You are on page 1of 22

Ang talumpati ay ang

pagpapahayag ng kaisipan o
opinion tungkol sa isang paksa, sa
pamamagitan ng pagsasalita ssa
entablado.
Ito ay ginagawa sa harapan ng
pangkat ng mga tagapakinig. Ang
talumpati ay maaring basahin isaulo
o ibalangkas.
Mga Uri ng
Talumpati
Talumpati ayon
sa Layunin
❖ Impormatibo - ito ay
naglalahad ng mga
kaalaman tungkol sa
isang particular na paksa.

Hal. Talumpati tungkol sa


Mental Health.
❖ Nanghihikayat –
nanghihikayat sa tagapakinig
na magsagawa ng isang kilos
o kaya hikayatin na panigan
ang opinyon o paniniwala ng
tagapagsalita.

Hal. Talumpati tungkol sa masamang


dulot ng aborsyon.
❖ Mang-aliw - talumpating
nang-aaliw o nagpapatawa
sa tagapakinig.

Hal. Pagpapatawa ng mga


komedyante sa comedy bar.
❖ Okasyonal - talumpating
isinusulat at binibigkas para
sa isang partikular na
okasyon katulad ng kasal,
kaarawan at parangal.
Talumpati sa
Kahandaan
Talumpati sa
Kahandaan
❖ Impromptu - halos
walang paghahanda sa
pagsulat at pagbigkas
ng talumpati.
Hal. Biglaang pagtawag sa
may kaarawan upang
magbigay ng maikling
talumpati.
❖ Extemporaneous -
pinaghahandaan ito sa
pamamagitan ng pagsulat
ng speech plan upang
maging epektibo ang
pagbigkas.
Proseso sa Pagsulat ng
Talumpati
1 Paghahanda -
Mahalaganag mapukaw
ang atensyon ng
tagapakinig sa unang
pangungusap pa lamang.
2 Pag-unlad – sa
bahaging ito kailangang
lumikha ng tensyon,
magkuwento o magbigay ng
halimbawa at mga tayutay
ang tagapagsalita upang
hindi sila bitawan ng
tagapakinig.
3 Kasukdulan - ito ang
tuktok na bahagi ng
talumpati. Inilalahad dito
ang pinakamahalagang
mensahe ng talumpati.
4 Pagbaba - ito ang
pagtatapos na bahagi ng
talumpati. Paano ba ito
tapusin? Maaring ibuod ang
mahalagang puntong
tinalakay o mag-iwan ng
tanong o parirala.
Gabay sa Pagsulat ng TalumpatI
Tuon
✓ Bakit ako magsusulat ng talumpati?

✓ Ano ang paksa?

✓ Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?

✓ Ano ang gusto kong mangyari sa aking tagapakinig?

✓ Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?


Tagapakinig
✓ Sino ang aking tagapakinig?

✓ Bakit sila makikinig sa talumpati?

✓ Anong mahahalagang bagay ang nais kong


baunin ng tagapakinig?
Pagsulat
✓ paano ko pupukawin ang atensyon ng tagapakinig?

✓ Anong lenggwahe ang gagamitin ko?

✓ Ano ang tono ng aking talumpati?

✓ Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?

✓ Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?

You might also like