You are on page 1of 13

abstrak - mula sa Latin na abstracum,

ay ang buod ng artikulo o ulat na


inilalagay bago ang introduksiyon.
Ipinaaalam nito sa mga mambabasa ang
paksa at kung ano ang aasahan nila sa
pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
May dalawang uri ito: deskriptibo at
impormatibo.
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
Inilalarawan nito sa mga
Ipinahahayag nito sa mga

mambabasa ang mga pangunahing


mambabasa ang mahahalagang

ideya ng papel. ideya ng papel.


Nakapaloob dito ang kaligiran,
Binubuod dito ang kaligiran, layunin,

layunin, at tuon ng papel o artikulo. tuon, metodolohiya, resulta, at

Kung ito ay papel-pananaliksik,


konklusyon ng papel.
hindi na isinasama ang
Maikli ito, karaniwang 10% ng haba

pamamaraang ginamit, kinalabasan


ng buong papel, at isang talata

ng pag-aaral, at konklusyon, lamang.


Maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagsusulat ng isang mahusay na

abstrak:

1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isasalang-alang ang gagawing
abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta,
konklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahagi na kailangan sa uri ng abstrak na
isusulat.
2. Isulat ang unang borador o draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap.
Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita.
3. Rebisahin ang unang borador upang maiwasto ang anumang kahinaan sa
organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap; tanggalin ang mga hindi na
kailangang impormasyon; dagdagan ng mahahalagang impormasyon; maging matipid
sa mga gamit ng slaita; at iwasto ang mga maling gramatika at mekaniks.
4. Basahing muli ang nabuong papel upang matiyak na masinsin ang pagkakasulat nito.
5. I-proofread ang pinal na kopya.
Upang makasulat ng isang mahusay na abstrak, isaalang-alang ang

mga sumusunod:

1. Nababanggit ng pinakamahahalagang impormasyon ng

saliksik.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa

sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon.


3. Kompleto ang mga bahagi
4. Malay sa bilang ng salitang gamit
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa.
bionote - impormatibong talata
tungkol sa isang indibidwal. Sa
pamamagitan nito, naipapakilala ng
isang indibidwal ang kanyang sarili
sa mambabasa at naipababatid din
ang kanyang mga nakamit bilang
propesyonal.
bionote - impormatibong talata tungkol sa isang
indibidwal. Sa pamamagitan nito, naipapakilala ng isang
indibidwal ang kanyang sarili sa mambabasa at
naipababatid din ang kanyang mga nakamit bilang
propesyonal. Inilalahad din dito ang iba pang
impormasyon tungkol sa isang indibidwal na may
kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel, sa aklat na
isinulat, o sa nilalaman ng blog o website. Nakasulat ang
bionote gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan.
Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography.
Ang bionote ay maikli at siksik sa laman,
samantalang ang talambuhay at autobiography ay
mas detalyado at mas mahaba. Iba rin ang
bionote sa biodata at curriculum vitae (CV).
Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa
iba ang ilang personal na impormasyon kundi
maging ang kredibilidad sa larangang
kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala ang
sarili sa mga mambabasa.
Maikli ang nilalaman. Sikaping paikliin ang bionote
at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.
Iwasan ang pagyayabang.
Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw.
Laging gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito ay
tungkol sa sarili.
Halimbawa: "Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA
Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong
pamantasan."

Kinikilala ang mambabasa. Kailangang isaalang-


alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung
ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa
kung ano ang hinahanap nila.
Gumagamit ng baligtad na tatsulok. Katulad sa
pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay
upang mabigyang-diin agad ang
pinakamahahalagang kredensiyal.
Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o
katangian. Iwasan ito: "Si Mailan ay
guro/manunulat/negosyante/environmentalist/chef."
Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na
angkop sa layunin ng bionote.
Binabanggit ang digri kung kailangan. Kung
halimbawa ay may PhD sa antropolohiya at
nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag
sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang
kredensiyal o katibayang ito.

Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.


Kung kailangan upang matanggap sa inaaplayan o
upang maipakita sa iba ang kakayahan, walang
masama kung babanggitin ang mga ito.

You might also like