You are on page 1of 6

SOUTHERN MASBATE ROOSEVELT COLLEGE, INC.

Katipunan, Placer, Masbate

Dr. Victor V. Lepiten, Sr. Victor Elliot S. Lepiten III, CPA


FOUNDER PRESIDENT

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangalan:
Taon, Kurso at Pangkat:
Numero ng Telepono:
Pangalan sa Facebook:
Yunit 1 – Ang Retorika Tungo sa Masining na Pagpapahayag

Retorika – ang salitang ito ay galling sa salitang griyego na Rhetor na nangangahulugang guro o maestro o
mahusay na mananalumpati o orador. Bilang isang disiplina ng pag-aaral, ang retorika ay tumutukoy sa agham
at sining ng pagpapahayag maging psalita man o pasulat sa tulong ng wasto at makabuluhang paggamit ng
wika. Kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag.

Ang mga sangkap ng Retorika


1. Ang kaisipang gusting ipahayag. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. May
mahalagang kaisipang nais nating maipaabot sa ating tagapakinig o tagabasa.
2. Ang pagbuo o organisasyon. Hindi ganap ang kinang at biosa ng anumang sasabihin kung ito ay maligoy at
walang kaayusan. Kailangang magkaroon nbg lohiko ang pagsasamahing mga pahayag sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salita at mga pangungusap na nagkakatulung-tulung upang mabuo ang isang diwa. Bawat
talata ay kailangang may kaugnayan sa isa’t-isa.
3. Ang estilo ng pagpapahayag. Ang eksperto sa pagsulat ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang may
kinalaman sa estilo. Batid nilang ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay nakasalalay hindi lamang sa
mga para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhan sa balarila, kundi maging sa pampanitikan. Ito
ay estilo na may kinalaman sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal sa mga paraan ng kanilang pagpapahayag.

Katangian ng Masining na Pahayag


1. Taglay ng masining na pahayag ang kalinawn sa diwa ng isinusulat o sinasalita sa tulong ng mga piling salita.
2. Angkop sa daloy ng pahayag ang mga salitang ginamit na nilapatan ng tamang gramatika.
3. Sapat ang pahayag upang mapanatili ang kawilihan ng mambabasa.
4. Masining ang pahayag sa kahusayan nitong mapag-ugnay-ugnay ang dating kaalaman sa bagong natutunang
kaalaman ng mambabasa.
5. Tiyak ng mambabasa ang kabuuang diwa ng pahayag sa tulong ng mga piniling salita at tamang gramatika sa
paksang tinalakay.
Kahalagahan ng Masining na Pahayag
1. Nakapagpapayaman ng kaisipan ng sinumang bumabasa.
2. Nakagagamot ng kabagutan ng mambabasa.
3. Nakapupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa.
4. Nagsisilibing instrumenting panggising sa mambabasa dahil napupukaw ang kakayahang iugnay ang dating
alam sa bagong natutuhan.
5. Nasasalamin dito ang pagkatao ng manunulat.
6. Isang maganda at malusog na ehersisyo ng utak.
7. Handok ang kagaanan sa pagbabasa ng mambabasa dahil sa maayos na pagkakalahad.
8. Nakatutulong na madebelop ang kasanayan sa masining na pahayag.
Paraan sa Masining na Pagsulat ng Pahayag
1. Magkaroon ng maraming artikulong binabasa na mapaghahanguan ng kaisipan.
2. Sanayin ang sarili sa palagiang pagsusulat ng iba’t-ibang uri ng artikulo.
3. Makipagpalitan ngf kaisipan sa iba / kapwa upang yumaman ang sariling kaisipan/ideya.
4. Maglaan ng oras sa panonood sa telebisyon, sa mga pelikula, sa mga panooring pang-entablado at iba pang
mapaghanguan ng kaisipan.
5. Maglakbay at maging sensitibo sap ag-oobserba ng paligid.
6. Maglakbay at maging sensitibo upang mapalaganap ng maraming impormasyon sa larangan ng pagsulat.
7. Panghawakan ang emosyong nasa mataas na lebel na maging hanguan ng paksang isusulat.
Mga Saklaw ng masining na Pahayag

1. tao/ Mga Tao. Tumutukoy ito sa sa mga tao o lipunang makikinig o ‘di kaya’y babasa ng isinulat o
ipinahayag ng manunulat. Ang bawat ipinahayag, oral man o berbal ay tiyak na may patutunguhan sa tulong ng
pokus ng talakay.
2. Kasanayan ng manunulat. Kung walng kasanayang pansarili ang manunulat mahirap magkaroon ng sining
ang mabisang pahayag. Ang kasanayan sa pagpapahayag ay denedevelop upang maibahagi at di sarilinin.
3. Wika. Ang wika ay sadyang makapangyaarihan. Nagagawa nitong maging kilala at hinahangaan ang siang
tao dahil sa kagalingan nitong gamitin ang wika.
4. Kultura. Malaki ang kinalaman ng kultura nsa pagpapaunlad ng sinabi o ipinahayag dahil anung gampanin ng
isang mamamayan, tuwina ito’y saklaw ng kulturang kinabibiloangan. Kabilang dito ang mga pinaniniwalaan,
mga tradisyon, wika, awit at iba pa.
5. Pilosopiya. Tumutukoy ito sa pansariling piliosopiya ng manunulat o ‘di kaya’y pilosopiya ng iba na mapag-
aangklahan ng ipinahahayag ng manunulat, para sa makatwirang pagpapaniwala sa mambabasa.
6. Sining. Kumakatawan ito sa taglay nagaling o talino ng manunulat o mananalita sa larangan ng pagsasalita o
pagsusulat. Pumapasok dito ang taglay na pagkamalikhain ng taong gumagawa ng masining na pahayag.
Ang masining na Pagsulat ng Pahayag
Bagaman ang retorika ay nakapokus sa mabisa at masining na pahayag, hindi inilalayo sa mga batayang
kaalaman pambalarila. Nakasentro pa rin ito sa istruktura ng pagpapahayag sa wikang Filipino. Nagpapahalaga
ito sa wastong paggamit. Kahit na sabihing may dalawang paraan ng pagpapahayag, ang pasalita at ang pasulat,
hindi pa rin natatakasan ang naipamulat na sa atin ng balarila. Sa huling bagay na ito, kung pasalita ba o pasulat,
nagkakaroon ng pagkakaiba ng register o uri ng mga salitang ginagamit. Gayunman, nakaagapay pa rin dito ang
maraming tuntuning pambalarila. Ang pagpapakinis ng pahayag ay nagiging tungkulin naman ng retorika.
Maipapakita ito sa mga ganitong paraan.
1) Pangungusap. Ang bawat pangungusap ay dapat magtaglay ng kaisihan at kakipilan. May kaisahan kung
nagkakatulong-tulong ang mga salita sa paglikha ng isang diwa. May kakipilan naman kung maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mg salita ayon sa tama at epektibong estruktura.

Kung sa pagpapahayag ay nawalan ng ingat sa pagbibitiw ng mga salita ang nabubuong pahayag ay
maaring pilay, waring gumagatol, at pilipit ang diwa. Tulad ng halimbasa sa ibaba, basahing mabuti at
tingnan kung m akikita kaagad ang mga mali sa paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa 1.0.1
Sina Tony at si Lisa sa buhay ay may magkaibang pananaw.
Kapag ihanay ng maayos ang diwa ng Halibawa 1.0.1, ang pangungusap ay magiging,
May magkaibang pananaw sa buhay sina Toni at Lisa.
Konklusyon: Binigyang diin ang katuturan ng pangungusap kung saan nakapokus ito sa
pinakasentrong ideya na nakapaloob sa pangungusap. Hindi sina Toni at Lisa ang sentro ng pangungusap kung
hindi ang kung ano ang paksa na nais ipaabot ng pangungusapat iyon ay kung ano ang nais banggitin tungkol sa
kung ano ang mayroon kina Toni at Lisa.
Halimbawa 1.0.2
A: Bakit tiningnan mo naman kasi
Kapag ihanay ng maayos ang diwa ng Halibawa 1.0.2, ang pangungusap ay magiging,
B: Bakit mo naman kasi tiningnan?
Konklusyon: Hindi tama ang pagkakahanay ng balarila kaya’t nararapat lamang na baguhin ito. Ang
pang-abay ay hindi nagamit ng maayos kaya’t nagiging impormal ang anyo ng tanong.
GAWAIN 1: (5 pts)
PANUTO: Basahin at ianalisa ang sumusunod na pangungusap at ayusin ito tulad ng pag-ayos
ng pangungusap na makikita sa Halimbawa 1.0.1 at 1.0.2. Bigyan ito ng konklusyon batay sa
wastong ayos ng pangungusap.

A: Siya sa gawing masama napunta hindi nag-iisip kasi

B: .

Konklusyon:

2) Mga Parirala at sugnay sa loob ng Pangungusap. Sa pagsasangkap ng salita, parirala, at sugnay sa isang
pangungusap, tungkulin ng retorika na isaalang-alang ang (1) pagkakasunod-sunod ng mga parirala o
sugnay ayon sa panahon, (2) paralelismo, at (3) wastong gamit ng mga pangatnig. Ang ganitong mga
paraan ay nakakatulong pa rin sa paglikha ng kaisahan, diin o emphasis, at pagkakaugnay o kohirens.
1. Ayon sa panahon. Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ayon. Sa panahon ay umaalinsunod sa
kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng mga kilos at mga pangyayari. Bawat kilos o mga pangyayari ay
umaalinsunod sa takbo ng orasan o panahon at ipinahayag sa paraang pasalaysay. Ang kaisahan ay
natitiyak sa ganitong paghahanay sapagkat walang bahagi ang pangungusap na lumayo sa paksa,
anumang paraan ang ginamit. Basahing mabuti, at magbigay ng mga kauring halimbawa.
Halimbawa 1.0.3
A) Maaga siyang bumangon, lumabas sa banyo, naghilamos doon, saka nagtuloy sa kusina at
naghanda ng aalmusalin.
Halimbawa 1.0.4
B) Binuksan niya ang cabinet ng mga damit, pumili ng isusuot, saka isinarang muli iyon.
Halimbawa 1.0.5
C)Huminto ang bus sa pinaghihintayan niya saka siya sumakay at naupo sa upuang malapit sa
bintana.

GAWAIN 2: (5 pts)
PANUTO: Gumawa ng mga kauring Halimbawa tulad ng makikita sa Halimbawa 1.0.3, 1.0.4,
1.0.5.

.
2. Ayon sa pag-aagapay o paralelismo. Ang paraang ganito at nakatuon kaagad sap ag-aagapay na
nagbibigay ng himig ng pag-uulit. Ang pararang paghihimig naman ay nakatutulong sa pagbibigay-diin
o emphasis. Sa ayos na ganito, ang pinag-aagapay sa isang bahagi ng pangungusap ay may magkatulad
na estruktura, maaring kapwa pandiwa, kapwa pangngalan, kapwa pang-uri, kapwa pariralang magkauri.
Halimbawa 1.0.6
A) Ang lahat na ginawa nina Del Pilar, Rizal at Bonfacio ay para sa bayan at para sa
mamamayang Pilipino.
Halimbawa 1.0.7
B) Kailangan ng isang makata ang pagyakap sa tradisyon ng panitikan at tradisyon ng bayan.
Halimbawa 1.0.8
C) Ang musikang Pilipino ay tagapaglahad ng sariling damdamin at tagapaghatid ng kulturang
katutubo.

GAWAIN 3: (5 pts)
PANUTO: Gumawa ng mga kauring Halimbawa tulad ng Halimbawa 1.0.6, 1.0.7, 1.0.8.

1.
.

Paraan ng paggamit ng Wikang Filipino


Maraming paraan ang magagawa kunggagamitin ang wikang Filipino sa pagpapahayag. Maaring pormal at ‘di
pormal ang gamit ng mga ito. Kapag pormal ;
(1) pili ang mga salitang gagamitin
(2) may pagkaseryoso sat ono,
(3) iniiwasan ang paggamit ng padaglat na pahayag ( lang, utol, pare, mare)
(4) Iniiwasan ang mga pamilyan na tawag (itay, inay)
(5) Hindi gumagamit ng mga salitang kalye (yosi, ermat)
Antas ng Wika
Pormal
(1) Pampanitikan – Mga salitang ginagamit sa pagsusulat ng mga pampanitikang akda.
Halimbawa (kapit tuko, kahig-tuka, balat-sibuyas)
(2) Pambansa – Mga salitang ginagamit, tanggap at naiintindihan sa buong bansa.
Halimbawa (Kapatid, Kaibigan, guro)
(3) Kolokyal - mga pinaikling kataga
Halimbawa (teka, kako, kamo)
(4) lalawiganin – Mga salitang ginagamit sa isang tiyak na rehiyon o lalawigan.
Halimbawa (Inahan, waray upay, bagtiton)
(5) balbal - mga salitang kalye at mga lenggwahe ng mga bakla.
Halimbawa(Sinecth, Brenda, yosi, erpat)
GAWAIN 4: (5 pts)
PANUTO: Tukuyin kung anong antas ng wika ang may mga salungguhit na salita sa dula:

Abbygale: Salamat pala sa iyong tulong (1) Pre, akala ko talaga wala na naman akong malalapitan.

Jerold: Walang anuman po Mare,(2) kaututang dila na kita noon paman kaya’t nararapat lamang na
hindi ako (3) mag-aatubiling tulungan ka.

Abbygale: (4) Ala eh, mabait ka kasi.

Lito: Buti nalang kamo may kaibigan tayong (5) umangat sa buhay.

SAGOT:

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like