You are on page 1of 7

GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag

ALMA B. MANERA, Editor

Likas sa ating mga tao ang pagpapahayag. Mula pagkasilang ay


gumagamit na tayo ng mga tunog at kilos na inuunawa ng ating mga magulang
kahit hindi ito nasasabi sa pamamagitan ng tuwid na pagpapahayag o
pananalita.
Sa paglipas ng panahon, natutuhan natin ang mga pamamaraan at
kasiningan ng pagpapahayag. Ang sining na ito ay naipakikita sa
pamamagitan ng ating kultural na kagawian sa pagsasalita at pagkilos. Dahil
sa mga pamamaraan ng pagpapahayag na bukod-tangi sa ating kultura,
nakikilala tayo bilang mga Filipino.
Lahat ay may katangiang magpahayag. Ngunit sa pamamaraan kung
paano ito isinasagawa ay maaaring nagkakaiba-iba. Tuklasin sa kabanatang
ito ang mga batayang kaalaman hinggil sa masining na pagpapahayag sa
retorika.

Ilalahad at tatalakayin dito ang sumusunod na paksa:


o Katuturan, Layunin at Gampanin ng Retorika
o Sangkap at Kahalagahan ng Retorika
o Saklaw ng Masining na Pagpapahayag
o Pamamaraan sa Masining na Pagsulat ng Pahayag
o Masining na Pagsulat ng Pahayag

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

ARALIN 1: Ang Retorika at ang mga Kakanyahan Nito

Bawat pahayag ay nagtataglay ng elementong tangi sa bawat indibidwal na kabilang sa kultural


na pangkat. Ayon sa mga dalubwika, ang isang speech community ay mayroong mga katangian sa
kanilang pagpapahayag na ikinaiiba nila sa iba pang mga pangkat. Maging ang mga social group ay
mayroon ding mga pamamaraan ng pagpapahayag na tangi at tiyak sa kanilang pangkat. Ang bigkas,
intonasyon, leksikon, gramatika at maging estilo ay iilan lamang sa mga pagkakaiba-ibang ito.
Bagama’t may iba’t ibang pamamaraan, iisa lamang naman ang tunguhin kung bakit tayo
nagpapahayag ang makipagkaunawaan at maging bahagi sa pagpapanatili ng ugnayan sa kapwa at
lipunan.

Layunin

Sa pagkatapos ng aralin, inaasahan sa mga mag-aaral na:

o Natatalakay ang katuturan, layunin at gampanin ng retorika.


o Naipapaliwanag ang mga sangkap at kahalagahan ng retorika.
o Natutukoy ang saklaw ng masining na pagpapahayag.

Retorika

Ang salitang retorika ay mula sa salitang Latin na rhetor. Ito ay nangangahulugang guro o
mahusay na mananalumpati. Nagsimula ang retorika biloang isang Sistema ng pakikipagtalo sa
Syracuse, isang isla sa Sicily noong ikalimang siglo bago dumating si Kristo.

Tumutukoy ang retorika sa agham at sining na pagpapahayag, pasalita man o pasulat, sa tulong
ng wasto at makabuluhang paggamit ng mga salita at kaagapay ang masining at mabisang estilo ng
pagwiwika. Sa lalong kilalang kahulugan, sng retorika ay sining ng mahusay, mabisa at mabuting
pagapaphayag ng mga kaisipan at damdamin.

Sa tradisyong sinauna, ang retorika ay karaniwang iniuugnay sa sining ng pagbigkas. Kabahagi


nito ang mga estilo sa pagsasalita (speaking) at pagkilos (gestures) upang makapagpahayag nang
matapat, masining at mabisa. Kaugnay nito, sinasabi nina Hasley at Friedman (1979) na ang retorika
ay isang berbal na agham at kumakasangkapan sa usapin ng lohika (logic) at balarila (grammar).

Layunin

Hindi sapat na maging wasto lamang ang ayos ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Kailangang mahigitan pa ang mga ito sa pamamagitan ng maganda at mabisang pagpapahayag na
magagawa lamang ng isang malikhaing manunulat. Layunin ng retorika ang sumusunod:

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

1. Makasulat nang mahusay. Ang mga ideya ay inilalapat at ginagamit sa praktikal na gawain tulad
ng pagbuo ng mga akdang pampanitikan. Anumang genre ng panitikang nabubuo ay
nagpapaunawa sa tao ng kanilang mga tradisyon, gawain at paniniwala. Sa kasalukuyan, dahil
sa mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong papel at paghahanda sa mga
proposal sa akademya ay nakakamit ang praktikalidad ng retorika.

2. Makapagpahayag nang kaaya-aya at tanggap sa lipunan. Tiyak na pangangailangan pa rin ang


kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumtuon sa dalawang pangunahing interbensyon sa
paggamit ng retorika: makapagpahayag gamit ang kasanayan sa pagsusulat at pagsasalita. Ang
pagpapahayag ay hindi lamang nauukol sa paggamit ng salita kundi layon din nito ang mabuting
pakikitungo sa lipunan.
3. Malayuning magamit ang wika. Nililinang sa retorika ang kahusayan sa wastong paggamit ng
mga salita upang makabuo ng makabuluhang ideya. Iniaangkop ang mga salita sa
pagpapahayag nang sa gayon ay mapabuti pa ang pag-unawa sa mga nais iparating sa kapwa.

Gampanin

May limang gampanin ang retorika. Ang mga gampaning ito ay nagsisilbing manipestasyon ng
pagiging likas na mapagpahayag ng isang indibidwal.

1. Bilang Diskursong Panlipunan. Ang retorika ay isang uri ng pagpapahayag panlipunan. Ito ay
behikulo upang masining na maipahayag sas mga tao ang mga layunin o adhikain sa sosyedad.
Naihahayag din nang maayos ang mga damdaming pambansa dahil sa retorika.
2. Bilang Tagapaghubog ng Katauhang Pansarili. Sa pamamagitan ng mabuting pagpapahayag,
nahuhubog o nahuhulma ang pananalita at pag-iisip ng isang tao. Nakahihikayat ito upang
maisakatuparan at maisapraktika ang nakagawiang pagpapahayag kaya nagbubunga ng
paghubog sa katauhang pansarili.
3. Bilang Huwaran ng Malayang Pagpapahayag (Freedom of Expression). Sa masining na
pagpapahayag, pasulat man o pasalita, ang retorika ay nagsisilbing behikulo upang maayos na
maiparating ang mga ideya at saloobin.
4. Bilang Manipesto ng Pagpapahayag at Pag-unlad. Ang patuloy na pagpapahayag ng tao ng
kaniyang kaisipan batay sa nagbabagong lipunan ay palatandaan ng patuloy na pag-unlad.
Nailalarawan ang mga pagbabagong ito sa katutubong oral na tradisyon ng pagpapahayag at
sa makabagong mundo ng social media.
5. Bilang Pundasyon sa pag-unawa sa Iba’t ibang Larangan ng Kaalaman. Ginagamit ang retorika
upang ihayag ang katotohanan sa lipunan at sa iba’t ibang larangan ng kaalaman. Kabilang sa
larangang ito ang politika, sosyolohiya at kultura, agham, teknolohiya, wika, pilosopiya at
marami pang iba.

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

Sangkap o Elemento

Ang paggamit ng retorika ay kinapapalooban ng iba’t ibang sangkap o element na nagpaparikit


sa paraan ng pagpapahayag at sa pagpapahusay ng nilalaman nito. Ang pagsasanib ng kariktan at
nilalaman ng pahayag ay nagtutungo sa maayos na paghahatid ng mga mensahe. May limang
elemento o sangkap ang retorika:

1. Mensahe o Kaisipan. Tinatawag din itong paksa. Ang mga ito ay mga ideya na nais ilahad at
liwanagin, mga kaisipang gusting ipahayag.
2. Organisasyon. Kung paanong ang mga ideya ay mailalahad nang maayos o sunod-sunod ang
konsern nito. Ang kalimitang tawag dito ay herarkiya ng mga kaisipan o nilalaman. Sa ibang
manunulat, ito ay tinatawag nilang lohika ng paglalahad ng kaisipan.
3. Estilo. Sinasabing ang mga pahayag na pasulat ay maaaring kagiliwan o hindi.
4. Paraan ng Paghahatid. Pasulat ba o pasalita? Paano maihahayag ang mga kaisipan?
5. Ekspresyon at Imbensiyon. Panloob na sangkap ang tumutukoy sa logos, ethos, at pathos.
Paano maipapadama ang damdamin at ideya ng pahayag?

Kahalagahan

Sa kasaysayan ng sangkatauhan, napatunayan na kung gaano kahalaga sa buhay ng tao ang


retorika. Ang patuloy na mabuting pakikipag-ugnayang pantao ay isang kalagayang
maipagmamalaki sa retorika.

Maliban pa rito, ang mga gawain ng tao araw-araw tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento
at paghahanap ng impormasyon at kaalaman ay napapagaan dahil sa masining na pagpapahayag.

Saklaw

Saklaw ng retorika ang dalawang elementong pang-komunikasyon: pasalita at pasulat. Saklaw


din nito ang iba’t ibang larangan ng kaalaman. Ang kalahatan ng mga larangan sa buhay ng tao ay
karaniwang kinasasangkutan ng maayos na pagpapahayag. Kabilang ang sumusunod na larangan
sa sinasaklawan ng retorika:

1. Edukasyon. Kinabibilangan ito ng mga gawaing pang-akademya tulad ng pananaliksik,


pagtuturo, pag-uulat, pagsulat ng panitikan, pagbuo ng mga kagamitan at talakayan.

2. Relihiyon. Nakatutulong ito sa pagpapalawak ng personal na pananaw ukol sa


pananampalataya.

3. Politika. Ang mga pambansang layunin kung maihahayag nang mabuti ay mauuwi sa kaularang
pangmadla. Saklaw ng retorika sa larangan ng politika ang mga Gawain tulad ng
pangangampanya, pagtatalumpati sa publiko, pagmamatuwid at pagpapanukala ng batas.
REXSON D. TAGUBA, LPT
Guro sa Filipino
GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

4. Batas. Nasasaklaw ng retorika ang batas dahil dito ay nagagamit ang mga teknikal na
terminolohiya sa pagdinig ng hatol sa kaso. Kasama na rin ang pagpapahayag ng mga salaysay,
argumento, paglilitis, pagtatanong at pagdadala ng mga sulating legal.

5. Kultura. Malaki ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan. Masasabing ang retorika ay
sumasaklaw sa mga ito. Ang wika ang daluyan ng retorika sa pamamagitan ng masining na
pagpapahayag at ang tunguhin ay ang kabutihan at kabuluhan ng isang kultura at lipunan.

6. Sosyolohiya. Sa usaping sosyolinggwistika, magkaugnay ang wika at lipunan. Kung paano


ginagamit ang wika sa lipunan ay nakaaapekto sa mga kaparaanan ng pagpapahayag.

7. Pilosopiya. Kabilang ang iba’t ibang argumento sa pagpapahayag ng katotohanan (Truth) at


kabalintunaan (Fallacy).

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

Halina’t Magsanay!! (Pagsasanay 1)

Pangalan _____________________________________

Taon at Seksyon ______________________________________

Guro ________________________________________________________

PANUTO: Isa-isahin ang hinihingi sa bawat letra.

A. 1 – 3 Tatlong Layunin ng Retorika

1. ______________________________________________

2. ______________________________________________

3. ______________________________________________

B. 4 – 8 Limang Gampanin ng Retorika

4. ______________________________________________

5. ______________________________________________

6. ______________________________________________

7. ______________________________________________

8. ______________________________________________

C. 9 – 10 Dalawang Elementong Pangkomunikasyon na Saklaw ng Retorika

9. ______________________________________________

10. _____________________________________________

D. Magbigay ng akrostik ng salitang RETORIKA.

R-

E-

T-

O-

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino
GE 11/FIL 2/FIL 3 – Retorika/Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

R-

I-

K-

A-

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino

You might also like