Ang TALATANG NAKASULAT ay nagtataglay ng kaisahan ng diwa.
Bawat pangungusap ay tumutulong sa pagbuo ng isang kaisipang inilalahad.
Ang pangungusap na ito ay tianatawag na paksang pangungusap. Ito ang
pinakapaksa ng talata ANG TALATANG PASALITA
Ang TALATANG PASALITA/ BINIBIGKAS ay maikli at hindi
gaanong formal na gaya ng talatang sinusulat.
Binubuo ito ng piling pangungusap na gaya ng talatang nakasulat
dahil may nakalaan lamang na oras para mabigkas iyon.
Ito ay nangangailangan din ng paksang pangungusap gaya ng
pasulat. MGA URI NG TALATA AYON SA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1. TALATANG NAGSASALAYSAY- Ito ay nagkukuwento,
isinasaad ditto kung SAAN, KAILAN at PAANO naganap ang mga pangyayari.
2. TALATANG NAGLALARAWAN- Ito’y naglalaman ng ating
nakikita, naririnig, nadarama at maging anyo, hugis, kulay at katangian sa kabuuan. MGA URI NG TALATA AYON SA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
3. TALATANG NAGLALAHAD- Ito’y nagpapaliwanag o
nagsasaad ng isang katotohanan, palagay o opinion.
2. TALATANG NANGANGATWIRAN- Ang layunin ng
talatang ito ay mapapaniwala o mapasang-ayon ang iba sa kanyang katwiran. HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO A. DEFINISYON
Anyo ng paglalahad na nagpapaliwanag upang
mabigyang linaw ang isang terminolohiya, ideya o salita.
Binubuo ito ng 3 bahagi:
1. Salita o terminolohiya 2. Pangkat na kinabibilangan o kaurian 3. Kaibahan DALAWANG URI NG DEFINISYON
1. FORMAL NA DEFINISYON- Kung ito ay
nagtataglay ng tinging siyentipiko at makikita sa diksyunaryo at iba pang aklat pampaaralan.
Halimbawa: Pandiwa- ito ay salitang nagpapakilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita o pangungusap. DALAWANG URI NG DEFINISYON
2. INFORMAL NA DEFINISYON- Ito ay naglalayong
magpaliwanag sa paraang nakakapukaw ng damdamin o kawilihan; karaniwang makikita sa mga sanaysay at sa isang babasahin.
Halimbawa: Ang pandiwa ay nakikilala sa pamamagitan ng
mga implikasyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito. B. ILUSTRASYON/ DETALYE/ HALIMBAWA Ito’y itinuturing na isa sa pinakakaraniwang paraan ng katuturan. Ang lahat ng halimbawa ay dapat na maging batay sa katunayang madaling maunawaan. C. PAGHAHAMBING/ PAG-IIBA
Paraan ng katuturan na halos katulad ng
paghahalimbawa. Pinaghahambing o pinag- iiba ang paksang hindi nauunawaan sa karanasan o bagay na alam na. D. TIME ARRANGEMENT
Isang pamamaraan ng wastong
pagsasaalang-alang sa wastong pagkakasunod-sunod batay sa oras at panahon. Ang Komposisyon Ang pagsulat ng komposisyon ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Dito sinasanay ang mga mag- aaral upang mahasa sa pagsulat. Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagpapakahulugan sa mga pangyayari sa kapaligiran at pagbibigay ng kuru-kuro. Mga Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Komposisyon 1. PAKSA
-Ito ang kalamnan ng sulatin kaya kung walang
paksa at walang isusulat.
Laging isaisip na ang anumang paksang
susulatin ay yaong kawili-wili sa bumabasa. 2. PAMAGAT
- Lahat ng akda ay may pamagat at ito ay dapat
na makatawag pansin.
Sa pamagat pa lamang ay makukuha na ang
interes ng mambabasa kung ito ay kakaiba. 3. PAGSISIMULA
-Masasabing nakasalalay ang
kinabukasan ng isang akda. 3. PANGWAKAS
-Ang wakas ang siyang huling bagay na
makikintal sa isip ng mambabasa at tagapkinig kaya ito’y mahalaga.