You are on page 1of 28

IBA'T - IBANG

PAGDULOG SA
PAGTUTURO NG
PANITIKAN
LAYUNIN :
 Nalalaman ang iba't -
ibang dulog sa pagtuturo
ng panitikan ;
 Naiuugnay ang mga iba't
ibang pagdulog sa
pagtuturo ng panitikan ;
 Nakagagawa ng mga
katanungan mula sa teksto
gamit ang mga pagdulog
Nagkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa
panitikan ang mga mag- aaral kung ang gurong
umaakay sa kanila upang " maranasan" ang
mga akdang panitikan ay may ganap ding
pagkakilala at pagpapahalaga sa iba't ibang
genre ng panitikan. Nais nating makawilihan ng
mga mag- aaral ang pagbabasa ng panitikan.
Subalit hindi natin maipapamahagi ang
pagkawiling ito sa panitikan kung tayo sa ating
sarili ay hindi kakikitaan ng pagkalugod sa
pagbabasa .
Kung nais nating laging nasa isipan ng mga
mag- aaral ang panitikan , kailangan handa rin
tayong bumigkas nga mga linya ng tula, kung
hindi man ng buong tula sa harap ng klase . Sa
madaling salita , kailangang ipakita natin ang
sariling interes sa panitikan kung nais nating
gustuhin ito ng ating mag- aaral. Hindi natin
maibibigay ang wala sa ating katauhan.
Sa lawak ng pagtuturo ng panitikan ay may iba't -
ibang pagdulog na maaaring gamitin ang guro.
Datapwat dapat maunawaan sa puntong ito na
walang isang pamaraan o dulog sa pag- aaral at
pagsusuri na magbibigay ng tamang
pagpapakahulugan sa binasa. Nasa porma at
nilalaman ng seleksyon ang pagpili ng angkop na
pamamaraan at dulog.
Mga Iba't ibang Dulog sa Pagtuturo ng Panitikan

Pagdulog Pagdulog
Pagdulog Pagdulog Sosyolohikal Sikolohikal
Pormalistiko Moralistiko o Historikal

Pagdulog
Pagdulog Pagdulog
Humanistiko o
Feminismo Istaylistiko
Makatao
(stylistic)
Pagdulog Pormalistiko
Sa dulog na ito ay pinagtutuunan ng pansin sa katha o
akdang pinag- aaralan ang mga elementong binubuo
sa katha. Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng
akda kung ang mga elementong taglay lamang ng
akda ang higit na pinag- uukulan ng pansin.
01
Pormalistiko ang dulog ng pag- aaral ng isang akda
inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring
kinasasangkutan ng may akda pangkasanayan man o
panlipunan.
Pagdulog Pormalistiko
Ayon kay Soledad Reyes ang paggamit ng
pormalistikong pagdulog ay napagtutuunan ng pansin
ang detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang
pagiging masining at malikhain ng komposisiyong ito.
01
Tinalakay ang magagandang pagkauugnay- ugnay ng
mga bahagi ng katha- ang tema , ang tauhan at ang
pagkakasunod-sunodng mga pangyayari sa dulog
pormalistiko.
Pagdulog Moralistiko
 Ayon sa maraming kritiko, hindi sapat na maipakita at
mapatunayan kung bakit at paano maging masining at
malikhain ang isang akda. Dapat ay ipakita ang
pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Sa
pagdulog moralistiko, pinag- aaralan ng panitikan at
may pagtatangkang gamitin ito bilang instrumento ng
pagbabago ng tao at ng lipunan.
Pagdulog Moralistiko
Hindi sapat na ilahad ang panitikan bulang salamin
ng buhay kundi manapa'y sa isang malikhain at
masining na karapatan ng manunulat ay maipakita
ang mga kaisipang moral, ang halaga ng tao, ang
kanyang karangalan at kadakilaan.
 Sa pag- aaral, ng akda ay naroroon ang moralistikong
pananaw at binigyang- diin ang layuning dakilain at
pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan.
Ngunit huwag ipagkamali na sa pag- aaral ng akda na
ginamitan ng pagdulog moralistiko ay sapat nang
itanong ng guro ang " anong aral ang nakuha sa akda" .
Dapat alamin na hindi nilikha ang masining na panitikan
upang marangal lamang at lantarang "ituro " sa
mambabasa ang wasto at dapat isalin o ugaliin.
 Ang talakay sa dulog moralistiko ay nakatuon sa
bisa ng panitikan sa kaasalan , kaisipan at
damdamin ng tao. Sa pamamagitan ng dulog na
ito, naisakatuparan ang isang mahalagang
tungkulin ng panitikan atong kay Ruskin, itaas
ang ating pagpapasya o panlasa upang makaabot
sa kanikanilang matapat at tumpak sa tunay na
buhay.
Pagdulog Sosyolohikal o Historikal
 Ang sining ay nagsisimula sa kabuuan, di
sa kawalan. Sa mga kritikong gunagamit
ng pwersa ng kasaysayan, mataman
nilang pinga- aaralan ang kaugnayan ng
may akdasa kanyang milieu( kapaligiran o
panahon) at kung paano ito tumutugon sa
pangangailangan o mga suliranin nito.
 Sa paningin ni Scott( 1965) , hanggat "
mapanatili ng panitikan ang bigkis
nito sa lipunan , ang pamaraang
sosyolohikal , mayroon man o walang
panghikayat ng isang tiyakang teorya,
ay magpapatuloy na magiging
malakas o mabisang puwersa ng
kritisismo".
 Ito'y mainam na gamitin sa pag- aaral at
oagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa
mga karanasan ng tao sa iba't - ibang
kalagayang panlipunan, pampulitika,
pangkultura at pangkabuhayan. Sinasabing ang
panitikan ay masining na pagpapahayagng
damdamin, asal at gawi ng tao batay sa mga
kapaligirang sosyo- kultural at panitikan di ang
makapangyarihang lakas na may bahaging
ginampanan sa pakikipag- ugnayang sosyo-
kultural.
 Sa pagsusuri ng mga akda ay tinatalakay ang
mga kalagayang sosyal, ang nga sitwasyong
nag- uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa
ganoon at ganitong buhay; mga pagkakataong
nagiging sanhi o bunga gaya ng nga pang-aapi
at pagka- api, pagkaduhagi, kaimbihan o dili
kaya'y ng kadakilaan, kagitingan,
kabayanihanng isang tao o pangkat ng tao. Sa
ganitong dulog, ang sitema ng pagpapahalaga
sa lipunanang binibigyang- pukos.
Pagdulog
Sikolohikal
Ang sikolohikal na pagdulog ay maituturing na isang susi
sa pag- unawa sa mga paraan ng sining, sa mga
nakakubling layunin ng nga manlilikha at mga motibo ng
mga tauhansa isang akda . Tinalakay sa mga akda ang
mga damdaming namayani sa mga tauhan gaya ang
pagmamahal, paghanga , pagdakila, gayundin ang mga
negatibong damdamin ng pangamba , takot, galit,
pagkabigo, at iba pa Mahalagang masuri ang emosyon at
makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal.
Sa kaisipang Fruedian, sinasabing patuloy na hahanap-
hanapin ang nakagawian na o paulit- ulit na kilos o gawi
ng tao. Diyan naglundo ang pagkalinang ng damdaming
emosyunalat diyan din umuusbong ang mga suliraning
sikolohikal.
Pagdulog
Sikolohikal

 Sa dulog sikolohikal, malakas ang tulak na ibinibigay ng


mga kaisipang inilahad ni Frued hinggil sa pagkalinang
na emosyunal ng isang tao. Sang - ayon kay Frued ang
bukal na mayamang guni-guni ng tao, ng kaniyang
kaisipan at mga mulaan at danhi ng kaniyang asal at
kilos ay naroon na at nakaimbak sa bahagi ng isipang di
namamalayan ( subconscious) .
 Si Freud ang nagpakilala ng kaisipang Oedipus
Complex mula sa dula ni Sophocles na Oedipus Rex ,
na pagkakaroon ng katawang damdamin / pagmamahal
ng anak na lalaki sa kanyang ina. Ngunit sa maayos at
notmal na paglaki at pagkakaisip , naglalaho ang
ganitong pagnanais , humahanap ang bata ( o ngayon
ay bagong tao na ) ng ibang pag- uukulan ng ganitong
damdamin at nalilinang ang malusog na pagkatao.
Pagdulog Feminismo
Ang feminismo ay isang pagbalikwas sa patriarkal
na sistema ng lipunan na ang lalake ang may
kontrol ng lipunan, na ang papel na ginagampanan
ng babae ay tagasunod lamang sa lalake sa lahat
ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya,
pulitika, ekonomiya, lipunan, batas, sining
( Mendiola, 1991)
 Sa pagdulog na ito binibigyang pansinang aumusunod:
a. Ang mga manunulat na babae at ang kanilang
kakayahang lumikha ng mga obra ;
b. mga dahilan kung bakit sila kulang sa pansin;
c. ang kanilang mga akda ang tono, larawang- diwa ,
kalagayan, wikang nagtataglay ng sensibilidad at iba pa.
Babae Kami
Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Binibihisan, ikukulong
Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain
Babalatan, hihimayin

- Marra Lannot
Pagdulog Humanistiko o Makatao
Binibigyang - diin ng humanistiko o
makataong kritisismo ang
nagpapahalagang napapaloob sa
panitikan. Pinalulutang nito ang
kadakilaan , kagitingan ( o ang mga
kabalogtarang katangian) ng tao sa
kanyang pagharap sa larangan ng buhay .
 Halimbawa sa mga nobela ni Lazaro Francisco,
lalo na sa "Ama" at Maganda pa ang Daigdig ,
ang pagmamahal sa kapwa tao at pagkatakot
sa Maykapal ang lagi niyang pinaiiral. Si
Lualhati Bautista , isang feminista , ay
nagsisikap ibahin ang tradisyong ginagalawan
ng Pilipina .
 Siya ay naghihimagsik na maging kasiping o
kapiling lamang ng kabiyak., ipinaglalaban
niya ang kanyang karapatan at kaganapan
bilang isang nilalang na kapantay ng isang
lalaki, gaya ng masasalamin sa Dekada '70 at
Bata, Bata Paano ka Ginawa?
 Samantala, sakanluraning panitikan, iginiit
lagi ni Hemingway na ang yao ay di magagapi
ng mga puwersabg malawak at malaki sa
kanya , tulad ng paninindigang isiniwalat sa
mga trahedyang Griyego .
Pagdulog Istaylistiko (Stylistic)
 Isang magandang pamamaraan sa pagsusuri sa istilo
at mga devices na ginagamit ng awtor ang pagdulog
istaylistiko. Sa dulog na ito, maaaring suriin ang
wikang ginagamit ng awtor ( kolokyal, pormal, balbal,
at iba pa); ang paningin o pananaw ng pagkasulat ng
akda ( unang panauhan, ikatlong panauhan, at iba
pa); ang paraan ng paglalarawan ng tauhan at
ganapan ng kilos; ang mga tayutay ng ginagamit ; at
iba pang mga prosodic devices na makapagpanayam
ng kahulugan tulad ng tono , diin, antala at haba sa
pagbasa ng mga salita.
Maraming
Salamat!

You might also like