You are on page 1of 3

Pang-Terminong Proyekto sa Filipino sa Piling Larang Akademik

Kwarter 1. Ikaunang Linggo

Aralin: Kalikasan at Katangian ng Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Akademiko

Ang akademikong sulatin ay isang masinop at sistematikong sulatin ukol sa isang


karanasang panlipunan na maari pang maging batayan ng marami pang pag aaral na
magagamit sa pagtaguyod ng lipunan. Ang karaniwang estrutura ng isang akademikong
sulatin ay may simula na naglalaman ng introduksyon, gitna na naglalaman ng paliwanag at
wakas na naglalaman ng resolusyon, konklusyon at rekomendasyon.

Akademikong Sulatin Layunin at Gamit


Ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa
tesis, papel siyentipiko, at teknikal, lektyur at report.
Abstrak Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang
mga akademikong papel.

Ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan


Sintesis ng buod, tulad ng maikling kwento.

Ginagamit para sa personal profile ng isang tao,


Bionote tulad ng kanyang academic career atpb
impormasyon.

Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa


gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Nakapalood
Memorandum ditoang oras, petsa, at lugar ng gaganaping
pagpupulong.

Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang


Agenda tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa
kaayusan ng at organisadong pagpupulong.

Ito ay tala o record o padodocumento ng mga


Katitikan ng Pulong mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.

Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Akademikong Sulatin


1. Obhektibo
2. Pormal
3. Maliwanag at organisado
4. May paninindigan
5. May pananagutan
Katangian ng Akademiko at Di-Akademikong Gawain

Katangian ayon sa Akademiko Di-akademiko

 Planado and ideya  Hindi malinaw ang


Organisayon ng Ideya  May pagkasunod-sunod ang estruktura
estruktura ng mga pahayag  Hindi kailangan
 Magkakaugnay ang mga magkaugnay-ugnay
ideya ang mga ideya

 Obhektibo  Subhektibo
 Hindi direktang tumutukoy  Sariling opinion,
sa tao at damdamin kundi sa pamilya, komunidad
mga bagay, ideya, facts ang pagtukoy
Pananaw  Nasa pangatlong panauhan  Tao at damdamin
ang pagkakasulat ang tinutukoy
 Hndi direktang tumutukoy  Nasa una at
sa tao at damdamin at hindi pangalawang
gumagamit ng pangalawang panauhan ang
panauhan pagkakasulat.

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda ng Akademikong Pagsulat


1. Matiyaga
2. Maingat
3. Sistematiko
4. Kritikal
5. Matapat

Sa panahon natin ngayon nalilimutan na natin kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng
akademikong sulatin kung kaya't nahihirapan tayo sa pagsulat ng mga ito. Mahalagang matutunan
ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na
kaalaman kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Kung ikaw ang manunulat
maihahayag mo nang maayos ang nais mong iparating sa mga babasa nito.

Marapat lamang na pag aralan at magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano ang pagsulat
nito. Papaano na lamang kung hindi tayo maalam sa pagsulat ng akademikong sulatin? Maaaring
hindi natin maihahayag ng wasto ang ating sarili sa paraan ng pagsulat at maaari din na hindi ito
madaling mauunawaan. Kung kaya't dapat nating aralin ito.

You might also like