hinggil sa pagkalikha sa kanila ng isa o igit pang
hindi nakikitang kapangyarihan.
Nasa iba’t bang anyo at katawagan ang panitikang ito, ayon sa kanilang pang-araw-araw
na gamit sa lahat ng aspekto ng kanilang pamumuhay, ngunit saklaw din ng pandaigdigang pag-
uuri tulad ng panulaan (pag-awit), paglalahad, salaysay at pag-aksiyon (dula).
Kadalasan dahil sunod sa tradisyon, ang panulaan ay binibigkas sa loob ng tahanan,
pagtitipon, at natatanging ginagawa tulad ng ritwal, pag-aalay, pagsamba at pag-iisang dibdib.
Karaniwang may sukat at tugma ang mga linya nito, mahaba o maikling naisasagawa ayon sa
pinaggagamitan nito. Naglalaman ng katotohanan sa buhay, paalaala, tagisan ng talino, libangan
at paghahangad ng mabuti sa kanilang buhay at mga kaangkan.
Kung kaya masisinag sa mga katangian ng panitikang-bayan ang kasiningan ng mga
genre sa magiging “persepsyon” ng mga mambabasa nito tulad ng (a) kariktan ng motif nito: mga
pananamit na maadorno ang pagkakatahi, mga kulay at hugis ng mga bagay sa kapaligiran
(manika, ginintuang sapatilya, tinapay o pagkaing alay sa ritwal, (b) paulit-uli, may ritmong
pagsasalita at kumpas ng mga kamay, (c) pagsasayaw sa mga tiyak na direkssiyon at (d) mga
sangkap na mahikang nakalilikha ng kaaliwan at nakakapagpapakilos sa imahinasyon. Ginigising
ng panitikang bayan ang mga huwisyo (senses) ng mga mamamayang nagpapahalaga rito.

Pandarayuhan at Panitikan

Sa pandarayuhan ng sinaunang mga tao mula sa mga lupain sa Timog-Silangang Asia


nag-ugat ang panitikang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas mula noong circa 9,000 B.C. (bago
isinilang si Kristo) hanggang 1500 B.C., dumating na sa kapuluan ang mga Austrenesia, ang
simula ng malawakang paninirahan ng mga tao sa madagat na panig na ito ng mundo. Kasunod
na panahon hanggang 1565 nagsimula na ang kapuluan ng Pilipinas na humubog ng sarili nitong
kultura na masasalamin sa sistema ng pamahalaan (balangay), relihiyon at pongkumunidad na
ekonomiya. Kaya bago dumating ang mga Kastila, ang hiwa-hiwalay, magkakaibang etnikong
grupo ay may kakayahan nang magpaunlad ng kanilang naabot na antas ng estado, relihiyon,
lipunan at kultura.
Naipahayag ang ebolusyon ng tatlong sangkap na ito ng komunidad sa pamamagitan ng
kanilang panitikang katutubo. Nagkaroon ng mga epiko na naglalarawan ng buhay ng mga pinuno
sa relasyon ng mga ito sa mga nasasakupan nila. Nalikha ang mga kantahing pangritwal na
nagpapatibay ng pananampalataya ng mga katutubo sa di nakikitang bathala. Sa mga kantahing
bayan, alamat, at epiko, makulay na ipinakikita ang kulturang nag-uugnay sa mga mamamayan
sa iisang komunidad. Ang panitikan, kung gayon ay produkto ng mga pagsisikap ng isang
komunidad na mapanatiling metatag, kundi man mapaunlad ang isang sistema ng pamumuhay
na sumasaklaw sa estado, lipunan, relihiyon at kultura.

Unang Pagpapahayag ng Panitikan

Pasalita lamang ang unang pagpapahayag ng panitikan sa mga lipunang primitibo o hindi
marunong bumasa at sumulat ang mga tao. Sa ganitong limitadong pahayag, kadalasang
nababawasan ang yaman ng kanilangg panitikan kundi man tuluyang naglalaho iyon sa paglipas
ng panahon.
Sa lipunang literado, binubuo ang panitikan ng primitibo, sinauna at pambayan. Pasalita
o pasulat ang pagpapahayag nito. Kaya sa ngayon Malaki anng corpus ng panitikan at kailangan
na rito ang kadalubhasaan sap ag-aaral. Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, maraming
obserbasyon tungkol sa kakayahang sumulat ng mga dinatnan nilang katutubo. Si Padre Chirino,
isang Heswitang iskolar ang nagsabing marunong bumasa at sumulat ang halos lahat ng
katutubong mga babae. Maging si Antonio Pigafetta, misyonerong iskolar na kasama si Magellan
nang dumating ang mga ito sa kabisayaan ay naglista ng mga salita at nagsuri ng paraan ng
pagsulat ng mga katutubo. Si Tomas Pinpin, manlilimbag na katutubo ay may isang manuskrito
ng mga salita sa Cebuano na umano’y marami namang mali.
Kaya batay sa mga datos na ito, masasabing hindi na pasalita lamang ang pahayag ng
mga katutubo ng kanilang panitikan nang dumating ang mga Kastila. Ginagamitan na rin ang
pagsulat ng lumang alpabeto, na tinawag na A Kung hindi nakarating dito libata o Baybayin. Kung
hindi nakarating ditto ang mga Kastila, patungo na ang mga katutubo sa pagtuklas ng mga
materyales na susulatan na hindi matutunaw, durupok o masisira kaya. Hindi n asana sila naging
biktima ng mga prayle na naniniwalang gawa ng demonyo ang sinaunang mga akda kaya sinunog
ang mga ito o sinadyang iwinala kundi man tahasang ipinagbawal.
Kabilang sa mga katutubong alpabeto ang matandang anyo ng pagsulat ng mga Pilipino.
Ginagamit ang mga alpabetong iyan sa mga pulo ng timog-Silangang Asya tulad ng Sumatra,
Java at Celebes. Tinunton naman ang pinagmulan ng mga iyan sa Sanskrit ng matandang India.
May 17 letra ang matandang alpabetong Pilipino. Talo ang mga patinig a/, e-i/, at o-u/,
labing-apat naman ang mga katinig b/, k/, d/, g/, h/, l/, m/, n/, p/, r/, s/, t/, w/, y/.
Sa paraang papantig binabasa ang mga katinig. Pakanan, mula sa kaliwa ang pagsulat.
Kadalasan, dahil bumbong ng kawayan ang pinasusulatan, inuukit ditto ang mga letra. Sa
paraang papantig binabasa ang mga katinig. Pakanan, mula sa kaliwa ang pagsulat. Kadalasan,
dahil bumbong ng kawatan ang pinagsusltan, inuukit ditto ang mga letra.

Pandaigdigang mga Anyo ng Panitikan

May tatlong pangkalahatang anyo ang panitikan sa mundo: tuluyan (prosa), panulaan at
dula. Sa ilalim ng bawat isa, may tinatawag naming tipo o genre.
Ayon kay E. Arsenio Manuel, dekano ng mga fokloristang Pilipino, mkabubuting makilala
ang panitikang-bayan na binubuo ng mito, alamat, kuwentong -bayan, awiting -bayan, dulang-
bayan salawikain at bugtong. Isinama ni Damiana Eugenio, isang iskolar ng foklorista ang epiko
Ibinilang naman ni Jose Villa Panganiban, yumaong director ng Surian ng Wikang Pambansa ang
bulong, tanaga, palaisipan at kasabihan.
May mga nagsama naman ng kuwentong kababalaghan, talinghaga, at larong-bata.
Maikaklasipika ang bawat tipo o genre ng mga panitikang-bayan sa tuluyan, panulaan at dulang-
bayan. Ipinakikita sa mga halimbawang ito ang kayamana ng sariling panitikan ng Pilipinas, isang
patunay ng mataas na antas ng kultura ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila.

a. Mito
Karaniwang salaysay ito ng mga nagawa o kabayanihan ng mga diyoses at espiritu sa
lupa, sa langit o sa ilalim ng lupa. Likas lamang at huwaran sa mundo ng mga tao ang mga nagwa
ng mga diyoses sa mitolohiya. Ipinapalagay na totoo ang mito ng mga sinaunang tao, isang tala
ng mga pangyayaring naganap.

b. Alamat
Isang salaysay ng di-karaniwang pangyayari na ipinalagay na totoong naganap, na
kaugnay ng pagkakaroon ng mga bagay, isang lugar at pangyayaring kaugnay ng pagkakita sa
mga engkantada, multo, demonyo at mga katularing nilalang. May isang paksa, madalas na maikli
at payak ang salaysay.
Nahahati sa dalawang pangkatin ang mga alamat: ang mga tinatawag na (a) etiological o
mga nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan ang
mga bagay o pook at kung bakit nagkaganoon at (b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang
tao at sa pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasama rin ditto ang tungkol sa mga alamat ng
santo, mga supernatural na nilikha tulad ng mga aswang, tikbalang, engkantado, multo at mga
ibinaong kayamanan. Simple lamang ang mga alamat, iia lamang ang tinutukoy.

c. Kuwentong-bayan
Isang masalimuot o payak na salaysay sa ayos na episode (o baha-bahagi) tungkol sa
mga pangyayaring hindi batay sa mga pangalan, lugar at panahon. Maaaring ang paksa nito ay
hayop (kaya tinatawag na pabula) mahika, romansa, pagbibiro at anekdota at iab pang salaysay
na hindikabilang sa alamat at mito.

d. Awiting-bayan
Nagiging awiting-bayan lamang ang isang kantahin kung nagpasalin-salin na ito sa
“maraming bibig” at mga pook at hindi na matunton sa tagal ng panahon ang lumikha niyon.
Mauuri sa sumusunod ang mga paksa at okasyong pinagdarausan ng mga awiting-bayan:
panrelihiyon, panghanapbuhay, panggawaing-bahay, panliligaw at pagpapamilya, pandigmaan
at paglalarawan ng gulong(siklo) ng buhay.

B. PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA


May dalawang dahilan ang pagpunta ng mga Kastila sa Pilipinas:
Una, pasiglahin pa ang kolonisasyon sa pagpapalawak ng kanilang imperyo sa hangad
na makatuklas pa ng maraming likas na yaman gaya ng mahahalagang metal, tulad ng ginto at
lalo na ang mga "rekado" sa pagkain na kinahumalingan ng mga Europeo mula nang mag-uwi
nito mula sa Silangan si Marco Polo;
Ikalawa, magpalaganap ng Katolisismo, isang pribilehiyong ipinagkaloob sa kanila ng
Papa dahil sa pagkakataboy nila sa mga Muslim na dumating at sumakop sa Espanya mula
Africa.
Kaya mula sa "pagkakadiskubre" sa Pilipinas nina Fernando Magallanes noong 1521 at
pagkatatag ni Miguel Lopez de Legazpi ng mga pamayanan sa Cebu (1565) at ng pamahalaan
sa Maynila (1571), naging maimpluwensya na ang mga Kastila sa Asya.
Nagkataong mga iskolar ang kasamang mga misyonero ng mga konkistador. Pinag-aralan
nila ang mga wika at kultura ng mga katutubo kaya naimpluwensiyahan nila ang mga panitikan
ng kapuluan na sinangkapan nila ng doktrina ng Katolisismo. Nagawa nila ito sa pamamagitan
ng mga sumusunod:
Una, isinaisangtabi nila ang katutubong paraan ng pagsulat o alpabeto (Alibata o
Baybayin) at pinalitan nila ng alpabetong Romano;
Ikalawa, tinipon at binuo nila ang pasalitang mga panitikang katutubo, ngunit inalis nila
ang mga elementong pagano na kontra sa Katolisismo;
Ikatlo, nagdala rin sila ng mga tipong pampanitikan mula sa Europa upang maging
behikulo sa popularisayon ng kanilang relihiyon at kultura.
Malinaw ang layunin ng mga Kastila: sakupin ang mga katutubo sa pamamagitan ng
espada, relihiyon, at kultura. Ngunit hindi nawala ang mga panitikang katutubo kahit umiral pa
ang sistema ng pamumuhay ng mga Kastila sa Pilipinas.
Hanggang sa ngayon, buhay na bahagi ng ating panitikan ang alamat, awiting-bayan,
epiko, bugtong, salawikain, talinghaga, tanaga, at iba pa. Buhay at laganap ang mga tipong ito
ng panitikan sa mga etnikong grupo sa mga kabundukan at mga dagatan na hiwalay sa
karamihang mamamayan.

Dahil gustong ipayakap ng mga Kastila sa mga katutubo ang ilang aspekto ng kanilang
kultura, nagdala sila ng mga anyo ng panitikang Europeo. Bunga nito, nagbago ang moralidad,
pag-iisip, kilos at pagtingin sa buhay ng mga Pilipino sa mga sentro ng pamayanan.
Ipinahayag din ang mga genre ng panitikang dala nila sa Pilipinas sa tuluyan o prosa,
panulaan at pandulaan.
Sa tuluyan, maraming dasal o nobena, katekismo, sermon, salaysay at talambuhay ng
mga santo ang kanilang inilamán sa iba't ibang wika sa kapuluan.
Sa panulaan, naging pang-araw-araw na bahagi ng buhay ang pasyon, korido, awit, dalit
at awiting-bayan.

Tatlong klase naman ang mga dula ayon sa lugar na pinagtanghalan ng mga ito.
Ang unang dalawa, pangrelihiyon; ang huli, panlibangan.
a. Pang-entablado: senakulo, komedya (moro-moro) at karilyo.
b. Panlansangan: tibag, salubong, panunuluyan (pananapatan),at pangangaluluwa.
c. Pantahanan: karagatan, duplo, pamanhikan at huwego de prenda.
Naimpluwensiyahan agad ng kulturang Europeo ang uring ilustrado, ang mga katutubo't
mestiso na nasa mga sentro ng pamayanan pagkaraang maitatag ni Legaspi ang pamahalaan
sa Cebu at Maynila.
Tinuruan sila ng wikang Espanyol sa mga tahanan at walong kolehiyo sa Maynila,
pinakauna ang Colegio de san Ignacio at Academia de Santa Isabel (1594).

Mga Tipo (Genre) ng Kolonyal na Panitikan


Sa pagsisimula ng paglilimbag sa Pilipinas, dumami ang mga tipong pampanitikan sa
ilalim ng tuluyan.
 Katekismo ang unang tatlong libro na nalimbag sa Pilipinas. Sa Tsino nasulat ang unang
dalawa; sa Tagalog at Kastila ang ikatlo. Isinunod pagkaraan ang mga salin nito sa ibang
mga katutubong wika sa Pilipinas. Karaniwang tawag dito ang Catecismo dela Doctrina
Christiana (1593).
 Bukod sa instruksiyon sa pag-aaral ng relihiyon, nilalaman din ng librong ito ang
mga dasal at sermon na Pater Noster, Ave Maria, Credo, Ang Sampung Utos ng
Diyos, at iba pa.
 Ang talambuhay ng mga santo ay inilathala naman sa pagkakalimbag ng Nuestra
Senor del Rosario. Kasama rin dito ang ilang nobena at tanong-sagot na
paliwanag tungkol sa relihiyon.
 Sa pagkakalimbag naman ng Barlaan at Josaphat (1712), hindi lamang nagkaroon
ng halimbawa ng mahabang salaysay kundi nasubok ang kakayahan ng
bokabularyo ng Tagalog bilang pangunahing wika sa Pilipinas. Mula sa akda ni
San Juan Damasceno sa wikang Griyego, tinagalog ito ni Pedro Antonio de Borja,
saka isinalin sa Ilocano ni Padre Agustin Mejia.

Marami pang akda sa Kastila tungkol sa kabanalan at pagpapakasakit para sa


Panginoong Diyos ang naisalin sa Tagalog. Dalawang orihinal na akda sa Tagalog ang nasulat
at nalimbag: ang Benito at Rosa/ia at ang Tandang Bacio Macunat ni Padre Miguel Lucio
Bustamante.
Kontra sa pag-aaral at pamumuhay sa lungsod ang Tandang Bacio Macunat. Isang
paniwala pa rin ng mga konserbatibo na makasisira sa kabaitan at kabanalan ng kabataan ang
pag-aaral at paghahanapbuhay sa Maynila. Lahat ng bisyo at kasamaan ay natututuhan umano
sa lungsod, kaya tahasang isinesermon ng akda na hindi dapat mag-aral sa mga ganoong lugar
ang kabataan, lalo na ang mga babae. Ipinalagay ng mga propagandistang nasa Europa na
gustong panatilihing mangmang ng mga prayle ang mga Pilipino.

1. Pasyon
Isinasagawa tuwing Mahal na Araw sa halos lahat ng bayan sa Pilipinas sa iba't ibang
katutubong wika. Binabasa ang buhay ni Kristo hanggang sa pagpapako sa Kenya sa krus at sa
Kanyang resureksiyon. May bersiyon na ipinäparada ito sa kalye kumpleto sa mga tauhan ng
Kanyang mga alagad at iba pang mga tauhang sangkot sa Kanyang pagpapakasakit.
 pagpapakasakit ni Kristo sa kamalayan ng binyagang mga Pilipino
 Kinakanta ang mga pasyon o kaya'y binabasa ito nang tuloy-tuloy na maaaring
gawin sa apat na araw o gabi.
Nakatala si Gaspar Aquin o de Belen na unang sekular na nakasulat ng pasyon, ang
Mahal na Pasion (1704) na isinama niya sa pagsasalin ng manwal sa Tagalog ng mga dasal sa
Kastila ni Padre Thomas de Villacastin, isang Jesuita.
Quintilla ang ginamit na taludturan ni de •Belen na may walong pantig bawat linya.
Sinundan si de Belen ng mga pari, ang Pasiong pilapil (1814) ni P. Mariano Pilapil na quintilla rin
ang pagkakasulat at ni P. Aniceto dela Merced (1856) na sumulat naman sa cuarteto, ngunit may
12 pantig sa bawat linya.

2. Dalit
Kaugnay ng Flores de Mayo ngayon. Tuwing "buwan ng mga bulaklak" (Mayo), pila-pilang
pinag-aalay ng mga puting bulaklak ng mga magulang ang kanilang mga anak na babae mula
bata hanggang sa dalaga kay Birheng Maria bilang simbolo ng kalinisan. Sinasabayan ng pag-
awit ang pag-aalay ng mga bulaklak.
Karaniwang tinatawag na "Dalit kay Maria", binubuo ang bawat isa sa anim na bahagi ng
iba't ibang dami ng taludtod at pantig sa isang linya. Basahin ang koro:

Tuhog na bulaklak sadyang salit-salit

Sa mahal mong noo'y aming ikakapit

Lubos ang pag-asa'tsa 'yong pananalig

Na tatanggapin mo handog na pag-ibig.

Iyan ang pambungad na awit. Ngayon, tingnan naman ang pamamaalam:


Paalam na Reyna ng Sangkalangitan
Ina na sumakop sa Sangkatauhan
Giliw kang mutyang katamis-tamisan
Matapat kong sínta, dalisay at paham,

Sa Cebu, ang Soneto Pagdayeg can santa Maria Gihapon Virgen (Rehiyon VI) ay unang
nalathala noong 1731, matagal mamatay ang sumulat nitong sí Tomas de San Geronimo noong
1686. Isinama ito sa librong Practica del Catecismo Romano y Cristiana.

Soneto sa pagpuri sa Inang Mariang Bírhen

Birhen, Ina ng lahat ng tao


Reyna ng langít, saklolo
at pag-asa ng mundo.
Mutyang maybahay ng Espíritu Santo,
Takot ang impíyerno't demonyo,
Malinis na Birheng maawaín
piníli kang tangi, ordenahin
iligtas ang buhay namin.
Ang bukal ng pagsasamahan,
Ikaw na putos ng katamisan,
Halimuyak ng kabanalan
Sa masamang bunga'y walang malay
Na aming minana't
Sinamba ng amíng mga magulang,
—mula sa salin sa Ingles ni Resil B. Mojares

3. Korido at Awít
Hango ang korido at awit sa mga tulang romansa (metrica l romances) na magkatambal
isinilang noong ika-18 siglo. Bago naging kilala si Francisco Balagtas, naging popular muna sa
korido si Jose dela Cruz, higit na kilala bilang "Huseng Sisiw". Kabilang ang Historia de Bernardo
del Carpio sa mga nasulat na korido na tinutunton sa kanya (Doce Paresde Francia at Rodrigo
de Villa ang iba pa). Hindi na nakilala pa ang sumulat ng dalawa pang korido, Ibong Adarna at
Cay Calabasa' kaya masasabing tunay na kaalamang-bayan ito dahil bayan na ang nagmamay-
ari. Sina Balagtas at Ananias Zorilla ang mga manunulat ng korido na sumunod kay dela Cruz.
Isa pang mahalaga sa buhay ng mga Pilipino ang Florante at Laura (Rehiyon IV) ang akda
ni Francisco Balagtas, dahil nagpamalas ito ng apat na "himagsik".
1) Himagsik laban sa masamang pamahalaan:
Sa loob at labas ng bayan kong sawi kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
kagalinga't bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa't pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukol sa laot ng dagat ng kutya't linggatong; balang
magagaling ay ibinabaon at inililibing nang walang kabaong.
2) Himagsik laban sa masamang pananampalataya:
Mapapansin sa moro-moro ang laging pagkatalo ng mga tauhang Muslim laban sa
mga tauhang Kristiyano. Katwiran marahil ni Balagtas na hindi makatarungan (at
makatotohanang) ang relasyon ng mga tao noong panahon ng Kastila. Ito marahil ang
dahilan' kung bakit sa bandang huli ng Florante at Laura, pinagkasundo niya Sina Aladin
at Flerida kina Florante at Laura. Naisulong ni Balagtas sa akda niya ang realismo bilang
isang malusog na kalakaran (trend) sa panitikan.
3) Himagsik laban sa masamang kaugalian:
Pinaksa ni Balagtas sa maraming bahagi ng kanyang awit ang mga maling
kaugalian, tulad ng a) labis na pagpapalayaw sa mga anak, b) hindi maayos na pagtuturo
ng mabuting kaasalan ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya dito siguro nagmula
ang pagtuligsa ni Rizal sa "mga sakit" ng kanyang mga kababayan.
4) Himagsik laban sa kawalang-pagsulong ng panitikan:
Una, ang mga nilalamang iyon at iyon din (palasak) tulad ng nakababagot na
paglalarawan sa mga santo at pagtalakay sa kabutihan ng Diyos at pare-parehong
paglalarawan sa mga katangian ng mga tauhan ng salaysay; Ikalawa, ang pagtalikod ni
Balagtas sa wawaluhing pantig at paggamit niya ng lalabindalawahing pantig. Ikatlo,
mayaman sa tayutay ang Florante at Laura.

Tunghayan ang halimbawa:

Nanlisik ng mata 't ang ipinagsaysay


Ay hindi ang ditsong nasa orihinal
Kundi ang winika'y ikaw na umagaw
Ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!
Gunamgunam na di napagod humipas.
Di ka naianod ng luhang mabilis;
Iyong ginugulo ang bait ko't isip
At di mo payagang payapa ang dibdib!

Sa banta ko'y siyang tantong nakatanggap


Ng sa iyo'y aking padalang kalatas,
Kaya't nang dumating sa Albanyang siyudad,
Lobong nagugutom ang kahalintulad.

Bababa sl Marte mula sa itaas.


Sa kailalima'y aahon ang Parcas:
Buong galit nila ay ibubulalas,
Yayakagin niring kamay kong marahas!

Napahinto rito't narinig na muli


Ang pananambiton niyang natatali,
Na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi,
Paalam ang abang kandong ng pighati.

Para sa paksa't nilalaman sa panahong iyon ay kahanga-hanga rin ang Florante at Laura.
Hindi lamang bukal ng kaisipan ang awit kundi umaapaw pa rin sa damdaming nakahuhubog ng
katauhan.

Basahin ang ilang saknong tungkol sa bayan:

Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


Kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga't bait ay nalulugami
Ininis sa hukay ng dusa't pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukol
Sa laot ng dagat ng kutya't linggatong
Balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing nang walang kabaong.

Hindi ba't makabuluhan ang ganitong mga linya kahit sa ating panahon? Hindi ba't ang
nilalaman nito ang dinadahilan upang maghimagsik sa pamahalaan ang marami at mamundok
naman ang ilan?
Para sa mga kabataan:

Ang taong magawi sa ligaya't aliw,


Mahina ang puso't lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna'y di na matutuhang bathin.

Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad


Sa bait at muni't sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Habag ng magulang sa irog na anak.

Pagbibigay-diin sa buhay:

Dito naniwala ang bata kong loob


Na sa mundo)' walang katuwaang lubos;
Sa minsang ligaya'y tali nang kasunod
Makapitong lumbay o hanggang matapos.

Pagpapagunita o pagbibigay-babala:

Kung ang isalubong sa iyong pagdating


ay masayang mukha 't may pakitang giliw,
Lalong pakaiingan kaaway na lihim
Siyang isaisip na kakabakahin.
4. Awiting-bayan
Isa sa mga tipo ng panitikan na pinasukan ng mga pagbabago ng mga Kastila sa
pagkaunawa nilang bahagi ito ng ating tradisyon at magpapatuloy kahit pa nila hadlangan ang
pagkakalat nito. Maraming awiting-bayan ang napilayan ng mga sukat, nagkasungki- sungki ang
mga tugma at nabasag ang tono ng liriko dahil sa pagpapasok ng paksang relihiyon at dayuhang
kultura. Ngunit kahit binudburan ang mga awiting-bayang ito ng mga idyoma, sambitlain at mga
salitang Kastila, parang dalaga ito na nagpatuloy sa kahinhinan at hindi napingasan ng
kagandahan.

Atin Cu Pung Singsing


(Kapampangan-Rehiyon III)

Atin cu pong singsing,


Metung yng timpucan
Amana que ito
Qang indung ibatan;
Sangcang queng sininup,
Qung metung acaban
Mewalaya iti
Ecu camalayan.

(Salin sa Tagalog)
Meron akong singsing
May batang maningning;
Na bigay sa akin
Nang mahal kong inay;
Kahit sa dibdib ko nakatago
Nawala kaya ako'y nalungkot
Luha'y luınagaslas
Sa langit narinig.

Dandansoy
(Cebu-Rehiyon VI)

Dandansoy, bayaan ta icao


Pauli aco sa Payao,
Ugaling con icao hidlaoun
Ang Payao imo lang lantaoun.

(Salin sa Tagalog)

Dandansoy, kita ay iiwan,


Patungo ako sa Payao
Kung hahanapin ako't
ikay mamanglaw,
Sa dako ng Payao
ikaw ay tumanaw.

Si Nanay si Tatay Di Co-Babayaan


(Bicol-Rehiyon V)

Si Nanay, si Tatay, di co babayaan.


Balakid na boo't ang sa coyang utang;
Si pagdara su co ning siam na bulan
Gatas na dinodo, di co mabayadan.

(Salin sa Tagalog)

Si Nanay, si Tatay, di ko babayaan


Utang ko sa kanila'y di co mabayaran
Malilimot ko ba aruga ni Nanay
Minahal n'ya ako mula kamusmusan.

Narito ang isang mapanuligsang kantahing-bayan ng Tagałog (Rehiyon IV).

Aba; estandarte (bandila)


Ng kutsara't sandok
Aba, estandarte
Ng pingga't palayok.
Tigilan lang ninyo
Ang higop sa mangkok
Alang-alang man lang
Sa nilagang manok.

Dulaan: Libangan at Pananampalataya


May matatandang ritwal at seremonya na kaugnay ng buhay ng mga katutubo, tulad ng
pag-aani, paghingi ng pabor sa mga anito, pagbabaguntao at pagdadalaga. Sinikap sugpuin ang
mga ito ng mga Kastila upang mangibabaw ang dala nilang mga palabas na hindi lamang
nagpapakita ng kanilang kultura kundi nagtatanim ng relihiyon sa kamalayan ng mga balana.
Naakit sa mga sentro ng populasyon ang mga manonood sa pagtatanghal na makulay,
maaksiyon, kasabik-sabik at nag-iiwan ng impresyon at aral. Samantala, nagpatuloy sa
katutubong mga minorya ang kanilang mga nakagisnang pagtatanghal.
Sa panahon ng mga Kastila, may tatlong klase ng dula ayon sa pinagtatanghalan: dulang
pantahanan, dulang panlansangan at dulang pangtanghalan. Sa mga dulang pantahanan, kilala
ang karagatan, duplo, huego de prenda at pamanhikan. Karaniwang itinatanghal -ito bilang
panlibangan o pang-aliwan.

A. Mga Dulang Pantahanan


1. Karagatan
Tawag sa isang laro ng mga dalaga at binata sa mga pagtitipong panggabi, tulad ng
kasalan, kaarawan at lamay sa patay.
Batay ang larong ito sa isang alamat tungkol sa pagkawala ng singsing ng isang prinsesa
na ipinamalita sa buong kaharian. Kung sino ang makasisid ng singsing sa dagat ay pakakasalan
ng nasabing prinsesa. Sa aktwal na taro, isang matalinghagang tanong o palaisipan ang
ipahahayag ng isang dalaga. Isang tagapamagitan na karaniwang matanda ang magpapaikot ng
isang lumbo (parang tabo) sa harap ng nagkakatipong mga binata at kung sino ang matapatan
ng hawakan nito ang sasagot sa tanong ng dalaga. Karaniwang ang mga kasama sa larong ito
ay ipinalalagay na nanliligaw sa nagpapahayag sa dalaga.
Ganito ang pagpapalitan ng mga pangungusap:

Dalaga: Kung totoong tapat ka sa iyong minamahal, maitanong ko ang bagay na


ito, "Magmula ba sa kanto hanggang sa aming bahay, ilang ilaw sa mga bahay ang nakita
mo?"
Paiikutin ang lumbo at pagtigil sa natapatan, tatawagin ito ng tagapamagitan.
Tandang Berong: Juanito, sagutin ang tanong ni Neneng.
Juanito (Mag-iisip, saka sasagot): magmula sa kanto hanggang sa lugar na ito,
pitong bahay at pitong ilaw ng nakita ko.
Tawanan at kantiyawan ang maaaring maging reaksiyon ng mga nagtitipon.
Paiikutin uli ang lumbo at tatawagin ang isa pang binata na natapatan nito.
Tandang Berong: Carling, ano naman ang sagot mo?
Carling (walang gatol na sasagot): Hindi ko po matiyak, pero limang bahay lang ang
nabilang ko mula sa kanto.
Umugong ang sabay-sabay na usapan ng mga binata at dalaga. Paiikutin uli ang
lumbo at matatapatan ang isang binata, kaya magsasalita si Tandang Berong.
Tandang Berong: Ikaw naman, Pepito, ano ang masasabi mo?
Pepito (buong tiwalang tatawa pa): Matagal na po akong nagdaraan sa kalyeng
'yan mula pa po nang may sinasadya na ako sa lugar na ito. At hindi po ako maaaring
magkamali. Isang ilaw lamang po ang nakikita kong Iagi at iyan ang ilaw sa bahay ni
Neneng.
Higit na malakas ang pagbulalas ng tawa at usapan ng nagkakatipon. Ang iba'y
tumayong napapasigaw. Tama ang sagot ni Pepito, sapagkat nagpapakilalang tapat
siyang manliligaw. Sa tinagal-tagal ng pagdalaw niya kay Neneng, iisa latnang ang
nakikita niya dahil doon lamang nakatuon ang kamalayan niya. Ang iba'y napapatingin pa
sa ibang "ilaw" na nangangahulugang tumitingin pa ang mga ito sa ibang dalaga sa mga
bahay doon. Kaya sa huli, si Pepito ang "nakasisid" ng singsing.

2. Pamanhikan
Pamanhikan naman ang tawag sa palitan ng mga pangungusap ng mga miyembro ng
partido ng nobyo at ng partido ng nobya sa panahong bumisita na ang binata, kasama ng mga
kamag-anak sa bahay ng dalaga upang hingin ang kamay nito. May dala-dalang mga pagkain,
sigarilyo at iba pang mga bagay na "alay" sa mga magulang ng nobya.
Ang mahusay na halimbawa ng pamanhikan (nasa prosa o tuluyan) ay mababasa sa
kuwentong "Kung Baga sa Pamumulaklak" ni Macario Pineda, ang manunulat ng katutubong
kulay sa kanayunan na nabuhay hanggang dekada singkuwenta. Ngunit sa ibang rehiyon, may
mga manunulat din na kumatha ng pamanhikan.

3. Duplo
Ang pagtatalo at pagmamatwid na patula. Impromptu o biglaan ang sagutan dito kaya
matatawag na ito ang balagtasan ngayon. Karaniwang ginagawa ito sa mga tahanan o sa mga
lugar ng pagtitipon, at kahit na sa mga sabungan tulad noong hanggang sa bago magrebolusyon
ng 1896.
Kilalang duplero si Marcelo del Pilar na bumibigkas nito sa mga sabungan sa Malolos.
Ang nagtatagisan ng pananalita na duplero ay tinatawag na bilyako at ang duplera naman ay
tinatawag na bilyaka.
Tinatawag namang hari ang tagahatol. Kung ipinagtatangol naman ng lalaki ang isang
babae na nahatulan ng hari, tinatawag siyang embahador at berdugo ang tawag sa tagapataw
ng parusa (karaniwang pinapalo ng tsinelas na kunwa'y palmatorya).
Karaniwang paksa sa duplo ay ang pagkawala ng ibon ng han Laging mapagbibintangan
ang bilyaka. May magsusumbong sa hari a iyon ang magiging dahilan ng dupluhan.

Basahin ang halimbawang ito:

ANG IBON NG HARI


HARI: Sisimulan na ang laro. Bumilang kayo
MGA BILYAKA: Una, ikalawa, ikatlo
MGA BILYAKO: Una, ikalawa, ikatlo
HARI: Tribulasyon!
LAHAT: Tribulasyon!
HARI: Estamos en la buena compociscion.
(Tindig)

Ang komposisyon ng tanan


Ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay
Mga binibini at mga ginoo
Matanda't batang ngayo'y naririto
Malugod na bati ang tanging handog ko
Sa pagsisimula nitong larong duplo,
Ang hardin -ko'y kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pinto't patalim ang urang,
Ngunit at ang ibon kong hirang.
Ang bilyaka ang nuha't nagnakaw!

4. Huego de prenda
Huego de prendaang tawag sa larong pinagkakalibangan ng mga binata at dalaga kung
maylamay sa patay. Karaniwang magkakaharap isang mahabang dulang ang mga dalaga at
binata at silang Iahat ay kasama sa laro. Pagkaraang makapagdasal, pasisimulan ng hari
(karaniwan ay promotor ng laro) ang huego de prenda.

Narito ang isang bahagi ng laro:

HARI: Tayo'y natitipon dito upang magsaya.


Ating aliwin ang mga naulila.
Tayo'y maglaro ng "huwego de prenda
Ang mga dalaga ay pipili ng anumang ngalan ng bungangkahoy
(Ang mga binata't dalaga'y pipili ng kani-kanilang pangalan. Ang hari ay
magpapatuloy.)

Tayo ay handa nang magsimula ng laro. Ang ibon ng hari ay nakaalpas, lumipad
at dumapo sa ilang - ilang.
ILANG-ILANG: Wala rito
HARI: Saan naroon?
ILANG-ILAING: Nasa atis po.
ATIS: Wala po rito, nasa suha po.
SUHA: (Hindi iimik)
HARI: Prenda!
SUHA: Nasa sampalok po.

HARI: Prenda! Bukod sa huli, ay mali. Mga lalaki ang dapat magsabi ng ngalan ng
bulaklak at ang mga babae nama'y ngalan ng bungangkahoy. Prenda!

SUHA: Ito po. (Ibibigay ang suklay)


HARI: (Magpapatuloy) Ang ibon ng hari ay lumipad at dumapo sa kamatsili.

KAMA TSILI: Nagbalik sa Hari.


HARI: Nasa Alejandreya.

ALEHANDREYA: Nasa santol.


SANTOL: Dumapo sa rosal.
ROSAL: Sa niyog.
NIYOG: Sa pandakaki.
HARI: Prenda! Wala tayong kasaling pandakaki.

(Ibibigay ng niyog ang singsing)


Ang ibon ng hari ay dumapo sa sampaguita.

SAMPAGUITA: Wala rito. Nasa kasoy.


KASOY: Nagbalik sa pinanggalingan.

(Hindi umiimik ang sampaguita)

HARI: Prenda!

SAMPAGUITA: (Tututol) Hintay kayo. Ooh, hindi bale, Mahal na Hari, ito po ang
abaniko.

HARI: Aking mga nasasakupan, ang tatlong prenda ay husto na. Ating
parusahan ang mga prenda. Ang may-ari nito (ipakikita ang suklay) ay tutula.
SUHA: (Tutula)

B. Mga Dulang Panlansangan


Panrelihiyon ang mga dulang panlasangan, tulad ng pangangaluwa panunuluyan
(pananapatan), salubong at tibag.
1. Pangangaluluwa Kung bisperas ng Todos Los Santos o Araw ng mga Kaluluwa
May mga grupo ng kabataang lumilibot sa mga bahay-bahay at kumakanta hinggil
sa umano'y pananawagan ng mga kaluluwa. Sila ang representasyon ng mga kaluluwang
ito. Noong araw, kapag nakaawit na sila, pinatutuloy sila sa bahay at pinakakain ng mga
kakanin tulad ng suman, kalamay, biko at iba pa. Nang maging mahirap ang buhay at ang
seguridad ay walang katiyakan, perang sensilyo na ang inihahagis ng maybahay sa mga
umaawit.

2. Panunuluyan Bilang pagpapahalagang pananampalataya sa pagsilang ng Sanggol na si


Hesus
Isinabuhay ng mga Kastila ang panunuluyan (pananapatan). Isang dula ito batay
sa Bibliya tungkol sa hirap ng mag-asawang Jose at Maria sa paghahanap ng matutuluyan
nang gabing umuwi sila sa Betlehem bilang pagsunod sa utos ng emperador na si
Augustus Caesar ng Roma na magpalista sa sariling bayan ang lahat ng mga
mamamayan. Walang matuluyan, napilitan ang dalawa na magpalipas ng gabi sa
ipinagmagandang-loob sa kanilang kuwadra ng kabayo at silungan ng mga tupa. Doon
isinilang si Hesus ng nagdadalangtaong si Maria. Naging tradisyon na kung Kapaskuhan
ang pagsasadula ng ganitong palitan ng patulang usapan ni Jose at ng tinatapatan nilang
may-ari ng bahay.

3. Salubong Pinauso rin ang salubong ng mga Kastila


Isang dula tungkol naman sa naganap na "himala" nang maglaho ang bangkay
Niya sa pinaglibingang kuweba. Binubuhay ang pagkakita ni Inang Maria Hesus noong
umaga ng kinabukasan bago Siya umakyat sa langit. May idinaraos na prusisyon na ang
mga istatwa nina Hesus at Inang Maria ay magsasalubong sa patyo ng simbahan o saan
mang lugar na mapagkasunduan ng mga kalahok dito. Isang batang kinabitan ng pakpak
ng anghel ang ibaba mula sa isang tayakad (andamyo) representasyon ng anghel na
umaawit sa pagkikita ng Banal na Mag-ina bago tuluyang pumiling si Hesus sa Diyos
Ama.

4. Tibag
Ang santakrusan ngayon ang dating tinatawag na tibag. Batay naman ito nang maging
Kristiyano na ang Roma mula sa pagiging pagano nito. Bunga ng ganitong pangyayari, si
Emperatriz Elena ang bumalikat ng mga tungkulin bilang pinuno ng estadong siyudad dahil bata
pa lamang si Haring Constantino. Nang panahong iyon, pararangalan na si Hesus ng mga alagad
niyang nagsilitaw na mula sa pagtatago. Kaugnay nito, hinanap ni Emperatriz Elena ang krus na
pinagpakuan kay Kristo. Matagal nang tinabunan ang mga lambak sa Herus%lem at kasamang
nabaon na sa lupa ang krus na pinagpakuan kay Hesus. Tinawag na tibag ang paghuhukay sa
krus na iyon.

C. Mga Dulang Pang-entablado o Pantanghalan


Mga dulang pang-entablado o pantanghalan ang itinatanghal sa malalaking okasyon
noong panahon ng mga Kastila. Dinadagsa ng mga Kristiyano ang ganitong mga palabas, tulad
ng sinakulo (cenaculo) at moro-moro (komedya).
1. Sinakulo
Kung kuwaresma itinatanghal ang sinakulo na mauugat sa pasyon, ang pagbasa ng
buhay ni Kristo mula sa Kanyang pagsilang, pangangaral hanggang sa pagpapako sa krus at
resureksiyon. Mga tatlo hanggang walong gabi ang pagtatanghal ng sinakulo, ngunit may mga
pinaikling bersiyon tulad ng hudyuhan (Laguna), pagtaltal (lloilo) at pamalondong (Leyte) na
ginagawa ng ilang oras sa mga lansangan, karaniwang sa Biyernes Santo.
Sa panahon ng aktibismo (dekada sisenta-sitenta), ang sinakulo (tinawag na ka/baryo) ay
nilamnan ng kabuluhang panlipunan— ang pagpapakasakit ng masang Pilipino laban sa
karukhaan, kamangmangan at inhustisya, kaya itinanghal nang mabilisan sa mga sulok-sulok ng
komunidad o sa kanto ng mga lansangan.

2. Moro-moro
Mula ang moro-moro sa comedia, ang pambansang kaanyuan ng dula ng Espanya na
pinasimulan ng manunulat na si Lope de Vega noong ika-16 na siglo. Verso, loa (papuri) at
entremes (patikim), kasama ang sayaw ang mga sangkap na hinango sa Kastila ng komedya ng
Pilipinas. (Tiongson, 3:1999). Malawak din ang paksa nito: pang-araw-araw na buhay, buhay-
santo at buhay-kamaharlikaan, mitolohiya at kaalamang bayan. Palawig-lawig (di malaman kung
kailan matatapos), at lubhang makatinag-damdamin ang banghay nito, pare-pareho ang mga
katangian ng mga tauhan nito, at naayon sa pananaw ng mga institusyon ng bansa nito ang tema
(paksang-diwa) nito. Dahil Katoliko ang Espanya, pinahahalagahan ng mga mamamayan nito
ang pananampalataya, malinis at tapat na pag-ibig at dangal ng tao. Kaya ang mga nabanggit
ang maaasahang nilalaman ng mga komedya na naging palasak sa Pilipinas. Dahil din sa
pagbibigay-diin ng simbahang Katoliko sa kumbersiyon ng katutubong Muslim sa Kristiyanismo
sa ano mang paraan, naging popular na tunggalian (conflict) sa banghay ng komedya ang
paglalaban ng mga Moro at Kristiyano.
Ginagawa ang pagtatanghal ng komedya sa Iligan City tuwing Setyembre 29, bilang isa
sa mga tampok sa pagdiriwang ng kapistahan ng Patron doon, si San Miguel de Arcangel. Ang
tatlo pang tampok ay ang Pagkanaug (Pagbababa sa altar ng estatwa ni San Miguel), sinulog
(pagdiriwang sa pamamagitan ng mga pagsayaw) at diandi (kasunduan) bilang bahagi ng panaad
(panata) sa pagsali sa pagdiriw kapistahan upang makatanggap ng mga biyaya mula sa Diyos

3. Karilyo
Karilyo naman ang tawag sa Iarong ang mga aninong yari sa karton ay makikita sa puting
tabing. Umaarte ang mga aninong ito at nagkakaroon pa ng diyalogo. May manipulasyon
siyempre ito ng nagpapalabas. Hinahango ang mga paksa ng istorya nito sa maalamat na
salaysay, awit o kaya'y korido. Ginagawang libangan ito lalo na kung nagtatapos na ang anihan.
Nang dumating ang mga Amerikano, hindi ang mga aninong yari sa karton ang makikita
sa puting tabing. Mga totoong tao na ang umaarte at nagsasalita na ang mga anino nilang
pinanonood. Higit na mahusay itong palabas na ito kaysa noong panahon ng mga Kastila.
Ngayon, ito ang tinatawag na puppet show.

You might also like