You are on page 1of 23

INTRODUKSYON

SA PANITIKAN
Modyul 1

01 / 19
LAYUNIN

01 02 03
Matukoy ang iba't Mapahalagahan Maunawaan ang
ibang uri ng ang iba't ibang papel ng
panitikan anyo ng panitikan panitikan sa
lipunan
ANO ANG
PANITIKAN?

ARROGANTE (1983)
Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.
ANO ANG
PANITIKAN?

SALAZAR (1995)
Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa
alinmang uri ng lipunan.

Halimbawa: "Uncle Tom's Cabin" sa Amerika


ANO ANG
PANITIKAN?

WEBSTER (1947)
Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng maikling
pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigdang
kaisipan at kawalang-maliw.
URI NG PANITIKAN
URI NG
PANITIKAN
Batay sa Pagsasalin

1. PASALIN-DILA
Ito ay nasasalin sa pamamagitan ng bibig ng tao.

Halimbawa: epiko, awiting bayan, alamat, kasabihan,


salawikain, bugtong, palaisipan
URI NG
PANITIKAN
Batay sa Pagsasalin

2. PASULAT
Naging paraan ng pagsasalin ng panitikan mula
nang matutunan ang pagsulat. Lalong yumaman
ang panitika nang maimbento ang paglilimbag o
pagsasaaklat
URI NG
PANITIKAN
Batay sa Anyo

1. TULUYAN/PROSA
Tuluyan ang panitikan kung nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap at sa
patalatang paraan.
URI NG
PANITIKAN
Batay sa Anyo

2. PATULA
Patula ang panitikan kung nasusulat sa
taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay
maaaring may sukat o tugma o dili kaya'y may
malayang taludturan.
MGA AKDANG TULUYAN
1. Nobela - mahabang salaysayin

ng mga kawing-kawing na

pangyayari na naganap sa

mahabang saklaw ng panahon,

kinasasangkutan ng maraming

tauhan at nahahati sa kabanata


MGA AKDANG TULUYAN
2. Mailking Kwento - salaysay ng

isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang

tauhan at may isang kakintalan o

impresyon
MGA AKDANG TULUYAN
3. Dula- isinusulat upang itanghal sa

entablado o tanghalan

4. Alamat - salaysaying nauukol sa

pinagmulan ng mga bagay-bagay


MGA AKDANG TULUYAN
5. Pabula - salaysaying

kinasasangkutan ng mga hayop,

halaman at maging mga bagay na

walang buhay

6. Parabula - kwentong hinango sa

Banal na Kasulatan
MGA AKDANG TULUYAN
7. Anekdota - maiikling salaysaying

may layuning umaliw o magbigay-aral

sa mga mambabasa

8. Sanaysay- pagpapahayag o kuru-

kuro o opinyon ng isang may-akda

hinggil sa isang suliranin o paksa


MGA AKDANG TULUYAN

9. Talambuhay - kasaysayan ng buhay ng

isang tao

10. Balita - paglalahad ng mga pang-araw-

araw na pangyayari sa lipunan

11. Talumpati - isang pagpapahayag na

binibigkas sa harap ng mga tagapakinig


MGA AKDANG PATULA

1. Tulang pasalaysay-  kwento ng mga

pangyayari at nasusulat nang patula,

may sukat at tugma

a. epiko- tulang pasalaysay hinggil sa

kabayanihan, katapangan at

pakikipagsapalaran ng isang pangunahing

tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi

kapani-paniwala
MGA AKDANG PATULA

1. Tulang pasalaysay-  kwento ng mga

pangyayari at nasusulat nang patula,

may sukat at tugma

b. awit at korido - kinapapalooban ito ng

romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran,

kabayanihan at kataksilan at mga pantakas

sa karahasan ng katotohanan
MGA AKDANG PATULA
2. Tulang pandamdamin o liriko - tumatalakay

sa marubdob na damdamin ng may-akda o di

kaya'y ng ibang tao

a. awiting-bayan - maiikling tulang binibigkas

nang may himig

b. soneto - tulang may labing-apat na taludtod

hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang

naghahatid ng aral sa mambabasa


MGA AKDANG PATULA

c. elehiya - tulang nagpapahayag ng

panimdim sa pagyao ng isang

minamahal

d. dalit - tulang inaawit bilang pagpuri

sa Diyos o sa Mahal na Birhen


MGA AKDANG PATULA

e. pastoral - tulang naglalarawan ng

paraan ng pamumuhay sa kabukiran

f. oda - tulang paghanga o pagpuri

sa isang bagay
MGA AKDANG PATULA
3. tulang padula o dramatiko -

tulang isinasadula sa entablado o

iba pang tanghalan

4. tulang patnigan- laro o

paligsahang patula na noo'y

karaniwang isinasagawa sa bakuran

ng namatayan
SANGGUNIAN

Villafuerte, P. & Bernales, R.


(2019). Perspektibong Historikal
ng Panitikan ng
Pilipinas. Malabon City: Mutya
Publishing House.

You might also like