You are on page 1of 21

Panitikan sa Panahon ng

Kastila
Kaligirang Pangkasaysayan

 1521- dumating sa Cebu ang unang pangkat ng


mga Kastila sa pangunguna ni Ferdinand
Magallanes.
 Ginanap sa Limasawa ang unang misa.
 Ruy Lopez de Villalobos- nagbinyag sa Pilipinas
(Felipinas o Felipenes)
 Haring Felipe II- hari ng Espanya
 1565- nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa
pamumuno ni Gobernador-heneral Miguel lopes de
Legaspi
 Layunin sa Pananakop:
 1. magpalaganap ng relihiyon
 2. magpalawak ng kolonya
 3. tumuklas ng mga sangkap pampalasa
 Pinag-aralan ng mga kastila ang wika ng mga
katutubo.
 Sinunog nila ang mga naunang panitikang Pilipino.
 Pagbabago sa Panitikan:
 1. paniniwalang kristiyano
 2. inalis ang talinghaga sa mga tula
 3. naging tatatluhing taludtod ang mga bugtong at
salawikain
 4. nagkaroon ng mga tauhang prinsesa at prinsipe,
hari at reyna, santo at santa
 5. wika, relihiyon, at kagandahang-asal ang mga
paksa
Mga Akdang Pangwika

 1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala ni Francisco


Blancas de san Jose (1610)
 2. Compedio del Arte de la Lengua Tagala ni Padre
Gaspar de San agustin (1703)
 3. Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagala ni
Padre Sebastian de Totanes (1745)
 4. Ensayo de Gramatica Hispano-Tagalo ni Padre
Toribio Minguella
 5. Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalo ni
Padre Jose Hevia
 6. Arte de la Lengua Iloco ni Padre Francisco
Lopez (1627)
 7. Arte de la Lengua Pampanga ni Padre Diego
Bergano
 Sinasabing si Agustin Albuquerque ang unang
nagsulat tungkol sa wikang Tagalog.
Mga Unang Aklat

 1. Doctrina Cristiana (1593)-nalimbag sa


pamamagitan ng silograpiko. Aklat nina Padre
Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
 2. Nuestra Senora del Rosario(1602)- akda ni
Padre Blancas de San Jose. Nalimbag sa
Pamantasan ng Sto. Tomas.
 3. Barlaan at Josaphat- akda sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja. Unang nobelang nalimbag sa
Pilipinas.
 4. Ang Pasyon-aklat na natutungkol sa
pagpapasakit ni Hesu Kristo. Mayroon itong apat
na bersyon; a. Version de Pilapil (Mariano Pilapil),
b. Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen, c.
Version de la Merced (Aniceto de la Merced), d.
Version de Guia (Luis de Guia)
 5. Ang Urbana at Felisa- sinulat ni Modesto de
Castro ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan
sa Tagalog”
Mga Dulang Panlibangan

 1. Tibag-paghahanap ni Sta. Elena sa


kinamatayang krus ni Hesus.
 2. Lagaylay-paggalang at pag-aalay ng
pagmamahal sa krus na nakuha ni Sta. Elena
 3. Senakulo-pagpapakasakit ni Hesus. Ang salitaan
ay mula sa Pasyon.
 4. Panunuluyan
 5. Panubong-pagpaparangal sa may kaarawan
 6. Karilyo
 7. Moro-Moro-kabutihan ng kristiyanismo
 8. Karagatan
 9. Duplo-paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran
 10. Kurido-tulang pasalaysay na natutungkol sa
katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at
pananampalataya
 11. Saynete-dulang panlibangan na ang paksa ay
tungkol sa kaugalian ng isang lahi.
 12. Sarsuela-isang melodrama o dulang musical na
tatatluhing yugto. Ang paksa ay tungkol sa pag-
ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam.
(“Walang Sugat”)
Panahon ng Pagbabagong Isip

 Tatlong Paring Martir


 1. Mariano Gomez
 2. Jose Burgos
 3. Jacinto Zamora
Kilusang Propaganda

 Layunin ng Propaganda
 1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa
mga Pilipino at kastila sa ilalim ng batas.
 2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
 3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang
Pilipino sa Kortes ng Espanya.
 4. Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.
 5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa
pamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga
karaingan.
Mga Taluktok ng Propaganda

 1. Jose Rizal- Hunyo 19, 1861. Nag-aral sa Ateneo


de Manila at kumuha ng medisina sa Pamantasan
ng Sto. Tomas. Gumamit ng mga sagisag na Laong
Laan at Dimasalang.
 2. Marcelo H. del Pilar- Agosto 30, 1850. Gumamit
ng mga sagisag na Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat,
at Dolores Manapat. Nagtatag ng “Diarong
Tagalog”.
 Mga Akda:
 1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
 2. Kaiigat Kayo
 3. Dasalan at Tocsohan
 3. Graciano Lopez Jaena- Disyembre 18, 1856.
Nagtatag ng “La Solidaridad”. May akda ng “Fray
Botod”.
 4. Antonio Luna
 5. Mariano Ponce
 6. Pedro Paterno
Tahasang Paghihimagsik

 1. Andres Bonifacio- “Ama ng Demokrasyang


Pilipino”, “Ama ng Katipunan”. Gumamit ng mga
sagisag na May Pag-asa, Bagumbayan, Agap-ito.
 2. Emilio Jacinto-kinikilala bilang utak ng
katipunan. Gumamit ng sagisag na Dimas Ilaw at
Pingkian. Sumulat ng Kartilya ng Katipunan.
Patnugot ng “Kalayaan” – ang pahayagan ng
katipunan.
 3. Apolinario Mabini
Quiz

 1. Sa papaanong paraan namulat at nagising ang


mga kaisipan at damdamin ng mga Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga kastila?
 2. Bakit bigo ang mga propagandista sa kanilang
mga hangarin? Magbigay ng tatlong kadahilanan.

You might also like