You are on page 1of 23

ANG EKSPOSITORI

Inihanda ni:
REXSON D. TAGUBA, LPT
Guro sa Filipino
AN
ON
GA
B AA
NG
EX
PO
SIT
OR
I?
Ang diskors na ekspositori ay tinatawag na
paglalahad sa maraming aklat sa Filipino.

Layunin nitong gumawa ng isang malinaw,


sapat at walang pagkiling na
pagpapaliwanag sa ano mang bagay na
nasasaklaw ng kaalaman ng tao.
MGA PAMAMARAAN NA
GAMIT NG TAO SA
PAGLALAHAD UPANG
MAGING EPEKTIBO SA
BUMABASA
 Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw
din ang pagkasulat nito.
 Gumagamit lamang ng mga salita at
pangungusap na
madaling maunawaan.
 Sikaping maging maayos ang organisasyon.

 Panatilihan ang makatawag-pansin na


simula, ang mayamang bahagi ng
katawan, at kapana-panabik na wakas.
 Basahing muli ang isinulat at iwasto kung
kinakailangan.

 Pumili ng angkop na pamagat at


isulat sa gitnang bahagi ng papel.
KALINAWAN
-Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang
mga salitang ginagamit.
KATIYAKAN
-Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at
tiyak ang layunin ng pagpapaliwanag.
Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa
tinatalakay.
KAUGNAYAN
-Magkakaugnay ang pangungusap at talata.

DIIN
-Binibigyang diin ang mga mahalagang
kaisipang nais talakayin.
URI NG
PAGLALAHAD
PAGBIBIGAY KATUTURAN
- napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng
isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.

PAGSUNOD SA PANUTO/PAMAMARAAN
Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng
paglaro ng isang uri ng laro.
PANGULONG TUDLING/EDITORYAL
- nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng isang
pahayagan o magasin tungkol
sa napapanahong isyu.
SANAYSAY
- anyong panitikan na naglalahad ng kuro-
kuro, pananaw, paniniwala at damdamin ng
manunulat, hango sa kanyang karanasan at sa
inaakalang palagay niya sa katotohanan.

BALITA
- naglalaman ng mga pang-araw-araw na
pangyayari sa loob at labas ng bansa.
TALA
- paglilista ng mga
bagay-bagay na dapat
gawin o
tandaan.
ULAT
-paglalahad ng mga kaisipan o
kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik
mula sa binasa, narinig, nakita o
naranasan.
PITAK
- karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman
ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang
napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o
sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.
MGA BAHAGI NG
PAGLALAHAD
SIMULA
- nakatatawag-pansin; nakakaakit;
nakapupukaw;nakagaganyak at nakahahatak ng
kuryosidad.
Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:
a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap
KATAWAN O GITNA
- binubuo ng talatang kinapalooban ng mga
pangunahin at pantulong na kaisipan upang
maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat
magkaroon ng kaisahan, kaugnayan at diin ang
mga kaisipan para hindi malito ang bumabasa.
WAKAS
- nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa
damdamin at kikintal sa isipan ng mamababasa.
Gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring
wakasan sa iba't ibang paraan. Balikan ang talakay
tungkol dito na naisa-isa na sa mga naunang aralin.
1. Pumili ng isang awtoridad hinggil sa paksang inyong
mapagkakasunduan sa klase.
2. Maghanda ng balangkas ng mga tanong kaugnay ng
paksang inyong napagkasunduan.
3. Intervyuhin ang awtoridad na iyong napili. Ibidyo ang
iyong intervyu hanggat maaari at itranskrayb iyon
pagkatapos.
Pagsulat ng Komposisyon:
1. Sumulat ng isang formal na sanaysay batay sa
mga datos na iyong nakalap sa intervyu.
Isaalang-alang muli ang mga katangian ng
isang mabuting talataan.
2. Ipakritik sa awtoridad na iyong intervyu ang
sanaysay na iyong isinulat. At hingin ang
kanyang reaksyon o masasabi sa iyong
isinulat.
3. Muli itong idagdag sa mga sulatin at ako ang
huling magkikritik.

You might also like