You are on page 1of 19

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ARALIN 1 KAHULUGAN NG RETORIKA


Kahulugan ng Retorika
  galing sa salitang rhetor na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati.
  Ito ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaigaigaya at epektibong
pagsasalita at pagsulat.
  Ang retorika kung gayon ay maaring ipakahulugan sa mga sumusunod na pahayag:
  sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan,
makahikayat at kalugdan ng mga makikinig o bumabasa (Panganiban)
  Isang mabisang lapit ng pagsasaayos ng mga salita sa pagbui ng diwang may kahulugan, kabuluhan,
lalim at kariktan.
  Mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa wastong paggamit ng
wika.
LAYUNIN AT SIMULAIN NG RETORIKA
  Layunin ng retorika ang tayo’y makapagpahayag nang mahusay, pasulat o pasalita man.
  Nililinang ng retorika ang kakayahan sa pagkakaroon ng isipang mapanuri, makabuo ng mga
makabuluhang ideya, at makapamahala sa anking kakayahan. Anumang pagpapahayag na gagawin,
pasulat man o pasalita, simpleng pagbibigay ng panuto o isang pananaliksik, ay kailangan ng kahusayan
sa pagpapahayag.
  Ang prinsipyo ng retorika sa pagpapahayag: Kaisahan, Empasis o pukos at Kaugnayan ay pagtuunan
ng pansin upang matamo ang layunin ng retorika.
SANGKAP SA MAHUSAY NA PAGPAPAHAYAG ( PROPESOR FRANK L. LUCAS )
 1. Maging matapat
 2. Maging malinaw
 3. Maging tiyak, matipid sa sasabihin
 4. Sikaping magkaroon ng barayti
 5. Langkapan ng humor, talino, sigla at imahinasyon
SANGKAP NG RETORIKA
 1. Ang kaisipang gustong ipahayag. Ito ang pangunahing sangkap na retorika.
 2. Ang pagbuo o organisasyon. Ang kaayusan at lohika ng paraan ng pagpapahayag ang nagbibigay ng
sining at bias ng ipinapahayag na kaisipan.
 3. Ang istilo ng pagpapahayag. May sariling paraan o istilo ang manunulat sa pagpapahayag upang
maakit ang kaniyang tagapakinig o mambabasa.
Ang anumang istilo niya sa pagpapahayag ay tanging sa kaniya lamang.
KAHALAGAHAN NG RETORIKA
 1. Kahalagahang panrelihiyon – sa pamamagitan ng mabisang panghihikayat ay napapanatili ng mga
samahan ang kanilang mga miyembro at nakahihikayat din ng iba pang makinig at sumang-ayon sa
kanilang pinaniniwalaan.
 2. Kahalagahang pampanitikan – nakapagpapalutang ang mga manunulat ng kanilang layunin na
mapahalagahan ng indibidwal ang kanilang karanasan. Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng
manunulat ng retorika ay napapasok ng panitikan ang kamalayan ng bawat nilalang.
 3. Kahalagahang pang-ekonomiya – nakatutulong nang malaki ang retorika sa paghikayat sa mga
mamumuhunan at maging ang mga tagabili upang mapalago ang
 4. Kahalagahang pampulitika – mahalagang maiparating nang mabisa ng mga pulitiko ang anumang
programa at plataporma na kanilang ihahain sa madla.
SAKLAW NG RETORIKA
 1. Sining – Sinumang nagpapahayag ay gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay
ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa.
 2. Pilosopiya – Gumagamit ng retorika ang isang nagpapahayag upang ipakita na ang argumento niya
ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba.
 3. Lipunan – Nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa lipunan. Ang
bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa
mundong kaniyang ginagalawan.Wika – Wika ang pangunahing behikulong ginagamit sa nararamdaman
at naiisip. Kung gayon, sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng wika.
PAGLALANGKAP NG GRAMATIKA AT RETORIKA
  Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, dalawang sangay ng katarungan ang sangkot sa pag-aaral ng
wika: Ang gramatika at ang retorika.
  Gramatika o balarila ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang pagkakaugnay-ugnay.
  Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap; ang
kawastuhan ng pangungusap na gagamitin, pasalita man o pasulat na kailangang umayon sa tamang
gramatikal istruktyur; ang kaayusan o sintaks, kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at maging ang
panahunan ng mga salita
  Retorika ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy sa kasiningan ng kaakit-akit
na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan, makahikayat at kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa.
  Ang masining na pagpapahayag ay hindi sinusukat sa hab, hindi rin sa pagiging maligoy kundi sa
bisa nito sa mambabasa o tagapakinig.
  Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa kahulugan at
damdaming ibig ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa tuntunin ng gramatika.
Samakatuwid ang sining ng pagpapahayag ay naipapamalas sa mabisang paglalangkap ng gramatika at
retorika. Ang gramatika ay gagabay sa kawastuhan ng pahayag at ang retorika naman ay titingin sa
kagandahan ng pahayag nito.
ARALIN 2 RELASYON NG BALARILA AT RETORIKA
PAGLALANGKAP NG GRAMATIKA AT RETORIKA
  Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, dalawang sangay ng katarungan ang sangkot sa pag-aaral ng
wika: Ang gramatika at ang retorika.
  Gramatika o balarila ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang pagkakaugnay-ugnay.
Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap; ang kawastuhan
ng pangungusap na gagamitin, pasalita man o pasulat na kailangang umayon sa tamang gramatikal
istruktyur; ang kaayusan o sintaks, kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at maging ang panahunan ng
mga salita.
  Retorika ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy sa kasiningan ng kaakit-akit
na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan, makahikayat at kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa.
Ang masining na pagpapahayag ay hindi sinusukat sa hab, hindi rin sa pagiging maligoy kundi sa bisa
nito sa mambabasa o tagapakinig.
  Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa kahulugan at
damdaming ibig ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa tuntunin ng gramatika.
Samakatuwid ang sining ng pagpapahayag ay naipapamalas sa mabisang paglalangkap ng gramatika at
retorika. Ang gramatika ay gagabay sa kawastuhan ng pahayag at ang retorika naman ay titingin sa
kagandahan ng pahayag nito.
WASTONG GAMIT NG “NG”
  Ano at Nino?
  Kailan? ( umaga, tanghali etc )
  Oras at pera
  Ubod ng, Puno ng, Saksakan ng / Pang-uri (hitsura)
WASTONG GAMIT NG “NANG”
  Paano, gaano, bakit?
  Ibang salita sa “Noong”
  Ibang salita sa “para” at “upang”
  Para mas masarap bigkasin ang “na”
  Katabi ng “Maaga”
  Umuulit na kilos
ARALIN 3 PAGGAMIT NG MGA RETORIKAL NA KAGAMITAN O TRANSISYUNAL NA PAGSASALITA
MGA ANYO NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Mga Katutubong Pagpapahayag
  ito ay mababakas ang mga kaugalian, asal, gawi at katangian na tanging atin lamang. Ito’y mga
kaban ng yaman ng lahing kayumanggi.
A. SALAWIKAIN
 = ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang mangaral, magpayo, at
ituwid ang mga kabataan sa tamang landas at kabutihang asal. Karaniwan itong may sukat at tugma.
Halimbawa:
“Anak na di paluhain, magulang ang patatangisin”
B. KAWIKAAN
 = ay paalaala na may dalang mensahe at aral na kadalasan ay hango sa Bibliya.
Halimbawa:
Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
C. SAWIKAIN O IDYOMA
 = ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo
ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
D. KASABIHAN
 = ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami
na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o impormasyon tungkol sa buhay at
karanasan ng tao..
Halimbawa:
Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
ARALIN 4 MGA URI NG TAYUTAY
TAYUTAY
 = Ito ay isang sinasadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
1. PAGTUTULAD (SIMILE)
 = Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari na ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, parang, kagaya at iba pa.
Hal.
Ang mata mo ay tulad ng mga bituin. Siya ay parang Diyosa sa kagandahan.
2. PAGWAWANGIS (METAPORA)
 = Paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya at iba pa.
Hal. matabituinAng mo ay mga .
 Siya ay Diyosa sa kagandahan.
 Bato ang puso niya.
3. PAGSASATAO (PERSONIPIKASYON)
 = Pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga bagay-bagay.
Hal.
 Ngumingiti ang mga bulaklak.
Sumasayaw ang mga damo.
 Tinatawag na ako ng kalikasan.
4. PAGTAWAG (APOSTROPHE)
 = Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Hal. O, tukso layuan mo.
Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.
 Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
 = Nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayabn ng tao, bagay, o pangyayari.
Hal.
Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak.
Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
 Lumuha ng dugo si Russel.
6. PAG-UYAM (IRONY)
 = Ito ay isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring
nagbibigay puri.
Hal.
 Napakabango ng hininga mo, text mo na lang ako lagi kung makikipag-usap ka sa akin.
Kay kinis ng mukha mong butas butas sa kakapisil mo nga mga tigyawat.
7. PAGHIHIMIG (ONOMATOPOEIA)
 = Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Hal. Ang tik-tak ng relo ay nangingibabaw.
Ang tiktilaok ng manok ay hudyat na gumising na tayo ngayong umaga.
8 . PAGLUMANAY (EUPEMISMO)
 = Ito ay paggamit ng mga piling salita upang pagandahin ang isang di kagandahang pahayag.
Hal. Sumakabilang buhay kagabi ang aman ni
Maria.
(sumakabilang buhay – namayapa)
Malikot talaga ang kamay ng batang iyan. (malikot ang kamay – magnanakaw)
9 . TANONG RETORIKAL (RHETORICAL QUESTION)
 = Tanong na walang inaasahan na sagot na ang layunin ay maikintal sa isipan ng makikinig ang
mensahe.
Hal. Bakit napakalupit ng kapalaran? Hagupit ng kalikasan o kasakiman ng tao? Sinong pipiliin ko mahal ko o mahal ako?
10. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
 = Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Hal. Hiningi niya ang kamay ng dalaga.
Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito. Si Apolinario Mabini ang utak ng katipunan.
11 . PAGPAPALIT-TAWAG (METONYMY)
 = Pagpapalit ng pangalan ng magkaugnay na bagay.
Hal.
 Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay laya sa atin.
Ang kapalaran mo ay handog sa iyo ng langit sa itaas na tinitingala ko.
Siya ang timbangan, lakas tagapaghusga sa buti at sama.
12 . PAGTATAMBIS (OKSIMORON)
 = Nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad o mapansin ang bisa ng
pahayag.
 Hal.
Ang batang malungkot ay sumaya nang makita ang kanyang magulang.
Ang buhay ng tao ay may pinagmulan at may katapusan.
13 . PAG-UULIT (ALITERASYON)
 = Pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang-diin ang isang pahayag.
Hal.
Malaya na ang Pilipinas! Malaya laban sa umaalipusta. Malaya sa mga kadenang gumagapos.
Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat at pambura lamang.

UNANG BAHAGI: KATUTURAN AT KATANGIAN NG WIKA

Gumagamit ng wika maging pasalita o pasulat. Ginagamit ang wika upang bigyang-buhay ang
isangideya. Ito ang pangunahing behikulong ginagamit sa pagpapahayag ng nararamdaman at naiisip.
Kunggayon, sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng wika.

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulatat
pasalitang simbulo (Webster, 1974) Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo
ngsimbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill, what is language, c1980s)

Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa


paraangarbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry Gleason)

Katangian ng wika:
1. Ang wika ay tunog – nagsisimula
ang isang wika sa mga tunog na
nagsisilbing berbal na mga
simnolong nabubuo at nirerepresenta ng
mga letra.
2. Ang wika ay arbitraryo –
pinagkakasunduan ng isang grupo ng
taong gumagamit ng wika gayundin,
ang bawat wika ay may kakaibang
katangiang nabubukod sa iba pang wika.
3. Ang wika ay masistema – ang anumang
wika ay may sinusunod na organisasyon at
may taglay na
istruktura (ponolohiya, morpolohiya,
sintaks, semantika at pragmatiks).
a) Ponerma – tumutukoy sa makabuluhang
tunog ng isang wika.
b) Ponolohiya – makaagham na pag-aaral
ng makabuluhang tunog sa isang wika.
c) Morpema – tumutukoy sa pinakamaliit
na yunit ng isang salita.
d) Morpolohiya – makaagham na pag-aaral
sa mga morpema ng isang wika.
e) Sintaks – tumutukoy sa masistemang
palabuuan ng mga sugnay, parirala at
pangungusap.
f) Semantiks – Pag-aaral sa kahulugan ng
isang wika.
g) Pragmatiks - Pag-aaral kung papaano
iniimpluwensyahan ng konteksto ang
paraan ng paghahatid
ng impormasyon ng mga sentens.
Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na
pagsasalita.
Katangian ng wika:
1. Ang wika ay tunog – nagsisimula
ang isang wika sa mga tunog na
nagsisilbing berbal na mga
simnolong nabubuo at nirerepresenta ng
mga letra.
2. Ang wika ay arbitraryo –
pinagkakasunduan ng isang grupo ng
taong gumagamit ng wika gayundin,
ang bawat wika ay may kakaibang
katangiang nabubukod sa iba pang wika.
3. Ang wika ay masistema – ang anumang
wika ay may sinusunod na organisasyon at
may taglay na
istruktura (ponolohiya, morpolohiya,
sintaks, semantika at pragmatiks).
a) Ponerma – tumutukoy sa makabuluhang
tunog ng isang wika.
b) Ponolohiya – makaagham na pag-aaral
ng makabuluhang tunog sa isang wika.
c) Morpema – tumutukoy sa pinakamaliit
na yunit ng isang salita.
d) Morpolohiya – makaagham na pag-aaral
sa mga morpema ng isang wika.
e) Sintaks – tumutukoy sa masistemang
palabuuan ng mga sugnay, parirala at
pangungusap.
f) Semantiks – Pag-aaral sa kahulugan ng
isang wika.
g) Pragmatiks - Pag-aaral kung papaano
iniimpluwensyahan ng konteksto ang
paraan ng paghahatid
ng impormasyon ng mga sentens.
Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na
pagsasalita.

Katangian ng wika:

1. Ang wika ay tunog – nagsisimula ang isang wika sa mga tunog na nagsisilbing berbal na
mgasimnolong nabubuo at nirerepresenta ng mga letra.

2. Ang wika ay arbitraryo – pinagkakasunduan ng isang grupo ng taong gumagamit ng wika gayundin,ang
bawat wika ay may kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang wika.

3. Ang wika ay masistema – ang anumang wika ay may sinusunod na organisasyon at may taglay
naistruktura (ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at pragmatiks).

a) Ponerma – tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika.

b) Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog sa isang wika.

c) Morpema – tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng isang salita.

d) Morpolohiya – makaagham na pag-aaral sa mga morpema ng isang wika.

e) Sintaks – tumutukoy sa masistemang palabuuan ng mga sugnay, parirala at pangungusap.

f) Semantiks – Pag-aaral sa kahulugan ng isang wika.


g) Pragmatiks - Pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatidng
impormasyon ng mga sentens. Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.

4. Ang wika ay sinasalita – nabubuo ang


wika sa tulong ng mga aparato at iba’t
ibang sangkap sa
pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin,
ilong, lalamunan at iba pa.
5. Ang wika ay nakabuhol sa kultura –
Pinatutunayan lamang na walang superyor
na wika sapagkat
ang bawat wika ay may sariling
kakanyahang kultural. Ibigsabihin,
hinuhubog ng wika ang kultura at
hinuhubog naman ng kultura ang wika
(Sapir at Whorf, w.p.)
6. Ang wika ay daynamiko – nagbabago
ang wika batay sa nagbabagong panahon.
Nagkakaroon ng
mga bagong salita at nakapaglilinang
din ng bagong pagpapakahulugan
batay sa sumusulong na
panahon. Halimbawa: Ang toxic noon ay
lason ngayon ay labis na pagkapagod.
4. Ang wika ay sinasalita – nabubuo ang wika sa tulong ng mga aparato at iba’t ibang sangkap
sapagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan at iba pa.

5. Ang wika ay nakabuhol sa kultura – Pinatutunayan lamang na walang superyor na wika sapagkatang
bawat wika ay may sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin, hinuhubog ng wika ang kultura
athinuhubog naman ng kultura ang wika (Sapir at Whorf, w.p.)

6. Ang wika ay daynamiko – nagbabago ang wika batay sa nagbabagong panahon. Nagkakaroon ngmga
bagong salita at nakapaglilinang din ng bagong pagpapakahulugan batay sa sumusulong
napanahon. Halimbawa: Ang toxic noon ay lason ngayon ay labis na pagkapagod.

7. Ang wika ay malikhain – paggamit ng wika sa sariling kaparaanan at batay sa sumusulong na


mgapangkat ng taong may itinatampok na identidad. Binigyang-diin nito ang pagiging distinct na anyo ng
ekspresyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o naiisip. Hallimbawa:
angsumisibol na pamamaraan ng mga jejemon at bekimon.

8. Ang wika ay makapangyarihan – ginagamit ang wika sa pagtatamo ng impluwensiya


paramakapagpabago ng pananaw, makaimpluwensya ng kaisipan, makabuo ng mga bagong
ideya,makapaapekto sa pagsusulong ng mga pamamaraan at polisiya at higit ay makapagpakilos.

KAHALAGAHAN NG WIKA

Mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang pinakapangunahing kailangan upang maipahayag natinang
damdamin, saloobin kaisipan at iba pa.

1. Instrumento ng Komunikasyon - Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na


angnagkakaunawaan gamit ang wika

2. Nagbubuklod ng bansa - Wika ang naging dahilan upang magkaisa ang mga tao, umunlad at
makamitang kalayaan.

3. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip - Nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon


atleybel ng wika

4. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman - Paglalakbay Pagsasalin Pagtatala Midyum ng


KarununganIlang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika:

a. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang wika.

b. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito, kung ano
angbigkas ay siyang sulat.

c. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang dito ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas.
d. Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa himagsikan
napinamunuan ni Andres Bonifacio.

e. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog.

KAANTASAN NG WIKA

Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang gayo’y maibagay niya itosa
kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan. Mahahati ang
antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal.

1. Pormal- Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararamilalo na ng mga nakapag- aral ng wika.

A. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahatng
mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mgapaaralan.

B. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilangmga
akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at
masining.

2. Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating
gamitin sapakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

A. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga partikular na pook o
lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugardahil
natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o angtinatawag
ng marami na punto.

B. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw- araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong


impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging
repinadoayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na
samga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito. Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no
(paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron(mayroon)

C. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang
ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may
mgadalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar. Sa lahat ng antas
ngwika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon at laos
nabukas.

ANG TUNGKULIN NG WIKA

Ayon kay Michael A.K. Halliday:


A. Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.a. Halimbawa: Pagbati,
pagpapaalam, Pagaanyaya at pagbibiro

a) Sa magkakaibigan, pagbibiruan at panunukso.

b) Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang paanyaya at pasasalamat.

c) Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mgabakla, at mga
propesyonal na jargon.

B. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng nga tao sa paligid.

a. Halimbawa: Pagmumungkahi, Paguutos at paghihikayat.

a) Ipinanghiwa ko ang kutsilyo

b) Nanghuli ako ng isda gamit ang sibat

C. Regulatori -wikang gumagamit ng kondisyonal. kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba.

a. Halimbawa: Pag-ayon, Pagtutol at Pagsagot sa telepono

a) Pagbibigyan kita ngunit sundin mo muna ang nais ko.

D. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Ito ang pinakamagamit na uri


ngsulatin sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-iisip, o di
kaya'ytungkuling taglay nila sa kanilang sarili.

a. Halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary, Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati.

E. Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. (ie, mga tula, awit atbp.)

F. Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos at gamit ng mga taong nais magkamit


ngkaalamang akademiko at/o profesyonal.

a. Halimbawa: b. Pagtatanong, Pagsagot, Pangangatwiran at Pagbigay ng konklusyon.

G. Informativ – ito ay naglalarawan na kung saan mayroong nailalalhad din dito ang lugar, araw tao
atbatay na rin sa tunay na pangyayari at nagbibigay ng informasyon/datos.

a. Halimbawa: Paglalahad, Pagtatalumpati at paghahatid ng mensahe, katulad ng balita sa


telebisyon

Ayon kay Roman Jakobson:

A. Kognitibo/Reperensiyal/Pangkaisipan - pagpaparating ng mensahe o impormasyon.

B. Conative - paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga paguutos o pakiusap.

C. Emotive -pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.

D. Phatic -pakikipagkapwa tao.

E. Metalinggwal - paglinaw sa mga suliranin.


F. Poetic - patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.

Ayon kay W.P. Robinson:

A. Estetiko – Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan

B. Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa


mgaposibilidad ng wika habang natututuhan ito, pagbibiro.

C. Pag – alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao – paggamit ng wika upang simulan, alalayan at


tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika
(kumusta/pagbati), wika bilangkagandahang –asal (kumusta ka?); pagbati, pasasalamat,
pagpapahayag ng kalungkutan opakikiramay.

D. Pag-alalay sa iba – Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin ng iba–
paggamitng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin/ obligasyon – pag-uutos, pakiusap, pagbababa,
pagpuna, pagpapalakas ng loob, panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, pagtawad.

E. Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarli” nang tahimik o mag-isa,
pagpaparatingsa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran, pagpapaliwanag.

F. Pagpapahayag ng Sarili – Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin – tuwiran sa pamamagitan


ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas
ngtinig, tunog ng tinig (voice quality).

G. Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan – paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang
kaugnayang pansosyal ng mga tao – mgaginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit
kapag nagsasalita tungkol saiba (G. Gng. Bb…)

H. Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistika a) Pagkilala (discrimination) – pagkilala at


pagpapahayag ng kaibhan atpagkakatulad ng mga bagay. b) Pagbuo (organization) – pag-uuri-uri at
pagbibigay – katuturan sa mga kaugnayanng mga bagay sa ibang bagay.

I. Pagtuturo – Paggamit ng wika sa pagpaparating (imparting) ng bagong impormasyon at kasanayan. J.


Pagtatanong at Panghuhula– Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng
haraya (imagining)pagpapasubali (suppoising).

K. Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay.

Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika- Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika.


Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at
kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay
wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang
hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o
misteryo. Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-
bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente
ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
 TORE NG BABEL Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang
panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na
higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang
langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao,
subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
(Genesis Kabanata 11:1-8)
 BOW-WOW Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na
kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang
paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa
aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso
halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o
sa Tsina ay pareho lamang?
 DING-DONG Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.
Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa
mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga
sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
 POOH-POOH Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano
ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap?
Ng takot?
 YO-HE-HO Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng
tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
 YUM-YUM Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang
pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad
halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan
ng wika.
 TA-TA Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang
Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga
namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng
pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
 SING-SONG Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa
paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
 HEY YOU! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz
na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay
Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit
(Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
 COO COO Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng
mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang
mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
 BABBLE LUCKY Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang
kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang
mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
 HOCUS POCUS Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay
tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating
mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
 EUREKA! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating
mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan
sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat
sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree,
2003).
 LA-LA Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
 TA-RA-RA-BOOM-DE-AY Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may
mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o
mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng
iba’t ibang kahulugan.
 MAMA Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang
mother.
 RENE DESCARTES Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya
ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao
lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at
komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus
magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
 PLATO Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all
invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing
pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.
 CHARLES DARWIN Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika.
Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin.
Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman
(1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang
pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng
iba’t ibang wika.
 WIKANG ARAMEAN May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa
daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa
Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Haring
Psammithicus Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto,
 EKSPERIMENTO SI PSAMMATICHOS kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao.
May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na
hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng
“Bekos” ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na
natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito. Alin
sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa
mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na
ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat
teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang
ating paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa
pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
Ayon kina Carmelita S. Lorenzo et. al. ang pagbasa ay ang tiyak at madalingpagkilala ng ayos at
pagkasunod-sunod ng mgasalitaupangmakabuo ng mgaideya at kahulugan.

Ipinaliwangnamannina Lapp at Flood (1978) nalahat ng pakahulugansapagbasa ay


patungosadalawangkategorya.

Una, ang pagbibigay-kahulugansamgakodigo/ simbolo.Pangalawa, ang pagbibigaykahulugansanabasa.


Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon at nagigingdaansakabatiran at karunungan.
Ayon pa rinsakanya, ito ay isangaliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutassamgasuliranin at
nagbibigayito ng iba’tibangkaranasansabuhay.

Ayonsapananaw ng ibangmananaliksik ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahesapamamagitan ng


pagtugonsamgatitik atsimbolongnakalimbagsapahina.

MGA PARAAN NG PAGBASA

1. Tahimik na pagbasa

Ang tahimik na pagbasa ay isinasagawasapamamagitan ng mgamata. Ang mensahe ng binabasa at


tinutugon ng damdamin at kaisipan. Ito ang pinakapayaknaparaansa pagbasa.

2. Malakas na pagbasa

Ang malakasnapagbasa ay proseso ng pagkuha o pag-unawa ng kahulugan ng nakalimbagnatitik at


pagsasatinignitoupangmaihatidsatagapakinig ang mensahe ng may-akda.

Ang uri ng pagbasangito ay nangangailangan ng lubusang pang-unawaupangmabigyangbuhayang


binabasa, sapamamagitan ng tinig at bigkas. Ang may akda ay itinuturingnatagalikha ng ganda,
katotohanan at aralsapamamagitan ng pagsulat.

3. Skimming

Ito ay isangmabilisnapagbasananakakaya ng isangtaona kung saan ang hinahangadnamambabasa ay


ang makuha ang buongkaisipan ng isangtekstosamaiklingoras ng pagbabasa.

4. Scanning

Ito ay ang paghahanap ng tiyak o partikularnaimpormasyonsaisangteksto.

Teorya sa Pagbasa

1. Teoryang Bottom upIto ay nakabataysa “Stimulus Response Theory” na ang pagkilala


samganakalimbagnatitik ang siyangnagsisilbing “stimuli” at paglalapatdito ng tunog ang siyangnamang
“response”. Ayonsateoryangito, angpagbasa ay isangkomplikadongproseso. Kinakailangandumaanmuna
ang mga mambaba sasaisangproseso.Sa teoryangito ang sentro ng pagbasa ay ang
tekstonakailanganmunangmaunawaan ng mambabasabagosiyamakapagbigay ng kaukulangreaksyon o
interpretasyon. Sa madali, ang pag-unawasatekstongbinabasa ay nagsisimula sa teksto( bottom)
patungo sa mambabasa (up).

2. Teoryang Top Down

Ang teoryangito ay kabaligtarannaman ng “Bottom Up”. Sinasabiritona ang pag-unawasateksto ay


nagsisimulasamambabasa (Up) patungosateksto (Down). Ang mambabasa ay nagigingisangaktibong
“stock knowledge” o mganakaimbaknakaalamannabunga ng kanyangmgakaranasan. Dahil sasinasabing
stock knowledge ay mabilisnanakauugnay ang mgamambabasasateksto. Tinatawag din itong “inside
out” sakadahilananginilabas ng mambabasa ang dating kaalamanmaiugnaysateksto.
3. Teoryang Interaktib

Ditopumapasok ang kahalagahan ng kasabihang “Learning is two-way process”. Sa teoryangito, hindi


monopoly ng mga mambabasa ang pag-unawasateksto, sa halip kinakailangan ang interaksyon o
pakikipag-ugnayan ng mambabasasaguro, magulang, kaklase at iba pa upangmatamo ang pag-
unawasatekstongbinasa. Gamitin ang teoryangitosapagtuturo ng mgamahihirapnakonseptotulad ng
“Values Formation”. Halimbawa’ypagkakaisa ang mensaheng, naisbigyang-diin ng teksto.
Maaaringmagmungkahi ang guro ng isang “team building activity”, upangmagkaroon ng direktangpag-
unawa ang mga mag-aaralsagawain.

4. Teoryang Iskema

Tumutukoy ang teoryangitosakalayaan ng mambabasanamagbigay ng kahulugansateksto.


Pinaniniwalaansateoryangitona ang teksto ay walangtaglaynakahulugan at sahalip ay nagsisilbilamang
“stimuli” samgamambabasaupangmagbigay ng reaksyon. Ang iskema ay nangangahulugan ng
pagtugonsamga “stimuli” nasumasaklawsaiba’tibangpagkilossaiba’tibang sitwasyon.

You might also like