You are on page 1of 3

APP 003: FILIPINO SA PILING LARANGAN

MODULE 1: PAGBIBIGAY-KAHULUGAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

AKADEMIKONG PAGSULAT
● Ito ay karaniwang ginagamit sa mga institusyon ng edukasyon at sa mga akademikong komunidad.
● Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon na kung saan nangangailangan ng mataas
na kasanayan ng pagsulat.
● Ang akademikong pagsulat ay isang mahalagang kasangkapan sa pagpapaunlad ng kaalaman diskurso sa larangan Ng
edukasyon at pag-aaral.
● Pinag-aaralan, pinag-iisipan at may bantayan ang lahat ng pahayag o isusulat.

PAGKAKAIBA NG AKADEMIKO AT DI-AKADEMIKONG PAGSULAT

AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
1. ORGANISASYON NG IDEYA 1. ORGANISASYON NG IDEYA:
✓ Planado ang ideya ✓ Hindi malinaw and estruktura
✓ May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga ✓ Hindi kailangan ng magkakaugnay ang mga
pahayag ideya.
✓ Magkakaugnay ang mga ideya 2. PANAW
2. PANANAW ✓ Subhetibo
✓ Obhetibo ✓ Sariling opinyon at kabuuang pagtukoy
✓ Hindi direktang tumutukoy sa Tao at damdamin ✓ Tao at damdamin ang tinutukoy
kundi sa mga bagay, ideya ✓ Nasa una at pangalawa panauhan ang
✓ Totoo pagkakasulat
✓ Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat

MODULE 2: PAGPAPALIWANAG AT PAGSASAGAWA NG MGA PROSESO SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATING.

Bago Sumulat Ito'y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na
isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isinulat.

Pagsulat ng burador Ito'y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring
pagkakamali

Pagrerebisa Ito'y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto
mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

Pag-eedit Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap,


wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

Paglalathala Ito ang panghuling hakbang na kung saan ibabahagi ang nabuong ponal na kopya ng
sulatin sa mga target na mambabasa.

MODULE 3: PAGTUKOY SA MGA IBA'T IBANG HULWARAN NG PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN.

PAGHAHALIMBAWA → ginagamit Ito lalo na sa mga paksang abstrak.


→ nagpapahiwatig ng ilustrasyon o pagbibigay.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN → maanyo


→ pasanaysay

PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
Ang pagbibigay-kahulugan ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglilinaw
sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan.

Maanyo → Ito ay tumutukoy sa isang mag tuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito ay
tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.
Tatlong bahagi
Katawagan (form) → Salitang ipinaliwanag o binibigyang-kahulugan.
Halimbawa: Ang Parabula

Klase o Uri (genus) → kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad na bagay.
Halimbawa: Ang Parabula ay isang maikling kwento.

Mga katangiang ikinaiba ng salita (difference)


Paglalarawan na ikinaiba ng salitang binibigyang-depinisyon sa iba pang salita o katawagan. Hal.Ang parabula ay isang maikling
kwento na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang moral o espirituwal sa isang kwento.

PASANAYSAY → Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili- wili,
makapangyarihan at makapag pampasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang tiyak na abala ito basta't
makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan.

Halimbawa: Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod sumuway sa sariling kalooban o ang tinatawag nating
malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.

Halimbawa: Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakailag tayo sa masama at
makagagawa ng inaakala nating magaling.

Ang mga sumusunod ay mga iba pang uri ng hulwaran na maaaring magamit sa pagsulat ng akademikong sulatin. Ito ay ang sanhi
- bunga at proseso.

● Sanhi at Bunga → Ito ay ang pagtunton sa pinagmulan ng isang isang bagay maging ang dahilan at epekto nito.
Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katwiran sa teksto.

● Proseso → Ito ang pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay o kung ano ang mabuting paraan upang
matamo ang isang layunin.

MODULE 4 AND 5 : PAGKILALA SA MGA IBA'T IBANG SULATING AKADEMIKO AYON SA KATANGIAN, LAYUNIN AT GAMIT.

AKADEMIKONG SULATIN LAYUNIN AT/ O GAMIT KATANGIAN

ABSTRAK Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat Hindi gaanong mahaba,


ng akademikong papel para sa tesis, organisado ayon sa
papel siyentipiko at teknikal, lektyur at pagkakasunod-sunod
report. Layunin nitong mapaikli o ng nilalaman.
mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel.

SINTESIS Ang kalimitang ginagamit sa mga 3 Kinapapalooban ng overview ng akda.


tekstong naratibo para mabigyan ng Organisado ayon sa sunod-sunod na
buod, tulad ng maiklling kwento. pangyayari sa kwento.

BIONOTE Ginagamit para sa personal profile ng May makatotohanang paglalahad sa


isang tao, tulad ng kanyang academic isang tao.
career at iba pang impormasyon ukol sa
kanya.

MEMORANDUM Maipabatid ang mga impormasyon ukol Organisado at malinaw para


sa gaganaping pagpupulong 0 maunawaan ng mabuti.
pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras,
petsa at lugar ng gaganaping
pagpupulong.

AGENDA Layunin nitong ipakita o ipabatid ang Pormal at organisado para sa kaayusan
paksang tatalakayin sa pagpupulong na ng daloy ng
magaganap para sa kaayusan ng at pagpupulong.
organisadong pagpupulong.
PANUKALANG PROYEKTO Makapaglatag ng proposal sa Pormal, nakabatay sa uri ng mga
proyektong nais ipatupad. Naglalayong tagapakinig at may malinaw ang ayos ng
mabigyan ng resolba ang mga problema ideya.
o suliranin.

TALUMPATI Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng Pormal, nakabatay sa uri ng mga


isang paksang naglalayong tagapakinig at may malinaw ang ayos ng
manghikayat, tumugon, mangatwiran at ideya.
magbigay ng kabatiran o kaalaman.

KATITIKAN NG PULONG Ito ay ang tala o rekord o pag Ito ay dapat na organisado ayon sa
dokumento ng mga mahahalagang pagkakasunod- sunod ng mga puntong
puntong inilahad sa isang pagpupulong. napag-usapan at

POSISYONG PAPEL Ito ay naglalayong maipaglaban kung Ito ay nararapat na maging pormal at
ano ang alam mong tama. Ito ay organisado ang pagkakasunod-sunod ng
nagtatakwil ng kamalian na hindi ideya
tanggap ng karamihan.

REPLEKTIBONG SANAYSAY Ito ay uri ng sanaysay kung saan Isang replektib na karanasang personal
nagbabalik tanaw ang manunulat at sa buhay o sa mga binasa at napanood.
nagrereplk. Nangangailangan ito ng
reksyon at opinyon ng manunulat.

PIKTORYAL NA SANAYSAY Kakikitaan ng mas maraming larawan o Organisado makabuluhang at may


litrato kaysa sa mga salita. pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na
pangungusap.

LAKBAY SANAYSAY Ito ay isang uri ng sanaysay na Mas madami ang teksto kaysa sa mga
makakapagbalik tanaw sa paglalakbay larawan.
na ginawa ng manunulat.

MODULE 6: PAGPAPALIWANAG SA MGA GABAY SA PAGSULAT NG ABSTRAK

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
Samakatuwid, ang sulating abstrak ay naglalayong mabigyang-diin ang pinakamahalagang aspeto ng orihinal na teksto sa isang
maikling pahayag, na nagbibigay ng mga mahalagang impormasyon upang maakit at mabigyan ng pangkalahatang pag-unawa ang
mga mambabasa.

Mga elemento ng abstrak

● Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang pagkakaroon ng elementong ito ay nagbibigay
ng interes sa isang mambabasa para ito ay mahikayat na basahin ang gawa ng isang manunulat.
● Mayroong malinaw katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat ng malinaw na kasagutan o
tugon sa para magamit ng mga mambabasa.
● Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstark. Magkaroon ng sariling istilo o pamamaraan
ng panulat.
● Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o problema sa abstrak na sulatin ay
magkaroon ng direktibang sagot utugon para mapunan ang kabuuan ngnasabing sulatin.
● Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga aral na balang araw ay magagamit ng
bumasa ng akda ng isang manunulat

You might also like