You are on page 1of 2

Pang-Terminong Proyekto sa Filipino sa Piling Larang Akademik

Kwarter 1. Ikaapat na Linggo

A. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Organisado at Malikhaing Akademiko sa


Pagsulat (Abstrak, Sintesis, at Bionote)

B1. Ang abstrak, sintesis, at bionote ay mga halimbawa ng akademikong


sulatin na may tinataglay na sariling layunin. Ang abstrak ang nagtataglay ng
daloy ng mga kumprehensya o anumang may lalim na pagsusuri sa isang
paksa at ito ay karaniwang makikita sa unamg bahagi ng sulatin o manuskrito.
May mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak at ito ay ang mga:
1. Mahalagang detalye o kaisipan
2. Iwasan ang statistical figure
3. Simple, malinaw at direktang paglalahad
4. Ilahad ang pangunahing kaisipan
5. Maikli ngunit kumprehensibo
Sa pagsusulat ng abstrak, kinakailangang isaalang-alang ang mahahalagang
kaisipang nakuha at pagsusunuring maigi. Samantala, ang pagsulat ng sintesis
ay nangangailangan na isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng
opinion o kuro-kuro ang isinusulat. Sa pagsulat naman ng bionote ay
kailangang sikapin na maisulat ng maikli. Kung gagamitin sa resume gumamit
ng 200 na salita. Kung para networking site, isulat ito ng 5 hanggang 6 na
pangungusap.

B2. Ang pag-alam sa mga hakbang sa pagsulat ng organisado at maikling


akademiko sa pagsulat ay napakahalaga sapagkat ito ang gabay para
makagawa ng espepik na sulatin. Ito ang gagawing batayan upang ang iyong
gagawing pagsulat ng espesipik na akademikong sulatin ay maayos, malinaw,
at nasa punto.

B3. Ang paksang ito ay mayroong makabuluhang relasyon sa mga estudyante


tulad ng pagbibigay ideya kung papaano gumawa ng akademikong sulatin
gamit ang mga hakbang na inilahad sa araling ito. Magiging maayos at
organasido ang estraktura ng sulatin kung merong direksyon ang pagsulat .
Mas malinaw ang nilalaman ng akademiko sa pagsulat.

C. Ang hakbang sa pagsulat ng organisado at malikhaing akademiko sa


pagsulat ay naglalaayong magbigay alam kung papaano ang wastong paggawa
ng akademikong sulatin. Nalalayon ang tiyak na layunin at naipalawak ang
kaisipan sa paggawa ng malikhaing sulatin na naglalaman ng maayos na daloy
ng mga ideya at impormasyon.
D.

You might also like