You are on page 1of 16
CATALIG fasining nd Pagpapahayag Masining na Pagpapahayag Prof. Gina R. Catalig FOC ee ary A. isang maayos at mabisang pakikipagtalastasan sa kapwa ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masining na pagpapahayag. Ano ang ibig sabihin ng masining na pagpapahayag? Ang retorika ay tumutukoy sa masining na pagpapahayag. Dalawa ang elementong dapat tandaan kapag retorika ang pinag-uusapan . . . . ang kagandahan ng pagpapahayag, at ang kawastuan ng pagpapahayag. Ang masining na pagpapahayag ay ang pagiging malikhain natin sa pagbuo ng mga matalinghagang pananalita na nakapag-iisip sa mga mambabasa o nakikinig. Upang maging mabisa ang isang pagpapahayag, nangangailangan ito nang lubos na kaalaman sa paksang pinag-uusapan. Kailangan din ang mayamang talasalitaan upang makapagpahayag nang maayos at mabisa. Gayundin naman, ang lubos na pag-unawa sa mga matalinghagang pananalita at ang pagsasaalang-alang sa iba’t ibang uri nito tulad ng idyoma, tayutay, makulay na pananalita at eupemistikong pananalita ay nagbubunga ng maunlad na talasalitaan at malawak na kaalaman sa pagbuo ng kaakit-akit at MSEUF QUARTERLY Tame eigen! x i mabisang pagpapahayag sa anumang nais ipahiwatig o ipakahulugan. Narito ang mga matatalinghagang salitang higit na makapagpapaunlad at makapagpapalawak ng ating kaalaman sa talasalitaan 0 bokabularyo. 1. Pahayag idyomatiko Ang Wikang Filipino ay mayaman sa mga sawikain. Ang, sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw. ‘Ang mga pagpapahayag na ito ay nagbibigay, hindi nang tiyakang kahulugan ng bawat salita, kundi ng ibang kahulugan. Isang parirala ito na ang kahulugan ay hindi mahahango sa alinmang bahagi ng pananalita. Sa sawikain, hindi ang tunay na kahulugan ng mga salita ang ibig sabihin ng mga ito. Maiisip pang mali sa mga tuntunin ng gramatika ito. Gayunman, makukuha ang kahulugan ng pahayag sa ibabaw 0 pagitan ng mga salitang ginamit. Idyoma sa Tagalog ‘agaw-buhay - naghihingalo between life and death (literal-life about to be snatched away) anak-dalita - mahirap poor alilang-kanin - utusang walang _|[ house-help with no income, sweldo, pagkain lamang provided with food and shelter balitang kutsero - hindi totoong || rumor, gossip, false story balita CATALIG Masining na Pagpapahayay balik-harap - mabuti sa harapan, taksil sa likuran double-faced person, one who betrays trust, bantay-salakay - taong nagbabait-baitan a person who pretends to be ood, opportunist bungang-tulog - panaginip dream (literal=fruit of sleep) balat-sibuyas - maramdamin a sensitive person (literal=onion-skinned) balat-kalabaw - mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya ‘one who is insensitive; with dense-face (literal=buffalo- skinned) buto't balat - payat na payat malnourished (literal=skin- and-bone) tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob insincere words halang ang bituka - salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao, a person with no moral compunction nagbabatak ng buto - nagtatrabaho nang higit sa kinakailangan ‘one who works hard makapal ang bulsa - maraming pera rich, wealthy butas ang bulsa - walang pera Poor kidlat sa bilis - napakabilis exceedingly fast kkusang palo - sarling sipag initiative mabigat ang kamay - tamad magtrabaho a lazy person magaan ang kamay - madaling manuntok, manapok, manakit ‘one who easily hits another person, mabilis ang Kamay - mandurukot a snatcher, pickpocket di makabasag-pinggan - mahinhin ‘a very demure, prim-and- proper person di mahulugang-karayom - maraming tao overcrowded place daga sa dibdib - takot Worry, fear wv, MSEUF QUARTERLY 4 4 Tome 0 Fabry 2 NE) (Wl agaw buhay - taong mamamatay na anak-pawis - taong mahirap / manggagawa anghel ng tahanan - mga batang maliliit na tampulan ng kagalakan ng isang mag-anak. basang sisiw — taong mahirap / hindi maayos ang itsura Biyernes Santo ang mukha - malungkot na malungkot bulang-gugo — gastador; galante di-mahapayang gatang — taong ayaw patalo o ayaw padaig durugin ang puso ~ pasakitan o pagpahirapin ang kalooban hambubukad - binabae humanap ng batong ipinukpok sa ulo - gumawa ng isang bagay na nakapinsala sa sarili. ibaon sa hukay - kinalimutan igisa sa sariling mantika - gumawa ng isang bagay na bumalik sa sarili; karma ikapitong langit - kaligayahang walang kapantay ilista sa tubig - pag-utang na hindi na babayaran itaga sa bato - pagkatiyak sa mga sinabi kahiramang suklay — kaibigan o kapalagayang-loob kalapating mababa ang lipad — isang patutot, babaeng bayaran kamay na bakal - gamitan ng paghihigpit lubad ang kulay - binabae lumalaki ang ulo — naguguluhan o nag-iisip nang malabis dahil sa isang suliranin. mabulaklak ang landas - kabuhayang maginhawa o maganda magaan ang dugo - mabuting palagay o pagtingin sa iba o pagkagiliw sa inaasal at mga gawain ng isang tao. magdilang-anghel — magkatotoo sana magdildil ng asin — hikahos maghigpit ng sinturon — magtipid asining na Pagnapanayag Noe magmamahabang-dulang ~ mag-aasawa magsagap ng alimuon — ugaling magtanggap ng balita, maging mabuti o masama mahangin ang ulo - mayabang, makati ang kamay — magnanakaw makating dila - madaldal matulis na dila — masakit magsalita may gintong kutsara sa bibig — pinanganak na mayaman may uod sa katawan ~ malikot o di mapalagay nagbubuhat ng sariling bangko — pinupuri ang sarili naghalukipkip ng kamay — nagwawalang bahala sa mga nakikita © nagpapabaya nagkrus ang landas - nagtagpo pagkatapos ng mahabang panahon nagmumurang kamyas - tumtukoy sa isang lalaki o babaing may kagulangan na ngunit nag-aasal o nag-aanyong bata pa. namuti ang mata — nainip sa kahihintay ningas-kugon — magaling lamang sa umpisa ngunit hindi tinatapos ang isang gawain pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - imposibleng mangyari pusong mamon — maawain sirang plaka — paulit ulit suntok sa buwan - mahirap abutin sunugin ang kilay - mag-aral nang mabuti taingang kawali — nagbibingi-bingihan tiklop-tuhod — nagmamakaawa Fy. MSEUF QUARTERLY 4 4 Tan 1 Feary ot yh fl 2. Eupemistikong Pananalita Ipinapahayag ito upang hindi tahasang makasasakit ng, damdamin ng kapwa. Ito rin ay mga pananalitang sa mga salita 0 pariralang kapag ipinahahayag sa tuwirang kahulugan ay nagdudulot ng pagkalungkot, pagkarimarim, pagkalagim o ibang di-kanais-nais na damdamin sa pinagsasabihan o nakaririnig. Malimit na ang pahayag na ito ay tumutukoy sa kamatayan, sa maselang bahagi ng katawan ng tao at sa malaswang gawain. Halimbawa: sumakabilang buhay —_pagsisiping 0 pagtatalik mansanas ni Eba 3. Makulay na Pananalita Tumutukoy sa pariralang ginagamit ng mga makata at manunulat sa kanilang kaaya-ayang paglalarawan sa ginagawang paghahambing sa paksang tinatalakay. Nakapagpapalutang ito sa kagandahan ng diwa sa binibigkas sinusulat na anyo ng panitikan na maaaring tula, kuwento, sanaysay, nobela, dula, at iba pa. Halimbawa: Landas na mabulaklak nawala ang puso sa lugar Malamakopang pisngi haharap sa dambana 4, Patayutay o Tayutay * Isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na kaiba at malayo sa karaniwang paraan ng pananalita at naglalayong magawang marikit, maharaya, masining upang maging akma, mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng sinuman sa damdaming ipinahihiwatig. * Ito rin ay isang salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang CATALIG Masining na Pagpapahayag Noe salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang, kanyang saloobin. * Isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan. Nakatutulong ito upang maging mabisa, masining at kawili-wili ang paglalarawan. * Figure of Speech sa ingles ay anyong paglalarawang-diwa na iba sa karaniwang paraan ng pagsasalita dahil sa ang kahulugan ay makikita sa malalim na pag-unawa 0 pag-iisip. * Tinatawag na “palamuti ng puso”. Nagtataglay ito ng mga salitang matalinghaga at makulay na umaakit at pumupukaw sa damdamin at kawilihan ng mambabasa. * Ang tayutay kapag epiktibong ginagamit ay nagbibigay ng bago at makulay na istilo sa pagsasalita at pagsusulat. * Ang manunulat na hasa sa paggamit ng tayutay ay nakatitipid sa mga salitang ginagamit bukod pa sa nagbibigay- kasiglahan sa nagbabasa. URI NG TAYUTAY 1. Pagtutulad (simile) — isang payak at tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga salita o pariralang, para ng, tulad ng, animo’y, katulad ng, kagaya ng, kawangis ng, wari, tila, parang, kapara, gaya, anaki’y, at iba pa. Halimbawa: * Ang kanyang kagandahan ay kawangis ng bituing nagniningning sa kalangitan. * Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan, * Si Maria na animo'y isang bagong, pitas na rosas ay hindi napaibig ng mayamang dayuhan.

You might also like