You are on page 1of 9

Pagsulat ng Abstrak

Kahulugan ng Abstrak
• Nagmula sa salitang Latin na abstracum, na nangangahulugang maikling
buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon .
• Ito ay ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
• Ipinapaalam nito sa mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa
pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
Dalawang uri ng Abstrak
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
 Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang  Ipinahahayag nito sa mga mamababasa ang
mga pangunahing ideya ng papel mahahalagang ideya ng papel
 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin at  Binubuod dito ang kaligiran,layunin, tuon,
tuon ng papel o artikulo. metodolohiya, resulta at kongklusyo ng papel
 Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na  Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng
isinasama ang pamamaraang ginamit, buong papel at isang talata lamang.
kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon  Mas karaniwang itong ginagamit sa larangan
 Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel ng agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-
aaral sa sikolohiya.
sa humanidades at agham panlipunan, at sa
mga sanaysay na sikolohiya.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahing muli ang buong papel.
2. Isulat ang unang draft
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa
organisasyon at ugnayan magdagdag ng mahahalagang impormasyon,
iwasto ang tamang grammar.
4. I-proofread ang pinal na kopya.
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
 Binubuo ng 200-250 na mga salita
 Gumamit ng mga simpleng pangungusap na nakakatayo sa sarili nto
bilang isang yunit ng impormasyon.
 Kompleto ang mga bahagi
 Walang impormasyon ang hindi nabanggit sa paksa.
 Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa
Pagsulat ng Bionote
• Ang Bionote ay isang impomatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung sino ka at ano-ano na ang mga nagawa mo bilang isang
propesyonal.
• Inilalahad dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may
kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel, sa trabahong nais pasukan.
• Ito ay maituturing na marketing tool.
Bakit tayo nagsusulat ng Bionote?
Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang
ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ay paraan upang ipakilala
ang sarili sa mambabasa.
Mga Katangian ng Mahusay na Bionote
 Maikli ang nilalaman- karaniwang hindi binabasa ang mahahabang
bionote, lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag
na impormasyon
 Gumagamit ng pangatlong panauhan. Laging gumamit ng pangatlong
panauhang pananaw sa pagsulat ng Bionote, kahit ito ay tungkol sa sarili
 Kiniklala ang mambabasa. Kailangang isaalang-alang ang mambabasasa
pagsulat ng bionote
Mga Katangian ng Mahusay na Bionote
 Gumamit ng baliktad na tatsulok. Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon.
Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Mamili lamang ng
kasanay o katangian na angkop sa layuin ng bionote.
Binabanggit ang degree kung kailangan.
Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Siguraduhin na tama o totoo ang
impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang
pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang
reputasyon dahil dito.

You might also like