You are on page 1of 7

GEC 1O- MASINING NA PAGPAPAHAYAG BIYERNES/SABADO

7:OO-8:30 am
Paksa: Simulain ng Retorika at Iba Pang Katangian

Sa modyul na ito, inaasahang


maipamamalas mo ang mga
sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa
Sa modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang mga
sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa
Sa modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang mga
sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa
Sa modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang mga
sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa
Sa modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang mga
sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa
Pangkalahatang Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nauunawaan ang kahulugan ng retorika


 Nalilinang ang kaalaman patungkol sa simulain ng retorika
 Natutukoy at naipaliliwanag ang iba pang katangian ng retorika

Mga Aralin na Dapat Malaman:

Kahulugan
Ang retorika o masining na pagpahayag ay:

 Nagmula sa salitang Griyego na "rhetor" na nangangahulugang guro at mananalumpati


o tagapagsalita sa isang pagpupulong .(San Juan et al., 2007)
 Malawak, wasto at mayamang kaalaman sa pagpapahayag. (Mag-atas, et al., 1998)
 Mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang
pagsasalita at pagsulat .(Tumangan, et al,, 1997)
 Sining na maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang maunawaan
at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa .(Sauco, et al., 2004)
Layunin
1. Makapagpafokus ng atensyon ng tagapakinig
2. Makapagsanay sa magilaw, malinaw, angkop at may panlasang pagpapahayag
3. Makapagpaintinding mabuti at maliwanag
4. Maikintal sa isip at at loob ang diwa o kaisipang sinasabi
5. Maipagamit ang inihahayag na mensahe
6. Makapagtatag ng tiwala sa sarili
7. Makadevelop ng kritikal na pag-iisip

Retorika at Komunikasyon

 Ang retorika at balarila ay kapwa mahalagang sangkap sa mabisang pagpapahayag.


 Ang kaayusan ng salita ay idinidikta ng gramatika at ang pagpili ng salita ay retorika.
(Mendiola)
 Sa isang pangungusap, hindi sapat ang tamang balarila lamang kundi kailangan ang
retorika upang maging mabisa.
 Ang retorika ay sangkap na kailangang kasaman ng balarila upang magkaroon ng init at
buhay ang pakikipagkomunikasyon at ang pahayag na binibitiwan ng tao.
Ano ang balarila?
Tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita, tamang gamit ng mga
salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upangmakabuo ng malinaw na
kaisipan o diwa.
Relasyon ng Balarila at Retorika:

 Ang isang pahayag upang maging mabisa ay dapat na maganda,kaakit-akit at tama.


 Retorika- kagandahan
Balarila – kawastuhan
 Ang ganap na kahusayan sa pagpapahayag sa wikang ginagamit ay nakikita sa
kawastuhang panggramatika na lalong nakikita sa pasulat na pagpapahayag.
 Ang kasanayan sa wasto at mabisang pagpapahayag bunga ng magkasamang
pagsasaalang-alang sa retorika at balarial ay isa sa mga palatandaan ng mataas na antas
ng edukasyon.
Tungkulin ng Balarila sa Proseso ng Masining na Pagpapahayag:
1. Pag-aaral ng anyo o uri ng mga salita
2. Tamang paggamit ng salita
3. Tamang pagkakaugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng isang malinaw
na kaisipan o diwa
Dalawang Anyo ng Pagpapahayag:

 Pasalita
 Kumbersasyon
 Pampublikong pagsasalita
 Pasulat
 Mga anyo ng pagsusulat
 Malikhaing Pagsulat
 Panunuring pampanitikan

Gampanin ng Retorika
Napakahalagang papel ang ginagampanan ng retorika sa pag-unlad ng tao sa mga larangang
pang-edukasyon, panlipunan, pangkabuhayan, panrelihiyon at pampolotiko. llan lamang sa mga
gampanin ng retorika ay ang mga sumusunod:
1. Imbensyon
 Sa bawat pagdaan ng panahon ay may isinisilang na mga manunulat, may mga bagong
imbensyon na niyayakap natin tulad na lang ng pag-usbong ng mga hi-tech na kagamitan
gaya ng cellphone, laptop, i-pad, tablet at iba pa.
 Kaalinsabay ng mga imbensyong ito, kasabay rin mumulasok ang mga salita o
pananalitang kaakibat ng pagbabago ng panahon at nagbabago rin ang mga ating
pananalita.
2. Pagsasaayos
 Sa larangan ng pagsasalita at pagsulat, nangangailangan ng kaayusan sa paggamit ng
mga pananalita o balarila upang maging makinis at malinaw ang pagpapahayag.
Kailangan maipahayag ng maayos ang ideyang nais iparating.
3. Estilo
 May isang manunulat na nagsabing ang istilo ay nasa tao. Ibig sabihin, nasasallim sa
kanyang mga isinusulat ang kanyang pagkatao. Ang estilo ay ang paraan sa maganda at
epektibong pagpapahayag ng argumento.
4. Memorya
 Sa pagpapahayag ng salita o pasulta man, ang mga ito ay nangangailangan ng memorya
o pagsasaulo. Ang memorya ay mga nakaimbak na kaalaman at karanasan nang sa
gayo'y maipahayag natin ito nang mabuti.
 Ang ating kaisipan ang siyang nagdidikta sa ating sarili kung ano ang dapat isulat o dapat
sabihin. Kapag nagawa ng ating isipan ang mga bagya na ito, diretso itong titimo sa ating
sarili at makagawagawa tayo o makalilikha ng akda na bunga ng ating memorya.
5. Paghahatid
 Isa sa mga ginagampanang retorik ay ang maghatoid ng mga ideya sa mga tagapakinig o
mambabasa kasama ang manlibang o maghikayat sa pamamagitan ng pakikinig o
pagsasalita.
 Maipahahatid ang mga ito sa mabisa at kaakit-akit na pananalita sa tulong ng balarila o
gramatika at pananalitang pampanitikan.

Mga Iba Pang Katangian ng Retorika


1. Kasiningan sa Paglalahad
 Nagiging masining ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga
transisyonal na panalita sa retorika tulad ng mga salawikain, kasabihan,
kawikaan, sawikain, at tayutay.
 Halimbawa:
 Puno man ng tagumpay ang buhay niya, hindi pa rin siya masaya. Tunay nga, ang
hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan. (salawikain).
 Nawawalan ng halaga ang yaman at iba pa niyang pag-aari. Hindi niya pa rin
nasusumpungan ang tunay na kaligayahan. Isa ang nalalaman niyang dahilan.
Kailanman, hindi na niya binalikan ang sariling bayan. Hindi na niya nais pang
balikan ang mahirap na buhay sa Pilipinas. Kapag naaalala niya ang mga
pinagdaanan, mabigat ang kanyang pakiramdam. Palibhasa, takot siyang habulin
ng mga taong nakatulong sa kanya. lyon ay sa pag-aakalang hingan siya ng mga
taong nabanggit ng bahagi ng kanyang tinatamasa. lyon ay takot lamang niya.
Hindi naman talagang ganoon. Siya ang gumagawa ng sarili niyang multo kaya
mailap ang pagdating ng kaligayahan sa kaniya (tayutay).
2. Kapangyarihan makapagbigay ng saya o lugod
 Ang mga likhang pahayag ng manunulat at tagapag salita ay nagbibigay- kasiyahan.
Makapangyarihan ang wika sa mga larang na ito. Kaya nitong makapagpaluha sa tuwa sa
sinumang nalulumbay.
 Halimbawa:
 Pinapangarap kong makasama noon sa pagtanda ang isang Marian Rivera. Ako ay
hamak lamang na mangingisda. Hindi ako kasingguwapo at kasingkisig ni
Dingdong Dantes kaya alam ko sa aking sarili ang dapat na para sa akin. Hindi
man si Marian ang nabingwit ng aking pag-ibig, nariyan naman si Neneng. Hindi
man siya si Marimar, nakatira rin siya sa tabing-dagat. Hindi man siya si
Dyesebel, amoy-isda pa rin naman ang aking si Neneng. Tindera siya ng isda sa
palengke. Ganoon man, mahal ko siya. Si Neneng ang reyna-hindi prinsesa-ng
aking banyera.
3. Mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika
 Kaugnayng unang katangian, sa ilalim ng mga tayutay,malimit na gawing bahaging
pahayag ang personipikasyon at hyperbole.
 Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad patungo sa mapaglarong mundo ng
imahinasyon ng awdyens. Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag,
Nakadaragdag pa ito ng kulay at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita.
 Halimbawa:
 Madalas akong dalawin ng kalungkutan kapag nag-iisa. (Personipikasyon)
 Babaha ng luha kapag nagkitang muli ang mga magkakapamilya.(Hyperbole)
4. Kaangkupan at katiyakan sa paggamit ng wika sa pagpapahayag
 Epektibo ang retorika kung palaging kaagapay nito sa pagbuong pahayag ang balarila o
grammar. Hindi lamang sapat na maganda at matalinghaga ang pahayag, mahalagang
nauunawaan ang mga salitang ginamit.
 Isalang-alang ang tama at angkop na pagpili ng mga salita para maging matagumpay
ang pagtatawid ng mensahe sa mga mambabasa at tagapakinig
 Halimbawa:
 Malalapit ang kahulugan ng mga pang-uring mayaman, mabiyaya, at masagana.
Kailangang iayon ang paggamit ng mga salita sa kahulugan ng pahayag.
a) Mayaman ang pamilyang aking nakagisnan.
b) Mabiyaya sa ulan ang aming palayan.
c) Mabiyaya sa pagpapala mula sa Itaas ang bayang ito.
d) Masaganang ani ang iaalay sa pista.
Tayahin ang bisa ng pagpapahayag (sa isip, sa asal at sa damdamin) ng
kasunod na teksto.
5. Kasiningan sa tuluyan (prosa) at panulaan (poesiya)
 kaugnay pa rin ng unang bilang, kakikitaan ng mga idyoma at tayutay ang mga
retorikang pahayag. Isang buhay na patotoo nang maituturing na sa likod ng
matatagumpay na akdang pampanitikan ay may malaking bahagi ang suntok at dating
na hatid ng mga nabanggit na matalinghagang pahayag
 Sumasang-ayon dito si Fernando Monleon na nagsuri at nagtukoy ng mga tayutay sa
Florante at Laura.

Mga Sanggunian:

Scribd. (n.d.). Kabanata 1 - kalikasan at Kahulugan ng retorika. Scribd. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/483144057/Kabanata-1-Kalikasan-at-Kahulugan-ng-
Retorika

Retorika (module !) (no date) Scribd. Scribd. Available at:


https://www.scribd.com/presentation/442350409/Retorika-Module.

Pilea, D. (n.d.). Katangian ng Retorika. prezi.com.

https://prezi.com/p/9wvdmyopgj8m/katangian-ng-retorika/?

frame=f952f4a7bf3c5d992d2f4af05bf4de0ab5758962

Miyembro ng Pangkat:

 Bonita, Sheena P.
 Villaester, Sophia
 Lamadrid, Jamela May

You might also like