You are on page 1of 21

MAGANDANG

UMAGA PO!!!
TSAPTER 1
Ano nga ba ang retorika?

Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng


pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at
kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.
(Sebastian, 1967)
BAKIT MAHALAGANG PAG-
ARALAN ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap
ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika
upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa
mga bagaybagay.

Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika


magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon
at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit
ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa
bawat indibidwal.
 Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa
nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o
tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na Malaking
papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang
sangkap ng pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati.
 Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe
upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.
 Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o lenggwaheng
ginamit sa likod ng mga musika, pelikula, radio, pahayagan at
telebisyon.
 Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw
sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinapahatid ng mga
naturang simbolo.
-KENNETH
BUKE-
Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy
sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-
aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at
kaakit-akit na pagpapahayag.

-TUMANGAN,
SR. 13-
Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-akit
na pagpapahayag maging pasalita o pasulat.

-RUBIN
46-
Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa retorika na
ginanap sa PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod:

a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng


paghimok o pagpapasang-ayon.”
b. Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang
makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.”
c. Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento ng pagsulat.”
d. Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t
ibang pamilian o alternatibo.

Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusan ng salita ay dinidikta ng


gramatika at ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap.
Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng mga salita upang
makapaghatid ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay
sinusukat sa labas o dating ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.
KAHALAGAHAN
NG RETORIKA
ANO NGA BA ANG KAHALAGAHAN NG RETORIKA SA….

Edukasyon

Relihiyon

Pamayanan o Pulitika
ANO ANG KAHALAGAHAN
NG RETORIKA PARA SA
LAHAT?
Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga
sangkap o rekado sa isang putahe. Ito’y nakapagbibigay lasa sa
isang sulatin o kaya’y kapag ang isang tao ay may bumibigkas
gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang
tao. Ito’y pinag iisipan. Napakasarap din pakinggan ng mga
salitang ginamitan ng retorika.
Ang kaisipang gustong ipahayag
Ang pagbuo o organisasyon

SANGKAP NG
RETORIKA
Ang Istilo ng
Pagpapahayag
ANG KAISIPANG NAIS IPAHAYAG

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating


magpahayag. May mga mahahalagang kaisipang nais
ipahayag.
ANG PAGBUO O ORGANISASYON

Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad,


kumakatawan sa kahusayan ng pagkakabuo.
ANG ISTILO NG PAGPAPAHAYAG

Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang kaugnayan sa


istilo ang anyo o kaayusan ng akda o komposisiyon ay
nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag, hindi
lamang sa kawastuhan ng balarila kung ‘di maging sa
panitikan.
UGNAYAN NG WIKA,
KULTURA, AT SOSYOLOHIYA
Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kutura ng isang tao at ng
wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit,
MAGKAKAMBAL. Samakatuwid masusukat ang kultura ng tao sa
kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang
galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura.
LAYUNIN NG
MARETORIKANG
PAGPAPAHAYAG
Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating
kinabibilangan, ang tao ay makasulat nang mahusay. Kung
kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring
kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa
maangking kakayahan. Tiyak na kakailanganin pa rin ang
kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang
pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan
sa Pagsusulat at Pagsasalita.
ANG BALARILA at
ANG RETORIKA
ANG BALARILA

Ang BALARILA ay kailangan upang


magkaroon ng isang mainam at maayos na
pahayag.
Ayon kay FEDERICO B. SEBASTIAN…
“ang BALARILA ay isang agham na
tumatalakay sa mga salita at sa kanilang
pagkakaugnay-ugnay.”
Ayon kay LOPE K. SANTOS… “ang
BALARILA ay bala ng dila.”
KAUGNAYAN NG
RETORIKA sa
BALARILA

You might also like