Professional Documents
Culture Documents
Villarosa, LPT
Mga inaasahan:
1. Malinang muli ang pag-unawa
ukol sa panitikan at kahalagahan
nito at mabigyang-linaw ang
usapin sa panunuring
pampanitikan;
2. Matalakay ang iba‘t-ibang
sangay at dulog ng panunuring
pampanitikan;
3. Maiugnay ang mga dulog
pampanitikan sa pag-aanalisa ng
iba‘t-ibang akda;
4. Maituring ang mga bahagi ng
panunuring pampanitikan at mailapat
sa pagaanalisa ng mga akda;
5. Mabigyang-halaga ang mga
pakinabang sa panunuring
pampanitikan;
6. Makita ang mga angking katangian
ng mahusay na kritiko sa panitikan; at
7. Mapahalagahan ang mga kinilalang
kritikong Pilipino at banyaga.
Ang Panunuring
Pampanitikan ay isang
malalim na pag-aaral,
pagtalakay, pagpapaliwanag
at paghimay ng mga akdang
pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat
ng ibat‘ ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa mga
malikhaing manunulat at mga
katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan
ang lubos na kaalaman sa
kathang sinusuri tulad ng
buong nilalaman ng akda,
paraan ng pagkakabuo nito
at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo.
Kinakailangan ding ang
manunuri ay may opinyong
bunga ng obhektibong
pananaw laban man o katig
sa katha, kaya mahalagang
siya ay maging matapat.
Nanggaling ang salitang panitikan
mula sa ‗pang|titik|an‘ , kung
saan ikinabit ang unlaping ―pang‖
at hulaping ―-an‖ sa salitang ugat
na titik. Ang may-bahid kanluraning
salitang literatura ang isa pang
katawagan para sa larangan ng
panitikan.Nagmula ang salitang
literatura sa salitang Latin-littera- na
nangangahulugang"titik".
Nagpapahayag ito ng damdamin at karanasan ng
isang bansa na nasusulat na makahulugan,
maganda at masining na paglalahad.
Masasalamin ito ayon sa ideya,damdamin at
isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, galit, pagkaawa, paghihiganti at iba
pa.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan,pananampalataya at mga
karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdamingtulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti,pagkasuklam, sindak at
pangamba.Ang kasaysayan ng panitikan ay
nahahalintulad sa kasaysayan ng isang bagay,
lahi, o bansa.
Noong 1983, para kay Arrogante,
―ang panitikan ay isang talaan ng
buhay ang panitikan kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga
bagay na kaugnay ng napupuna
niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na
kinabibilangan. Ginagawa ito ng
isang tao sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan‖.
Noong 1995, inilarawan ni Salazar
ang panitikan bilang, ―isang lakas
na nagpapagalaw sa lipunan.
Dinagdag pa niyang isa itong
kasangkapang makapangyarihan
na maaaring magpalaya sa isang
ideyang nagpupumiglas upang
makawala. Para sa kanya, isa rin
itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa
sangkatauhan‖
May dalawang
pangunahing layunin
ang panitikan. Una,
maipakita ang relidad
at katotohanan; at
pangalawa, makalikha
ng isa pang daigdig na
taliwas sa katotohanan.
kathang-isip (Ingles:
fiction)
hindi kathang-isip
(Ingles:non-fiction)
1. Tuluyan o Prosa (Ingles: prose) -
maluwang na pagsasama-sama ng
mga salita sa loob ng pangungusap.
Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo
ng pangungusap o pagpapahayag.
Hal: alamat, anekdota, nobela,, pabula,
parabola, maikling kwento, dula ,
sanaysay, talambuhay, talumpati,
balita, kwentong bayan.
2. Patula o panulaan (Ingles:
poetry) - pagbubuo ng
pangungusap sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa
taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang
binibilang ang mga pantig at
pagtutugmatugma ng mga dulo ng
mga taludtod sa isang saknong.
Hal: tulang pasalaysay, awit, korido at
kantahin, epiko, balad, salawikain,
butong at tanaga.
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating
mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.
Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng
isang magandang pagtakas sa realidad at
ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan
para sa mga tao.
Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong
ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan na
bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin
ang kasalukuyang sistema.
Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa
kulturang pinagmulan nito. Dahil dito,
nagiging isang magandang kasangkapan
ang panitikan upang masalamin ang
kultura at pamumuhay ng
pangkasalukuyang lipunan upang mas
maitindihan ito ng mga susunod na
henerasyon.
Isa itong uri ng mahalagang panlunas na
tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari-sariling mga
buhay, upang matugunan ang kanilang
mga suliranin, at upang maunawaan ang
diwa ng kalikasan ng pagiging makatao
Ang unang sangay ay ang Pagdulog na
may apat na uri:
1. Pormalistiko o pang-anyo - isinilang
noong 1910 at yumabong noong dekada
50 at 60, ang teoryang ito ay may
pananaw na ang akda o teksto ay dapat
suriin at pahalagahan kung ibig talagang
masukat ang kagandahan ng akda. Ang
pagbibigay pansin sa anyo ng
panitikan at ang pisikal na katangian
ng akda ang pinakaubod ng pagdulog
Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang
sumusunod:
- Nilalaman
- Kaanyuan o kayarian
- Paraan ng pagkakasulat ng akda
Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang
pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na ring
ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad
lahat ng mahahalagang bagay mula sa simula
patungo sa iba‘t-ibang elementong magkakaugnay
hanggang sa katapusan. Dapat makita kung may
ironi o paradoks o may kalabuan o may iba pang
elemento sa akda. Kung makikita ang mga
elementong ito, masasabing mahusay ang akda.
Binibigyang atensiyon din ang salita o bokabularyo
at ang kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa
pang araw-araw na salita.
Sinasabing hindi mahalaga sa
pag-unawa sa akda ang
kontekstong panlipunan,
pangkasaysayan o ang
panahong isinulat ang akda,
hindi binibigyang halaga sa
pagsusuri ang kaligiran ng
isang akda kundi ang paraan
ng pagkakasulat nito.
Mga Halimbawang Akda:
―Mga pusoongg sugatan‖ ni
Guillermo Holandez
―Manika‖ ni Cirioo Panganiban
―Uhaw ang Tigang na Lupa‖ ni
Liwayway Arceo
―Ako‘y si Bukid‖ ni Lope K. Santos
―San ang Lakad mo Ngayon, Ma? Ni
Liwayway Arceo
- Gamit ang pagdulog-moralistiko, itinuturing na
ang mga akdang pampanitikan ay may layuning
magbigay-aral sa mga mambabasa.
- sinusuri ang pagpapahalagang ginamit
- Masasabing ang pagdulog na ito ay ekstensyon
ng pagdulog-humanismo dahil sa pagbibigay-
halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng
integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na
may isip.Isa sa mga impluwensyal na kritiko na
nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa
pagdulog-moralistiko ay si Horace.
Ayon sa kanya, may dalawang bagay
na naibibigay ang tula (akda) – ang
dulce o ang aliw at kaligayahang
naipadarama ng akda; at utile o ang
aral at kaalamang naibibigay ng
akda. Masasabi, kung gayon, na
pangunahing tungkuling dapat
gampanan ng mga manunulat sa
pagdulog-moralistiko ay ang
magbigay-aliw, magsilbing guro at
tagapangaral sa kanyang lipunan.
Sa panahon ng katutubo, maituturing
na mga akdang moralistiko ang mga
salawikain, kasabihan, pabula, ilang
alamat at iba pang mga kwentong
bayan.Sa panahon ng Kastila,
naglitawan ang mga akdang tungkol
sa buhay ng mga santo‘t santa. Kilala
rin ang Florante at Laura ni 6
Francisco Balagtas sa taglay nitong
matatayog na mga kaisipang
moralistiko.
Mga Halimbawa ng
Akda:
―Lalaki sa Dilim‖ ni Benjamin C.
Pascual
―Liwanag at Dilim‖ ni Emilio
Jacinto
―Ibig kong Makita‖ ni Benigno R.
Ramos
―Florante at Laura‖ ni Francisco
Balagtas
Ang sikolohikal na pagdulog ay
nagpapakita ng isang ekspresibong
pananaw.
Ang layunin na nais ipabatid ng
panitikan na sinusuri ay ang
ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salik sa pagbuo
ng naturang pag-uugali, paniniwala,
pananaw,, pagkatao sa isang tauhan
sa kanyang akda.
Ipinalalagay sa pananaw na ito na
ang akdang pampanitikan ay
nagsisiwalat ng isip, damdamin, at
personalidad ng may-akda. Kung
gayon, inaanalisa sa pagdulog-
sikolohikal ang ugnayan ng may-
akda at ng kanyang akda. Upang
maisakatuparan ito, tulad sa
bayograpikal na pagdulog,
kailangang may kaalaman ang
mambabasa sa buhay ng may-akda.
- Sa pagdulog sosyolohikal, tinitingnan ang
akda bilang produkto ng kamalayang
panlipunan ng may-akda, kung gayon, ang
kaalaman tungkol sa kaganapang panlipunan
ang pinahahalagahan dito. Ang tao ay bahagi ng
mga institusyong panlipunan na likha rin ng tao
– pamilya, simbahan, edukasyon, batas, pulitika,
kultura, at ekonomiya. Ang mga institusyong ito
ang humuhubog sa pagkatao ng isang
indibidwal, kaya sa pagdulog na ito, sinusuri
kung paanong ang isang indibidwal ay
nahubog o hinubog ng mga institusyong ito.
Sa madaling sabi, ang ugnayan ng lipunan at
tauhan ang pokus ng pagdulog na ito.
Mga Halimbawa ng
Akda:
―Aloha‖ ni Deogracias Rosario
―Ang Igorota sa Baguio‖ ni Fausto
Galauran
―Walang Sugat‖ ni Severino Reyes
―Anak ng Dagat‖ ni Patricio Mariano
―Kasalan sa Nayon‖ ni Eleuterio Fojas
―Impeng Negro‖ ni Rogelio Sikat
―Landas sa Bahaghari‖ ni
Benjamin Pascual
―Bangkang Papel‖ ni Genoveva
Edroza Matute
―Ang Kalupi‖ ni Benjamin P.
Pascual
―Parusa‖ ni Genoveva Edroza
Matute
―Sa mga kuko ng Liwanag‖ ni
Edgardo M. Reyes
Ang pagdulog na ito ay tumutuloy sa pagsusuri
ng relasyon ng tao sa lipunan, sa pulitika,
relihiyon, at paghahanapbuhay. Maaring
magamit ang gabay na ito sa pagsusuri: