You are on page 1of 2

Paksa: Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri Nilalaman: Sa kabuuan ng paksa, naipaliwanag ang ibat ibang dimension ng Kulturang

Popular at nabigyang diin ang gampanin nito maykaugnayan sa pagkamit ng mga tao (Filipino partikular) tungo sa gitnang uri (middle class) na estado sa buhay. Ilan sa mga natalakay may kinalaman sa Kulturang Popular ang mga sumusunod: Ito ay may limit (shelf life). Itinuturing bilang Komoditi (produkto) Nakapagbibigay aydentiti o pagkakakilanlan sa pagkatao sa pamamagitan ng pagtangkilik dito bilang isang komoditi. Nakapagtatakda ng kaibahan sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Ito ay isang uri ng makabagong intelektwal na kapital(puhunan) sa kasalukuyang panahon. Nagsisilbing panlibunang mobilidad sa pagtatakda ng pangako ng posibilidad (return of investment) Itinuturing itong hulmahan tungo sa pagkakabilang sa gitnang uring buhay na siyang nagbibigay pag- asa sa mga mahihirap. Sa pagtalakay, inilahad din ang mga dahilan kung bakit hindi praktikal na mag-invest/ mamuhunan sa hinaharap: 1.) Masyadong malawak ang hinaharap- hindi ito kayang saklawin ang predikamento ( hirap) at pinansyal na kalagayan ng kasalukuyan. 2.) Koraptib na praktis- laganap sa mga pampubliko maging pribadong mga negosyo. 3.) Pagtangkilik sa Kulturang Popular- pakiwaring ang mga uso o popular ay hindi permanente. Ipinaliwanag din kung bakit ang afecto(impact) ng kulturang popular bilang isang komoditi ay hindi pa maituturing na kolektib o kognitib Kolektib- ang kulturang popular ay itinuturing na hindi kolektib( grupo/ lupon) sapagkat ang nasasakupan nito ay lubhang malawak at iba- iba (random) gayunpamay nakapagtatakda ng pamantayan(standard). Kognitib- ang kulturang popular ay hindi rin maituturing na kognitib sapagkat ang hindi sapat na obserbahan lamang ito bagkus ay kailangang maranasan mismo ng isang tao ang proseso ng kulturang popular.

Reaksyon: Mas lumawak ang aking kabatiran tungkol sa kulturang popular nang aking mabasa ang pagtalakay dito sa ilalim ng pagsasaalang-alang sa gampanin nito sa pag-asam ng mga tao na makasampa sa gitnang uri ng buhay. Liberal ang pagkakapaliwanag sa paksang ito at ang

mensaheng ipinaaabot nitoy naging mas madaling unawain sa pamamagitan ng paglalaan ng mga halimbawang makaka-relate ang mambabasa. Gayunpaman, hindi masyadong nabigyang diin ang mahahalagang punto sapagkat lubhang napakaraming halimbawa. Masyado ring naging informal at liberal ang konstruksyon ng mga pahayag na waring ipinasasa- common sense na lamang ang mensaheng sanay mas naipaliwanag sa maikli subalit nauunawang paraan. Ang paggamit ng awtor ng mga teknikal na mga terminolohiya ay nakaragdag din sa kalituhan sa mga mambabasang kaunti pa lamang akng kaalaman sa paksa.

You might also like