You are on page 1of 2

Di mo masilip ang Langit

Ni Benjamin Pascual
Mga Tauhan:
Luding- mabait at mapagmahal na asawa
Asawa ni Luding- nakulong dahilan sa galit niya sa mga taong hindi tumulog sa kanyang asawa
Mga nars at doctor
Mr. at Mrs. Cajucom
Buod
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa isang pagkakamali. Sa galit niya sa mga
doctor at nars na hindi manlang tumulong sa kanyang asawa sa pinagdalhan nitong ospital na siya
mismo ang isa sa mga gumawa ay nagdilim ang paningin niya at nawala sa sariling katinuan. Sinunog
niya ang bilding ng ospital sa pag-aakalang makakaganti siya sa mga ito sa pagkawala ng kanyang anak.
Pagsusuri
Uring Pampanitikan
Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at nagsalaysay ang may-akda
ng mga pangyayari sa kwento.
Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik- isip kung saan inilahad ng may-akda ang mga
pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga pangyayari sa nagdaan niyang
karanasan. Ikinuwento ng may- akda ang dahilan ng pangunahing tauhan kung bakit ito nakulong.
Mga Dulog Pampanitikan
Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi
nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin ditto ang hindi
magagandang pag-uugali ng mga tauhan, gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.
Sosyolohikal
Ipinakita sa akda ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at ang suliranin na madalas na
makikita sa lipunan, nitong ginagalaan. Ipinakita ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayaman
kung saan madalas na makikitang inaapi ng mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa
kwento.
Sikolohikal
Ipinakikita sa akda na ang Tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nagudyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing tauhan, dahilan sa pagwawalang
bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong, nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.
Arketipal
Sa dulog pampanitikan na ito ipinakita ang ibat ibang simbolismong nakapaloob sa akda tulad ng:
Kalabaw- ito ay simbolismong Pilipino na makikita sa akda sapagkat inilahad sa akda ang katangian ng
pangunahing tauhan na pagiging masipag at matiyaga sa trabaho nito upang masustentuhan ang kanyang
pamilya. Buwaya- ito naman ay ang mga taong gahaman sa salapi o mga taong walang pakialam sa
kanilang kapwa. Ito ay sinisimbolo ng mga doctor at nars at ang mga mayayamang nakatira sa
sabdibisyon sa akda.
Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip
Ang nawala na ay hindi na maibabalik. Ito ang naikintal ko sa aking isipan matapos kong mabasa ang
kwentong ito. Bagamat alam na niyan hindi na niya maibabalik ang kanyang anak na namatay dahilan
sa mga taong walang pagpapahalaga, gumawa pa rin siya ng paraan na alam niyang hindi tama. Kaya sa
bandang huli siya rin ang nagdusa. Gayundin, sa pagsusuri ng akdang ito, napagtanto ko na hindi talaga

pantay ang antas ng pamumuhay sa ating lipunan. Ngunit magkagayon man, nararapat na bigayang
halaga ang mga taong nangangailangan ng higit na pag-unawa at pagmamalasakit.
a Bisa sa Damdamin
Matapos kong mabasa ang akdang ito, nakaramdam ako ng pagkapoot tulad ng
naramdaman ng tauhan sa akda sapagkat hindi man lang siya tinulungan ng mga taong may
kakayahang magpaanak sa kanyang asawa. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong
nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa kapwa.
b Bisa sa Kaasalan
Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Sa ginawa ng
tauhan sa akda, alam niyang hindi makatarungan ang ginawa sa kanyang asawa ngunit ngunit
mas mali pa rin ang naisip niyang paraan. Marapat na idinaan niya ito sa isang legal na
pamamaraan.

You might also like