You are on page 1of 61

Ang alamat ay itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan

nanggaling ang isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung


kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Mga Alamat o legend o folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng


panitikan na nagkukuwento o tumatalakay sa pinagmulan ng mga
bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Eto din ay tumatalakay sa
mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Isa itong kuwento
na kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba at sumasalamin sa
kultura ng bayang pinagmulan.
Anekdota

Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang


pangyayari o insidente.
DULA
1.
Talumpati - nagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap ng
madla - sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita sa harap ng mga
tagapakinig
2. 3. Uri ng Talumpati ayon sa Layunin 1. Impormatibo - naglalahad ng mga kaalaman tungkol
sa isang partikular na paksa
3. 4. Halimbawa: ● Epekto ng schizophrenia sa dumaranas nito ● Mga balakid sa pag-aaral ng
ikalawang wika ● Mga katangian ng isang mabuting mamamayan
4. 5. 2. Nanghihikayat - humihikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na
kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita
5. 6. Halimbawa: ● Mga kasamaang maaaring idulot ng kontrasepsiyon sa kababaihan ● Mga
kabutihang maaaring idulot ng halamang gamot bilang lunas sa mga karamdaman
6. 7. 3. Nang-aaliw - nang-aaliw sa pamamagitan ng pagpapatawa tulad sa comedy bar -
nagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga
nakatatawa niyang karanasan
7. 8. 4. Okasyonal - isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng
kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa.
8. 9. Uri ng Talumpati ayon sa Kahandaan 1. Impromptu - halos walang paghahanda sa
pagsulat at pagbigkas ng talumpati
9. 10. 2. Extemporaneous - sapat na pinaghandaan sa pamamagitan ng pagsulat ng speech
plan upang maging epektibo ang pagbigkas
10. 11. Tatlong Bahagi: 1. Panimula ● Sinisikap sa bahaging ito na mapukaw ang interes o
matawag ang pansin ng mga tagapakinig. ● Inilalahad din sa bahaging ito ang layunin ng
talumpati.
11. 12. 2. Katawan o Kaalaman ● Sa bahaging ito gumagamit ang mananalumpati ng iba't ibang
kaparaanan para mapagtibay ang kaniyang mga ideya, kaisipan, at paninindigan.
Halimbawa, paglalahad, pangangatuwiran, pagbibigay halimbawa, pagsasalaysay, at
paglalarawan.
12. 13. 3. Katapusan ● Sa pagwawakas, nililinaw ng mananalumpati ang kaniyang mga
paninindigan, tinitiyak na nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa huli at maaaring
nanghihikayat tungo sa pakikibaka at pagkilos.
13. 14. ● Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maihahalintulad sa pag-akyat at pagbaba ng
bundok. Proseso sa Pagsulat ng Talumpati
14. 15. Proseso sa Pagsulat ng Talumpati 1. Paghahanda ● Mahalagang mapukaw ang
atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang. Kaya sa pagsulat ng
introduksiyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay.
15. 16. ● Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay, at
kung bakit kailangan nilang sumama.
16. 17. 2. Pag-unlad ● Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay.
Siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila.
17. 18. ● Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at
magtambis, o gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang bukambibig. Sa paraang ito,
hindi aalis ang tagapakinig.
18. 19. 3. Kasukdulan ● Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig ang tuktok
ng bundok. ● Sa bahaging ito inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. ● Ito
rin ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon.
19. 20. 4. Pagbaba ● Sa bahaging ito ibinubuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa
talumpati. ● Maaaring mag-iwan ng tanong sa bahaging ito. ● Anumang paraan ang piliin sa
pagtatapos, kailangang mahuli ng kongklusyon ang diwa ng talumpati.
20. 21. Paano ba sumulat ng talumpati? Gabay sa Pagsulat ng Talumpati Maaaring tanungin
ang sarili ng mga sumusunod bago magsulat ng talumpati.
21. 22. Tuon - Bakit ako magsusulat ng talumpati? - Ano ang paksa? - Ano ang mensaheng nais
kong ipahayag? - Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig? - Ano ang
kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?
22. 23. Tagapakinig - Sino ang aking mga tagapakinig? - Bakit sila makikinig sa talumpati? -
Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?
23. 24. Pagsulat - Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig? - Anong lengguwahe ang
gagamitin ko? - Ano ang tono ng aking talumpati? - Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat
ng talumpati ? - Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
24. 25. Pagsasanay - Basahin mo nang malakas ang iyong isinulat upang malaman kung natural
at madulas ang daloy ng wika. - Basahin mo sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang
talumpati upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito.
25. 26. Mahalagang Ideya Masasabing kahit gaano pa kahusay ang isinulat na talumpati, kung
hindi naman nagsasanay sa pagbigkas nito sa harap ng madla, hindi magiging matagumpay
ang talumpati.

You might also like