You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG RETORIKA

 Ay galing sa salitang Griyego na  RHETOR na nangangahulugang guro o maestro o


mahusay na mananalumpati o orador.
 Bilang isang disiplina ng pag-aaral, ito ay tumutukoy  sa agham at sining  ng
pagpapahayag  maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto at makabuluhang
paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag.
 Cecilia S. Austero, Lolita Bandril at Imelda P. De Castro( Retorika, 2000)
 Masining na pagpili ng wastong salita  sa loob ng isang pahayag.
 Mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa
wastong paggamit ng wika.
 Isang mabisang lapit  sa pagsasama-sama ng mag salita upang makabuo ng
diwang may kahulugan, lalim, kabuluhan at karikatan.
 Ang kasiningan at kahusayan sa pagpili ng salitang gagamitin sa pangungusap
upang makabuo ng kaisipan.
 Resurreccion D. Dinglasan (Retorikang Filipino, 2001)
 Isang mahalagang  karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining  ng
maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.
 Socrates (300 B.C.)
 Ang retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pag-sang-ayon.
 Aristotle
 Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o
magagamit na mga paraan ng paghimok.
 Richard Whatley
 Ito ay sining ng argumentong pagsulat.
 Jose A. Arrogante (Retorika Masining na Pagpapahayag, 2007)
 Sining ng epektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasa-anyong
kumbersasyon.
 Paquito Badayos (Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag, 2001)
 Sining ng epektibong pamimili ng wika at pagkakaroon ng mga alternatibo.
 Kenneth Burke
 Ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating
kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo.
 Lorenzo, Carmelita et.al
 Tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang kaalaman sa pagpapahayag.
Tumutukoy ito sa kaakit-akit, kaiga-igaya at magandang pagsasalita at pagsusulat.
 Tumangan
 Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at
magagandang pagsasalita at pagsusulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga
tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.

 Sebastian
 Isang mahalagang karunungang pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng
maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.
 Tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa, maganda at kaakit akit na
pagpapahayag.

MGA SANGKAP NG RETORIKA

1.Ang kaisipang nais ipahayag.  Pangunahing dahilan kung bakit nais nating
magpahayag ay dahil may mahalaga tayong kaisipang nais ipahayag o ibahagi sa iba.
2.Ang pagbuo o organisasyon. Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad
dahil ito ay kumakatawan sa sa kaayusan ng pagkakabuo.
3.Ang estilo ng pagpapahayag. Ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay
nakasalalay sa mag para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuan ng balarila
kungdi maging sa panitikan.

LAYUNIN NG RETORIKA

 Makapanghikayat  na gumawa ng isang bagay na ipinadaramang tama.


 Makapagpabatid ng tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa nalaman; at
 Makapang- aliw para makapagbigay- kasiyahan at kabutihan sa kapwa.

ILAN PANG MGA LAYUNING DAPAT MALAMAN SA PAG-AARAL NG


RETORIKA

 Makapagpukos ng atensyon ng tagapakinig.


 Makapagsanay sa magilas, malinaw, angkop at may panlasang pagpapahayag
 Makapagpaintinding mabuti at maliwanag
 Maikintal sa isip at loob ang diwa o kaisipang  sinasabi
 Maipagamit ang inihahayag na mensahe
 Makapagtatag ng tiwala sa sarili; at
 Makadebelop ng kritikal na pag-iisip.

You might also like