You are on page 1of 2

Uri ng Panitikan

1. Pasalindila-ang anyo ng panitikang ang paglilipat ay naisasagawa sa pamamagitan ng


bibig, o dila. Halimbawa nito ay alamat, mito, kwentong-bayan, karunungang bayan, at
mga awiting bayan.
2. Pasalinsulat-naisatitik ang ating sinaunang panitikan nang matutuhan ng mga katutubo
ang paraan ng pagsulat.
3. Pasalintroniko- ang dating mga titik na nalilimbag ng mga simpleng makinilya ay
napalitan nan g mga sopistikadong kompyuter. Higit na madali at mabilis ang trabaho
sa kompyuter
Anyo ng Panitikan
May dalawang anyo ang panitikan: Patula at Tuluyan. Ang panitikang patula ay masining
na pagsasama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod. Ito’y maaaring may sukat at tugma o
malayang taludturan. Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak at direktang
paglalahad ng mga kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.

Mga Uri ng Akdang Patula


1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin- Tinatawag ding tula ng puso, nagsasaad ng marubdob
na karanasan, guniguni o damdamin ng may-akda.
a. Dalit- tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
b. Soneto-tulang may 14 na taludtod na nagsasaad ng mga aral sa buhay.
c. Elehiya- ang paksa nito ay alaala ng isang namatay. Ito ay isang uri ng panaghoy o
panangis.
d. Oda- pumupuri sa kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng tao.
e. Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan at iba pa.
f. Pastoral- tulang naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.

2. Tulang Pasalaysay- ito ay tulang may kwento at may mga tauhang gumagalaw. Ang kagitingan
ng mga bayani sa pakikidigma ang mga paksa nito.
a. Epiko- mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga
kaaway. Ito ay may mga tagpong hindi kapani-paniwala.
b. Awit at korido- ang mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang
tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may 12 pantig
samantalang ang korido ay may 8 pantig.
c. Balad- tulang inaawit habang sumasayaw.

3. Tulang Patnigan
a. Karagatan- paligsahan sa pagbigkas ng tula na hango sa isang singsing ng prinsesa na
nahulog sa dagat. Kung sino ang makasisid ng singsing sa pamamagitan ng pagtula ay may
pahintulot na manligaw sa binibini na kalahok dito.
b. Duplo- paligsahan sa tula na ginaganap sa ika-9 ng gabi sa bakuran ng namatayan
matapos malibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito.
c. Ensilada- isang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan.
Ginagawa ito gabi-gabi hanggang sa ika-9 na gabi.
d. Balagtasan- tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa paraang patula.

4. Tulang Pandulaan- Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.

Mga Halimbawa ng Akdang Tuluyan

1. Maikling Kwento- naglalahad ng natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang


pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
2. Sanaysay- naglalahad ng kurukuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggil sa
paksa.
3. Talambuhay- isang kathang natutungkol sa buhay ng may-akda o buhay ng isang tao na
isinulat ng iba.
4. Dula- isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan
ng mga usapan o dayalogo at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang
tanghalan.
5. Nobela-Isang mahabang salaysaying nahahati sa sa mga kabanata. Hango sa tunay na
buhay ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
6. Pabula- Mga salaysaying hubad sa katotohanan na natutungkol sa mga hayop.
7. Balita- Isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyaari sa lipunan, pamahalaan,
industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa
ibayong dagat.
8. Talumpati- Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
9. Alamat- Mga salaysaying hubad sa katotohanan na natutungkol sa pinagmulan ng bagay,
hayop, pook at iba pa.
10. Parabula- Ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na may layuning magbigay-aral sa
mga mambabasa o tgapakinig.

You might also like