You are on page 1of 2

Judisah Marie G.

Cabios BSEd 3 Filipino


20, 2016

September

A. Paano kung
1. Hindi pinanindigan ni Delfin ang pagdadalantao ni Meni?
Ayon sa Tatlong Batas ng Pagkilos ni Newton, ang isang bagay ay hindi
maisasakatuparan kung walang pwersang nag-uudyok dito. Katulad sa buhay,
may mga bagay tayong nagagawa dahil sa mga puwersang nakapaligid sa
atin.
Kung hindi man paninindigan ni Delfin ang kanyang magiging supling
kay Meni, isa sa mga mahihinuha natin ay maaaring ipalaglag niya ang
sanggol. Bakit? Sapagkat una, ang babae ay mahina, katulad ni Meni, hindi
natin masisiguro ang kanyang nararamdaman nang malaman niyang siya ay
buntis. Kahalo pa nito ang matinding pagsalungat ng sariling ama sa lalaking
iniibig, si Delfin.
Isang hinuha rin ay maaaring tanggapin na lamang ni Meni at magisang buhayin ang anak sapagkat nakaririwasa rin naman siya buhay. Ang
lahat ng sugat ay gumagaling sa tamang panahon. Matutunan din naming
tanggapin ng kanyang ama ang sanggol na ipinagdadalantao ni Meni, para na
rin sa kapakanan ng sariling anak at sa panunumbalik ng relasyon nilang
mag-ama.
Isang matapang at mahusay na desisyon ang ginawa ni Delfin ayon sa
pagkakasulat ni Lope K. Santos. Pinanindigan niya ang anak at inako ang
lahat ng responsibilidad bilang isang ama. Ang tunay na lalaki ay di
tumatalikod sa kahit anong hamon ng buhay lalo na sa kanyang mga
pinakamamahal.

2. Sumabog ang lampara sa kasal ni Paulita Gomez?


Ang pagtatangka ni Simoun na pagpuksa sa mga nakatataas na mga
kastila sa kasal nina Paulita at Juanito Pelaez ay hudyat ng rebolusyon at
pagnanais na kumawala sa mapang-abusong rehimen.
Kung nahuli man si Isagani na ihagis at ipagbigay alam na ang
lamparang regalo ni Simoun sa bagong-kasal, marahil ay marami ang
namatay at napinsala. Isa itong malaking hinagpis lalo na sa mag-anak ng
bagong kasal na pumanaw na nang hindi nasisilayan ang tunay na
kagandahan ng buhay. Marami rin ang matatakot at mangangamba sa
kanilang kaligtasan. Ngunit ang malungkot na katotohanan, ang mga taong
ito ay ginamit lamang ni Simoun upang maisakatuparan ang makasariling
balak.
Isa pa rito ay marahil sa simula ay magtagumpay ang mga binabalak
ni Simoun na lipulin at pabagsakin ang mga marahas at di-makatarungang

Kastila. Ngunit alam naman natin na kulang sa kakayahan ang mga Pilipino at
ang mga kasangkapan upang makidigma ay hindi rin sapat.

B. Linya mula sa Banaag at Sikat

Sa akin palang bayan ay may banaag na ang sikat ng bagong


umaga.
-

Rupuerto

Banaag ay ang mumunting liwanag na patutungo sa isang pagsikat.


Pag-usbong.
Sa pahayag ni Rupuerto, unti-unti niya nang namamalas ang banaag
ng pagbabago sa kanyang bayan. Sa pagkamatay ni Don Ramon dahil sa
kalupitan nito at sa mga panunuligsa ng kapwa mamamahayag kay Delfin,
ang mga inapakang tao ay unti-unting bumangon at ipinaglaban ang kanikanilang mga karapatan.
Namuhay rin sa isip ni Meni na hindi niya na kailangan pa ang
kariwasaang inalay sa kanya ng ama upang mitaguyod ang pamilya kasama
ang asawang si Delfin. Si Felipe, sa kabilang dako ay binalaan ang mga
mayayaman sa mga maaaring mangyari kapag ang mga ito ay hindi tumigil
sa pag-aglahi sa mga nakabababa sa kanila.
Ang mga patunay na ito ay nagsisilbing paalala na hindi sa lahat ng
oras, ang mas may kapangyarihan ang lagging nagwawagi. Sa kahit anong
lugar, sa kahit anong sitwasyon, laging naghahari ang pagbabago, ang
pagbabago para sa nakararami. Ang pagbabago para sa nakabubuti.

You might also like