You are on page 1of 23

WEEK 6

Balik Tanaw
Bakit
isinusulat ang
Ano ang Bionote? Bionote?

Sa pagsulat ng Bionote,
bakit kailangang sundin ang Bakit kailangang
baligtad na tatsulok? kilalanin ang mga
mambabasa o target
na market sa pagsulat
ng Bionote?
Naaalala mo
pa ba ang
mga bahagi
ng
pananaliksik?
Basahin ang teksto (Crossword Puzzle:
Pagpapalawak ng Bokabularyo ng mga Mag-aaral sa
Baitang 7) at sagutan ang sumusunod na mga
katanungan.
Ano ang paksang binibigyang-diin sa binasang teksto?

Ano ang dahilan ng pagsasagawa ng pag-aaral at paano


makatutulong ang pagaaral sa paglutas ng isang suliranin?

Anong metodolohiya ang ginamit sa pag-aaral?

Ano ang naging mahalagang resulta ng pag-aaral?

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ano ang


naging konklusyon ng mananaliksik?
ABSTRAK
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report
o naglalaman ng pinakabuod ng akademikong papel. Ito ay
kadalasang bahagi ng tesis o disertasyon na makikita sa
unahang bahagi ng pananaliksik pagkatatapos ng title
page. Layunin nitong magbigay ng kabuuang ideya ukol
sa paksa. Sapat na rin itong batayan upang matanggap o
di-matanggap ang paksa at basahin pa ang papel.
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to
Write an Abstract(1997), bagama’t ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali /
Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon,
resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon
sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat
bahagi ng sulatin o ulat.
DESKRIPTIBONG ABSTRAK IMPORMATIBONG
ABSTRAK
Isang maiksing uri ng abstrak. Nagtataglay ng lahat ng element
Kadalasang binubuo ng isang ng abstrak. Detalyado at malinaw
daan o kulang sa isang daan na ang mga impormasyon na
mga salita at walang konkretong makikita sa babasahing ito kay
buod o resulta ng isang sulatin higit na kapaki-pakinabang para
ang mambabasa sa uri ng abstrak sa mga mambabasa. Binubuo ito
na ito. ng dalawang daan at limampung
salita o higit pa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga


akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan
ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng
mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang
pagaaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o
table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.

3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga


pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang
mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.

5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli


ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng
babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon
ng pag-aaral ng ginawa.
Magsaliksik ng mga halimbawa ng abstrak hinggil sa
agham, humanidades, o pangangalakal. Tukuyin ang
nilalaman ng abstrak ayon sa:
a. Pamagat
b.Layunin
c. Pokus
d. Metodolohiyang ginamit
e. Resulta
f. Konklusyon at implikasyon

You might also like