You are on page 1of 11

I.

Pamagat: QUANTUM MERUIT

II. Manunulat: CHARMAINE LASAR

Mas kilala bilang Maine o justmainey, ay naniniwalang ang

pinakamabisang gamot sa writer's block ay deadline; na mas

ginaganahan siyang magsulat kapag may hinahabol na oras,

sabayan pa ng katakut-takot na pressure at stress.

Kaya naman hindi na kataka takabg nahilig siya sa pagsali

sa ibat ibang paligsahan sa pagsusulat kung saan mapalad niyang

naipanalo ang ilan. Naiuei niya ang natatanging gantimpala sa

pagsukat ng nobelasa 65th Carlos Palanca Memorial Awards for

Literature at unang gantimpala sa pagsulat ng maikling kuwento sa

Saranggola Blog Awards 2014. Nagwagi rin ang isa sa kanyang

mga akda bilang Most Voted, Most Shared, Most Commented at

Most Recommended Story sa Tagalog Romance Novel Writing

Contest.

Ang mga karanasan niyang ito at ang komento ng mga

kritiko ang ginagamit niya upang mas lalong mapagbuti ang

kanyang mga akda.

Pangarap niyang maging isang Certified Public

Accountant, entreprenuer, published author at manalo sa Palanca.

May dalawa nang natupad kaya malapit na siyang maniwalang

may invisible agimat na nakadikit sa balat niya.


III. Uri ng Panitikan: NOBELA

IV. Tauhan:

 Protagonista:

•Shaira- isang simple babae na hilig mapag-isa, kapatid ni Dion, kabarkada nila Lirika,

Charmaine, Bryan, at Freya. Isang tahimik na babaeng may nililihim na inggit

sa kaibigan niyang si Freya. Gumawa ng fake account gamit ang mukha ni

Lirika.

•Lirika- isa sa mga magkakaibigan na tahimik din at mabait. Siya ang kauna-unahang

naging biktima ng kasamaan ni Charmaine.

•Freya- isang babaeng walang ibang hinangad kundi ang kasiyahan ng kanyang ina na

nagtulak upang siya’y magartista. Siya ang ikalawa sa nabiktima ng kasamaan

ni Charmaine.

•Bryan- ang kaisa-isang lalaki sa magkakaibigan na balat-kayong nagkagusto umano kay

Shaira ngunit sa kaduluduluhan ay tinraydor si Shaira at akma pang papatayin

ito. Karelasyon ni Charmaine na lulong din sa droga.

•Charmaine- ang pinakaugat ng mga masalimuot na nangyari sa buhay ng

magkakaibigan. May depresyon at lulong sa droga na siyang dahilan kaya niya

nagawa niyang saktan ang sarili at sisihin ang ibang tao dahil dito. Isang dating

batang lansangan na kinupkop ng mayamang pamilya.

 Antagonista:

•Kuya Jake- ang kasintahan ni Ate Bea na isang IT expert na nakatunton kung saan ang

lugar ng kapalitn ng mga mensahe ni Shaira sa kanyang fake account.


•Ate Bea- ang pinsan na nagsilbing bantay ni Shaira noong bakasyon. Nagkataon na

kamukha si Lirika. Kasintahan ni Kuya Jake.

•Kuya Dion- mapagmahal na kuya ni Shaira na handang isakripisyo ang lahat para sa

kanyang kapatid. Nagtatrabaho bilang call center agent at ang nagpapaaral kay

Ate Bea sa kolehiyo.

V. Lugar:

 Sa bahay ng pamilya ni Shaira sa Quezon City.

 Sementeryo

 Eskwelahan

 Liblib na lugar na pinagtagpuan nina Charmaine at Shaira

 Police Station

VI. Buod:

Isang simple at tahimik na babae si Shaira na naninirahan sa isang tahimik na

subdibisyon kasama ang kanyang Kuya Dion samantalang ang kanyang mga magulang

ay kapwa nasa ibang bansa.

Bakasyon noong mga panahon na iyon at walang ibang alam gawin si Shaira

kundi ang kalikutin ang kanyang mga social media accounts. Palagi siyang pinipilit ng

kanyang Kuya Dion na lumabas ng bahay at magliwaliw kasama ang kanyang mga

kaibigan ngunit sa grupo na kinabibilangan ni Shaira kasama sina Bryan, Lirika,

Charmaine, at Freya ay alituntunin nila na walang pakialamanan sa buhay ng bawat isa

dahil sila ay indibidwal na taong tahimik na nagsama-sama upang kahit papaano’y may

makasama. Kasama rin sa kanilang alituntunin na tsaka lamang tatawag sa bawat isa

kung talagang importanteng bagay ang sasabihin.


Nang naghuhugas si Shaira ng plato ay tumunog nag kanyang telepono, sinagot

niya ito at nalamang si Freya ang nasa kabilang linya upang ipabatid sa kanya ang

masamang balita patungkol sa di makatarungang sinapit ng kaibigan nilang si Lirika na

ginahasa at pinatay sa mismo nilang bahay.

Matapos malaman ang nangyari ay binalot ng kaba at konsensiya si Shaira dahil

alam niyang may kasalanan siya sa pagkamatay ni Lirika. Gabi-gabi ay nakararanas ng

mga di maipaliwanag na pangyayari si Shaira, dumaitng sa punto kung saan

nararamdaman niyang may humahawak sa maselang parte ng kanyang pagkababae at

tumutulo ang napakaraming dugo. Ilang araw bago ilibing si Lirika ay dumalaw si Freya

kila Shaira at ipinakita ang namamaga nitong mata, lubusang ikinagulat ito ni Shaira na

agad namang tinanong kung ano ang nangyari at ang tanging naging sagot lamang ni

Freya ay si Lirika ang may gawa nito sa kanya.

Lumipas ang mga araw ay napanaginipan ni Shaira si Lirika na humihingi ng

tulong upang mapalabas ang totoong may sala, at dito nga niya iniwan ang mga katagang

“Quantum Meruitnum.”

Humingi siya ng tulogn sa kanyang mga kaibigan, lalo pa noong nawala si Freya

sa di malamang kadahilanan. Dahil sa matagal tagal na pagtutulungan ay tila nagkaroon

ng pagtingin si Bryan kay Lirika, habang si Charmiane naman ay may itinatago ring

pagtingin kay Bryan. Ngunit kasabay ng pagkakaroon ng tapang ni Shaira na hanapin ang

katotohanan ay ang di pa rin mapakaling pag-aalala ni Kuya Dion sa kanyang kapatid

kaya naman minabuti niya munang patirahin si Ate Bea, ang kanyang pinsan sa kanilang

bahay na sa mapagbirong tadhana ay kamukha pa ni Lirika, upang magkaroon ng kasama

sa bahay ang balisa niyang kapatid.


May kasintahan si Ate Bea na nangngangalang Jake na pansamantala ring nakitira

kina Shaira. Nagbigay ng kung anong takot kay Shaira si Kuya Jake dahil bumabalik sa

kanya ang ginawa niya na nagsisilbing dahialn kung bakit namatay ang kanyang

kaibigang si Lirika.

Si Shaira kasi ay gumawa ng fake account na may mukha ni Lirika, at dito niya

natagpuan si Jake, na hiningi ang address nina Lirika na agad ding binigay ito ni Shaira,

makalipas ang ilang araw matapos non ay hindi na niya nakauspa si Jake at namatay na

rin si Lirika.

Ngunit si Jake na tinutukoy ni Shaira ay kaiba sa Kuya Jake ni Ate Bea, bagkus

siya pa ang naging susi kung paano nakuha ang lugar ni Jake at natagpuan na ito ay sa

bahay nina Charmaine.

Agad-agad namang nagtungo si Bryan at Sahira sa bahay nina Charmaine, at dito

niya nakita si Charmaine na puro pasa sa katawan, at inamin nitong siya’y ampon at

minamaltratto siya ng kasalukuyan niyang pamilya. Sa parehas na araw din ay nagbigay

ng mensahe si Freya na nagsasbaing magkita sila ni Shaira sa lugar kung saan siya

nanunuluyan pansamantala. Sinabihan siya ni Bryan na huwga nang pumunta ngunit

kailangan niyang sagipin ang kanyang kaibigan.

Gabi nang pumunta siya sa kitaan nila ni Freya sa isnag lugar kung saan may

nagaganap na party ngunit pagpasok sa loob ay isnag masalimuot na tanawin ang

bubungad sa balintataw ng iyong mga mata. Nakita niya ang iba’t ibang uri ng hayop na

patay.

Nakita niya si Charmaine sa loob, at pinakita niya ang pira-pirasong katawna ni

Freya, dito niya nalaman na ito rin ang may dahilan ng pagkamatay ni Lirika, na siya ang
gumawa ng bagay na iyon kay Lirika, ngunit hindi pa doon natatapos nag lahat dhail

nang nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakas ay nakita niya si Bryan sa di kalayuan

at sinaksak siya nito, dito niya napagtanto na magksabwta ang dalawa na parehas lulong

sa droga. Ngunit nanaig pa rin ang pagmamahal ni Bryan kay Shaira at di nito nagawang

tuluyang patayin si Shaira. Nagpakamatay din si Charmaine ng malaman niyang minahal

ni Bryan si Shaira. Bago pa siya tuluyang makaalis ay nakita niya sa isnag telebisyon ang

malinaw na palabas kung paano pinatay ni Charmaine ang kanyang mga kaibigan.

Dito naging malinaw na dahil sa mental disorder at dahil sa pagkalulong sa droga

ay natutulak si Charmaine na gawin ang mga gaanong bagay at nakabubuo ng mga

pangyayari ang kanyang utak na siya’y sinasaktan ng kanyang mga magulang ngunit

hindi naman.

Sa kasalukuyang panahon ay nasa kanyang graduation si Shaira kasama ang

kanyang Kuya Dion, Ate Bea, at Kuya Jake na labis siyang ipinagmamalaki. Muli

nanaman pala niyang naalala ang pangyayair habang siya’y nasa isnag seremonya.

Matapos ang seremonya at dumalaw siya sa sementeryo upang dalawin ang kanyang mga

namayapang kaibigan. Quantum Meruit, "what one has earned.”

VII. Teoryang Panitikan :

 Sikolohikal/Saykolohikal-

Gamit ang lenteng sikolohikal, makikita mula sa nobelang aming

binasa ang kalagayan ng pag-iisip at kilos ng mga tauhan. Tuwirang

isinaad rin sa mismong akda na si Charm, ang kontrabida sa nobela na

siyang pumapatay sa kanyang mga kaibigan, ay dumaranas ng depresyon


at halusinasyon. Sa umpisa ng akda, ipinakita sa mga mambabasa ang

mabait na bahagi ng pagkatao ni Charm. Hindi mo aakalain na siya pala

ay dumaranas ng depresyon. Dahil sa ngiti at karisma na mayroon siya,

hindi napansin agad ng kanyang mga kaibigan na may masama siyang

motibo sa kanila. Sa unang serye ng pagpatay na nangyari kay Lirika, isa

sa kanyang kaibigan, mapapansing hindi pa rin nagbabago ang ugali ni

Charm, mabait pa rin siya at nakikidalamhati sa pamilya at mga kaibigang

naiwan ni Lirika. Ayon sa World Health Organization, ang depresyon ay

resulta ng maraming pinagsama-samang sanhi. Maaaring epekto ito ng

pagtrato ng ibang tao, stress, o pisikal na salik. Sa kaso ni Charm,

binanggit sa nobela na isang ulilang bata si Charm. Inampon lamang siya

ng pamilyang kanyang kasa-kasama sa kasalukuyan kaya naman

dumaranas siya ng depresyon dahil sa mga nangyari sa buhay niya. Hindi

niya alam kung bakit palagi siyang iniiwan. Kung bakit iniwan siya ng

kanyang tunay na pamilya. Idagdag pa ang mga inggit na nararamdaman

niya sa ibang tao. Kaya naman bilang bunga nito, sinasaktan niya ang

sarili niya. Umiinom siya ng anti-depressant na nireseta ng doktor para sa

kanyang karamdaman, pero dahil dito nagkakaroon siya ng mga

halusinasyon na nag-uudyok sa kanya para saktan at sugatan ang kanyang

sarili at mag-isip ng mga masasamang bagay, gaya na nga lang ng

pagpatay sa mga taong malapit sa kanya. Ayon pa sa WHO, "Ang mga

batang depressed ay kadalasang mas iritable at moody. Maaari silang

maging matigas ang ulo. Maaaring madaling magbago ang kanilang


mood mula sa kalungkutan papuntang pagka-irita o biglang galit." Gaya

ni Charm, nagiging paiba-iba ang kanyang ugali, dahilan nga rin ito

upang dumating sa puntong nasaktan niya ang pinsan ni Shaira, ang

pangunahing karakter sa nobela, at nag-iwan ng malalaking galos dito.

Hindi lamang si Charm ang kapuna-puna ang kilos sa mga tauhan. Isa na

rin dito mismo ang bidang si Shaira. Bagaman nasa matinong pag-iisip,

hindi maikakaila na puno ng inggit si Shaira sa kanyang mga kaibigan,

dahilan para nga gumawa siya ng "poser account" na may mukha ni

Lirika at hindi mukha niya, dahil mas maganda at kaaya-aya si Lirika at

madaling magustuhan ng lalaki. Iba-iba ang naipakitang katauhan at

"behavior" ng mga tauhan sa kwento. Ipinakikita sa akda na ang tao ay

nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok

na mabago o mabuo ito, gaya nga ng depresyon na siyang pinaka-ugat ng

kasamaan ni Charm at dahilan ng krimen at kamatayan ng mga mahal

niya sa buhay.

 Isa sa pinakagamitin dyanra sa mga akdang pampanitikan ang

horror/suspense na karaniwang pinagbibidahan ng kalalakihan. Kung

kaya naman, hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ang kontribusyon ng

babaeng karakter---- ang pinakapangunahing parte nila ay maging

palamuti sa isang istorya na kung saan, sila ay tatapatan ng isang lalaking

katambal upang makumpleto ang kanilang bahagi. Samantala, ang akdang

‘Quantum Meruit’ ni Charmaine Lasar ay nagpakita ng panibagong

perspektibo ukol sa naturang isyu.


Sa akdang ‘Quantum Meruit’ ni Charmaine Lasar, ang

pangunahing tauhan ay si Shaira Dela Vega. Ang akdang ito ay

nagsisiwalat ng mga paniniwalang nakagawian na. Gaya na lamang

pagsasagawa ng mga gawaing bahay na dapat ginagampanan ng mga

kababaihan pagkat masagwa raw itong tingnan kung lalaki ang gagawa at

pati na rin ang pananamit ng sunod sa moda upang maging kapansin-

pansin lamang sa mata ng mga kalalakihan. Ang bahaging ito ay

matatagpuan sa parte na kung saan pinipilt ng kuya ni Shaira na siya ang

maghugas ng plato kahit na dadalawang baso at pinggan na lamang ito.

Anumang gaan ng isang gawain, hangga’t sa may kaugnayan ito sa mga

gawaing bahay, pilit pa ring babae ang pingagawa. Kahit na nagpakita ng

kabaitan ang karakter na si Bryan, sa bandang huli ay napatunayang

pagpapanggap lamang ito upang maisakatuparang ang kanilang

masasamang plano. Ang parte rin kung saan laging pinapabatayan si

Shaira sa kaniyang kuya na si Dion, at ang pagkamatay ng karamihan sa

mga karakter na babae ay nagpapakita naman ng kanilang kahinaan at

patuloy na pagdepende sa mga lalaking karakter. Mapapansin rin na ang

mga babae ay nagamit bilang material pagkat halos lahat ng nasawing

karakter ay seksuwal na pinagsamantalahan. Hindi rin maiaalis ang parte

na kung saan nagsimula ang lahat ng suliranin ng pangunahing tauhan ni

Shaira nang naging poser siya ni Lirika na kung saan binibigyang diin ang

pagiging mababaw ng mga kababaihan.


Bagamat ninais ng awtor na si Charmaine Lasar ang baguhin ang

lente na laging nakikitaan ng isang bahagi na ang pangunahing pigura ay

lalaki, nabigo naman siyang ipakita ang tunay na kakayahan ng mga

kababaihan dahil ang nakikita sa akdang ito ay kung paano nangyayari

ang pangaalipusta sa isang babaeng karakter. Isama na rin dito ang mga

paniniwalang gaya na lamang ng pagiging mahina ng mga kababaihan na

kung saan ay nangangailangan ng suporta ng isang lalaki upang maging

kapaki-pakinabang, ang pagiging marupok ng mga kababaihan pagdating

sa pag-ibig at ang sa kanila’y pagtingin bilang mga material na bagay ay

hindi nabasag sa tekstong ito, bagamat ay mistulang nasuportahan pa nga.

VIII. Simbolismo:

•Pula- dalawa naging dahilan nito sa kuwento, ang una ay kasiyahan at ang ikalawa ay

madugong patayan kung saan nakamtam ni Lirika ang kasiyahan nang

namatay na rin ang totoong may kasalanan sa pagkamatay niya.

•Charmaine- siya ng nagiging simbolo ng mga taong sumasailalim sa depresyon, mga

lulong sa droga na nagtutulak sa kanilang gumawa ng mga bagay na hindi

makatao.

•Laptop at Internet- ito ang sumisimbolo sa panganib na nagaantay sa atin sa social media

dahil sa hindi natin maayos na paggamit nito.

•Bryan- siya ang nagsisilbing ahas sa istorya na inaaakalang may magandang layunin

ngunit sa huli'y bigla bigla kang tutuklawin.


•Jake- Siya ang sumisimbolo sa mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng mga taong

gumagamit ng social media.

•Party kung saan pinapunta si Shaira ni Charmaine- sinasabi sa lugar na ito na kahit ang

pinakamasayang lugar o pangyyari sa ating buhay ay may kalakip ding

malagim na sikreto.

You might also like