You are on page 1of 3

Mga Dulog sa Panunuring Pampanitikan

Dulog. Ayon kay Anthony, ito ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa
kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtuturo.

 Dulog Pormalistiko. Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang


tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi binibigyang-diin sa teoryang
ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang
mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal.
Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na
ito.
 Dulog Moralistiko. Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama
at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
 Dulog Sikolohikal. Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa
mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga
negatibong damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa.
Mahalagang masuri ang emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng
indibidwal.

Mga Teoryang Pampanitikan

Teorya. Isang sistematikong pag-aaral at ang mga paraan sa pag-aaral ng


panitikan na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan kabilang ang layunin ng
may-akda sa pagsulat.

 BAYOGRAPIKAL. Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o


kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal
ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

 HISTORIKAL. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng


tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog.
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng
mundo.
 KLASISMO. Teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya. Mas higit na
pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin. Ipinahahayag ng klasismo na
ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang dako ay nangyayari o
nagaganap parin sa kasalukuyan. Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan
sa pinakamataas patungo sa pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas
matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan.

 ROMANTISISMO.  Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang


paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan. Binibigyang halaga ang indibidwalismo,
rebolusyon, imahinasyon at likas. Pagtakas mula sa realidad o katotohanan.

 HUMANISMO. Ito ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento


(Renaissance). Ito ay nagmula sa salitang ingles na “human” o tao sa Filipino.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.
Binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento at iba pa. 

 FORMALISMO. Layunin ng pagsusuring Formalismo ang pagbibigay pansin sa


anyo ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng
teoryang ito. Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang nilalaman,
kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.

 SIKO-ANALITIKO.  Sa teoryang pampanitikan na ito sinasabi na ang Tanging


ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang
tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon lamang ng maturidad
ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.

 EKSISTENSYALISMO. Kung pakabigyang kahulugan ang eksistensyalismo ay


isang teorya na nauugnay sa mga paniniwala at kahulugan ng buhay. Nakatuon
ang teoryang ito sa buhay ng makata at manunulat.Ang layunin ng panitikan ay
ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili
na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

 IMAHISMO. Layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na


maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang
ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga
imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
 FEMINISMO. Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

 NATURALISMO.

 ARKETIPAL.

 SOSYOLOHIKAL.

 MARKSISMO.

 DEKONSTRUKSYON.

You might also like