You are on page 1of 10

PAGSULAT NG

TALUMPATI
TALUMPATI
isang diskursong tumatalakay sa
pananaw ng isang mananalumpati
tungkol sa isang paksa o isyu.
Binibigkas ito sa harap ng mga
tagapakinig o manonood. Nakasalalay
ang tagumpay ng isang talumpati sa
pagtanggap ng tagapakinig.
1 IMPORMATIBO
Naglalahad ito ng mga kaalaman

tungkol sa isang partikular na

URI NG TALUMPATI

paksa. AYON SA LAYUNIN


NANGHIHIKAYAT
2 Kapag ang hinihimok o kinukumbinsi nito

ang tagapakinig na magsagawa ng isang


OKASYONAL

4
partikular na kilos o panigan ang isang
Isinusulat at binibigkas

opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. para sa isang partikular na

3
okasyon tulad ng kasal,

NANG-AALIW kaarawan, despedida,

Kapag ang tuon ay libangin


parangal at iba pa.
ang mga tagapakinig.
URI NG TALUMPATI

AYON SA PAGHAHANDA
IMPROMPTU
Halos walang paghahanda sa pagsulat at
pagbigkas ng talumpati. Halimbawa nito ang
biglaang pagtawag tuwing may okasyon, tulad
sa isang kaarawan, upang magbigay ng maikling
talumpati.

EXTEMPORANEOUS
Tila walang paghahandang ginawa, ngunit sa
katotohanan ay mayroon. Pinaghahandaan ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang
maging epektibo ang pagbigkas.
PROSESO SA PAGSULAT
NG TALUMPATI
PAGHAHANDA
Mahalagang mapukaw ang atensyon ng tagapakinig sa pamungad na
pangungusap pa lamang. Sa pagsulat ng introduksiyon, ihanda at isama sila sa
"paglalakbay."

PAG-UNLAD
Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Sa
pagsulat, siguraduhing nakatutok ang atensyon nila. Lumikha ng "tensyon",
magkwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit
ng mga tayutay at mga talinghagang bukambibig.
PROSESO SA PAGSULAT
NG TALUMPATI
KASUKDULAN
Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito ang
bahaging pinakamatindi na ang emosyon.

PAGBABA
Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati. Paano ba ito tatapusin?
Maaaring ibuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati. Maaari ring mag-
iwan ng mga tanong. Anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang matamo ng
konklusyon ang diwa ng talumpati.
GABAY SA PAGSULAT

NG TALUMPATI
TUON
Bakit ako magsusulat ng

talumpati?
Ano ang paksa?
Ano ang mensaheng nais kong

ipahayag?
Ano ang gusto kong mangyari sa

aking tagapakinig?
Ano ang kahalagahan ng paksang

tatalakayin ko?
GABAY SA PAGSULAT

NG TALUMPATI

TAGAPAKINIG
Sino ang aking mga

tagapakinig?
Bakit sila makikinig sa

talumpati?
Anong mahahalagang bagay ang

nais kong baunin ng

tagapakinig?
PAGSULAT
Paano ko pupukawin ang atensyon ng tagapakinig?
Anong lenggwahe ang gagamitin ko?
Ano ang tono ng aking talumpati?
Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
PAGSASANAY
Natural bang pakinggan

ng aking talumpati at

madulas ba ang daloy ng

wika nito?
Ano-ano ang mga

kalakasan at kahinaan ng

aking talumpati?

You might also like