You are on page 1of 37

Ang isang komposisyon ay maaaring mauri

batay sa paraan ng pagpapahayag nito.


Kung gayon, ang komposisyon ay maaaring
maging DESKRIPTIVO, NARATIVO,
EKSPOSITORI, o ARGUMENTATIVO.
Batay naman sa antas o kalidad nito,
ang isang komposisyon ay maaaring
mauring MALIKHAIN o POPULAR.
Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa
isip ng mga mambabasa. Pumipili ang
manunulat ng mga salita at iba pang sangkap
ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng
larawan sa isipan ng mambabasa.
Ang mga pang-uri at pang-abay ay karaniwan
nang gamitin sa deskriptivong komposisyon.
Maliwanag at mabisang nailalarawan ng mga
ito ang anumang bagay na nais ipamalas sa
iba.
Karaniwang Deskripsyon
Pagbuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng
mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating
napag-aralan na. Ang layunin nito ay
makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa
isang bagay. Walang kinalaman ang sariling kuru-
kuro at damdamin ng naglalarawan.
Masining na Deskripsyon
Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskripsyon.
Higit sa nakikita ng paningin ang maaaring ilarawan
ng salita sa tulong ng deskripsyong masining. Ito’y
gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog,
galaw at matinding damdamin. Pinagaganda ito ng
paggamit ng mga tayutay tulad ng talinhaga,
pagtutulad, pagwawangis, paglalarawang-tauhan at iba
pa. Isinasaalang-alang din dito ang damdamin at kuru-
kuro ng manunulat.
1. Pagpili ng Paksa
Piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Lalong
mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at hindi
bago sa iyong paningin.
2. Pagbuo ng isang Pangunahing Larawan
Ito ang unang kakintalan ng bagay, pook, tao o
pangyayaring inilarawan sa nakikinig o bumabasa. Sa
madaling sabi, ang kabuuan muna ang unang nakikintal
sa isipan, bago ang maliliit na nasasangkap sa kabuuan.
3. Pagpili ng Sariling Pananaw o Perspektivo
Nakikita ang pangunahing larawan dahil sa sariling
pananaw. May sariling pananaw ang bawat naglalarawan
mula sa kanyang kinaroroonan na iba kaysa taong nasa
ibang panig naman. Dapat pumili ang sumulat ng sariling
pananaw at mula lamang doon niya ilalarawan ang bagay,
pook, tao o ang pangyayaring kanyang tinatalakay.
4. Kaisahan
Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng
maliliit na bahaging maaaring makita lamang mula sa
pananaw na napili ng naglalarawan.

5. Pagpili ng mga Sangkap na Isasama


Hindi lamang ang mga bahaging bumubuo sa pangunahing
larawan ang dapat isama. Dapat ding isama ang mga
bahaging ikinaiiba ng bagay, tao, pook o pangyayaring
inilalarawan sa iba pang uri nito.
May layuning magsalaysay o magkwento ng mga
magkakaugnay-ugnay na pangyayari. Ang batayan
nito’y maaaring mga sariling karanasan, mga
pangyayaring napakinggan/narinig,
nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan
o nabalitaan. Maaari ring magkwento ng mga
pangyayaring likhang-isip lamang.
1. Mabuting Pamagat
Ang pamagat ang panawag-pansin ng isang narativong komposisyon. Kung hindi mabuti ang
pamagat, malamang walang magkakainteres basahin iyon. Upang maging mabuti ang pamagat,
kailangan taglayin ang mga katangiang sumusunod:
a. Maikli
b. Kawili-wili o kapana-panabik
c. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas
d. Orihinal o hindi palasak
e. Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay walang layunin
magpatawa
f. May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng komposisyon
2. Mahalagang Paksa
Kung gaano kahalaga ang isang narativong
komposisyon, gayundin naman ang paksa niyon.
Nasasaistilo at orihinalidad ang buhay ng isang
narasyon. Kung mahusay ang isang manunulat, ang isang
lumang paksa ay maaari niyang gawing bago.
3. Wastong Pagkakasunod - sunod ng mga Pangyayari
May iba-ibang ayos ang pagkakasunod-sunod ng isang
narasyon. Karaniwan nang ito’y may ganitong ayos:
a. Simula
b. Gitna
c. Wakas
Ang iba naman ay gumagamit ng flashback o ang paraang pabalik tulad nito:
a. Gitna o dakong wakas
b. Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-aalala
c. Wakas

Maaari ring naman may ganitong pagkakasunod-sunod:


a. Nagsisimula sa wakas
b. Nagbabalik sa tunay na simula
c. Natatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula
4. Mabuting Simula
Ang simula, upang maging mabuti ay kailangang maging
kawili-wili. Bukod sa pamagat, ito ay pang-akit din sa
mga mambabasa. Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa mga
mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ito ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran.
Hindi na kailangan ang mga maliligoy na introduksyon
tulad ng Noong unang panahon.. Isang araw, habang..
Minsan, may isang.. Ang kwentong ito ay tungkol sa..
5. Mabuting Wakas
May mga mambabasang nabibigo sa pagbabasa dahil sa hindi mabuting pagwawakas ng isang
narasyon. Ang wakas ay kailangang maging kawili-wili upang maikintal ang bisa ng narasyon sa
mambabasa.

Iwasan ang mga prediktabol na wakas. Hangga’t magagawa, lagyan ng twist na makatwiran ang
narasyon. Iwasan din amg maligoy na wakas. Pagkatapus na pagkatapos ng kasukdulan o klaymaks,
isunod na agad ang wakas. Hindi na rin kailngan ng paliwanag sa pagwawakas.

Iwasan din ang pangangaral sa wakas. Makabubuti kung ipinahihiwatig na lamang ang pangyayari
sa wakas. Magagawa ito sa pamamagitan ng matalino at maingat na paggamit ng mga simbolismo at
pahiwatig.
Tinatawag na paglalahad. Layunin nitong gumawa ng
isang malinaw, sapat at walang pagkiling na
pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ng
kaalaman ng tao. Upang magkamit ng isang komposisyon
ekspositori ng mga mabubuting katangian, ang isang
manunulat ay kinakailangang magtaglay ng mga
sumusunod na katangian: may sapat na kaalaman sa
paksang tinatalakay, bihasang magsuri at mag-uri-uri,
mahusay maghanay ng mga kaisipan, objectiv at may
malaak na pananaw at palabasa at palamasid.
Ang komposisyong ekspositori, katulad ng
deskriptivo, ay maaaring maging karaniwan o
masining. Marami pang ibang uri ng mga akdang
ekspositori katulad ng sumusunod: pagbibigay-
kahulugan o definisyon, panuto o direksyon,
tala o listahan, balita, pitak o kolum, suring
basa o revyu at sanaysay.
Tiyak na kailangan sa argumantativong
komposisyon and mabisang panghikayat at di-
mapasusubaliang pagsisiwalat ng mga prinsipyo o
paninindigan. Sa kadahilanang hindi lahat ng
ating iniisip at ginagawa ay sinasang-ayunan ng
iba, ang argumentativong komposisyon ay
pagpapahayag ng manunulat ng kanyang opinyon at
pagdedepensa ng kanyang katwiran tungkol sa
isang paksa.
Bawat salita ng iyong komposisyon ay sinusuri
ng kabilang panig (kung debate) at ng iyong
mambasasa (kung pasulat). Makatwiran lamang na
alalahanin ang mga uri ng maling pangangatwiran
o Fallacies of Reasoning, na madalas gamitin
kahit hindi sinasadya ng isang nakikipag-
argumento upang makagulat sa kanyang katalo o
makalusot sa isang isyung mahirap niyang
pasinungalingan.
1. Argumentatum ad Hominem
Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng katalo at hindi sa
paksang tinatalakay.

2. Argumentatum ad Baculum
Pwersa o awtoridad ang ginagamit upang maiwasan ang isyu at tuluyang maipanalo ang
argumento.

3. Argumentatum ad Misericordiam
Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang
pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
4. Non Sequitur
It doesn’t follow. Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang
batayan.

5. Ignoratio Elenchi
Circular Reasoning o paliguy-ligoy. Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga kwentong
barberya.

6. Maling Paglalahat
Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong sumasaklaw
sa pangkalahatan.
7. Maling Paghahambing
Mayroong hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
8. Maling Saligan
Nagsimula sa maling akala na siya namang naging batayan.
Ipinagpatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong wala sa
katwiran.
9. Maling Awtoridad
Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyu.

10. Dilemma
Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon
lamang at wala nang iba pang alternativo.
Ang pagsulat ay isang komplikadong gawain. Hindi
ito madaling mailarawan. Wala kasing tiyak na
formyula sa pagsulat. Idagdag pa na ang pamamaraan
o teknik ng isang manunulat ay maaaring mag-iba-iba
depende sa mood, layunin, genre, panahon at iba
pang factor.
Anu’t ano mang pamamaraan o teknik na ginagamit sa
pagsulat, lahat ay pumapaloob sa tatlong yugto ng
pagsulat: PRE-WRITING, WRITING at REVISING Stage.
Walang manunulat ang walang anu-ano’y bigla na
lamang nagsusulat. Lahat ay may kinapapalooban
o kinasasangkutang gawain, sinasadya man o
hindi, bago siya magsulat. Ang mga gawaing ito
ang maaaringpinagmumulan ng kanyang inspirasyon
o motivasyon o di kaya’y pinaghahanguan niya ng
mga ideya o kaalaman na nagsisilbing pwersa
upang itulak siyang magsulat at bigyang
direksyon ang kanyang pagsusulat.
1. Pagsulat sa Jornal
Ang jornal ay rekord ng mga ideya, pero ito ay mula sa araw-araw na
pangyayari ng pagsulat. Nagsisilbi rin itong idea bank para sa maraming
manunulat.

2. Brainstorming
Ito ay pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao sa pamamagitan
ng malayang pakikipagtalakayan sa isang maliit ng pangkat tungkol sa
isang paksa.

3. Questioning
Binabagsakan ng mga tanong (What, When, Where, Who, Why at How) sa
gawaing ito ang isang posibleng paksa. Makatutulong ito sa pagbibigay ng
wastong fokus ng isang komposisyon.
4. Pagbabasa at Pananaliksik
Ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksa at pangangalap ng mga
kaugnay na karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga
libro at iba pang materyales na karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o
internet.

5. Sounding - out Friends


Isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay,
kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho at pakikipagtalakayan sa kanila
sa maikli at informal na paraan hinggil sa isang paksa.

6. Pag - iintervyu
Pakikipanayam sa isang tao o pangkat ng mga tao na ipinapalagay na
awtoridad hinggil sa isang paksa.
7. Pagsasarvey
Paraan ng pangangalap ng mga informasyon hinggil sa anumang paksa sa
pamamagitan ng pagpapasagot ng isang talatanungan sa isang pangkat ng
respondente.

8. Observasyon
Pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat. Inaalam dito ang mga gawi
at distinksyon ng inoobservahang paksa.

9. Imersyon
Sadyang pagpapaloob sa isang karanasan o gawain, pakikisalamuha at
pakikisangkot sa gawin upang makasulat hinggil sa karansan o gawaing iyon.

10. Pag-eeksperimanto
Sinusubukan ang isang bagay bago sumulat tungkol dito.
Kapag may paksa na at may mga datos o
ideya na ang manunulat, ang susunod na
lojikal na iisipin ay kung paano sisimulan
ang komposiyon, kung paano aayusin ang
katawan at kung paano wawaksan ang
komposisyon.
Sa simula pa lamang ay dapat makuha na ang interes
at kawilihan ng mambabasa dahil dito matutukoy
kung gugustuhin ituloy o hindi ang nasimulang
pagbasa. May ilang paraan na maaaring gamitin sa
pagsisimula ng paglalahad upang makaakit ng
atensyon.
1. Gumamit ng isa o serye ng mga tanong retorikal.
2. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-pansin.
3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.
4. Gumamit ng salitaan.
5. Gumamit ng isang sipi.
6. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng isang paksa.
7. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipaliliwanag.
8. Gumamit ng salawikain o kawikaan.

9. Gumamit ng pasaklaw o panlahat na pahayag.

10. Magsimula sa pamamagitan ng buod.

11. Gumamit ng tuwirang sabi.

12. Maglarawan ng tao o pook.

13. Gumamit ng analoji.

14. Gumamit ng isang salitang makatatawag ng kuryosidad.


Sa pagbuo ng pinakakatawan ng komposisyon, may iba’t ibang paraang maaaring gamitin sa
paghahanay ng mga kaisipan, alinsunod sa paksa, layunin at sa pinaguukulan.

1. Iayos ang mga datos nang pakronolojikal.

2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa, papasok o palabas.

3. Iayos ang mga datos nang Pasahol.

4. Iayos ang mga datos nang Pasaklaw.

5. Paghambingin ang mga datos.

6. Isa-isahin ang mga datos.

7. Suriin ang mga datos.


8. Iayos ang mga datos nang pakronolojikal.
9. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa, papasok o palabas.
10. Iayos ang mga datos nang Pasahol.
11. Iayos ang mga datos nang Pasaklaw.
12. Paghambingin ang mga datos.
13. Isa-isahin ang mga datos.
14. Suriin ang mga datos.
Gaya rin naman ng simula, ang haba ng wakas ay dapat ibagay
sa haba ng buong katha. Ang wakas ay maaaring isang kabanata,
isang talataan o isang pangungusap. Ito’y magagawa sa iba’t ibang
paraan:
1. Ibuod ang paksa.
2. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.
3. Mag-iwan ng hamon.
4. Bumuo ng konklusyon.
5. Gumawa ng prediksyon.
6. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan.
7. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
8. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolismo.
Ang pagrerevays ng komposisyon ay isang kinakailngang yugto
sa pagsulat dahil dito mas lalo pang pinagbubuti ang isang
akda.
Napapaloob dito ang pag-eevalweyt sa nagawang draft at
pagsusulat ng panibago na maaaring may pagdaragdag,
pagbabawas, pagbabago o pagpapalit.
Nakapaloob din dito ang pag-eedit sa akda kung saan sinusuri
o winawasto ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, mekaniks
at paggamit sa mga bantas.
Ang pagrerevays ay humahantong sa proofreading o pagbasa sa
nirevisang kopya at pagwawasto kung may mga pagkakamali pang
nakaligtaan hanggang sa maiprodyus ang faynal na kopya.
1. Personal Editing
Sinasabing pinakakaraniwan dahil ito ay pag-eedit at pagrerevays ng
sariling draft, na isinasagawa iso o ilang araw matapos gawin ang draft.

2. Peer Editing
Maaaring ipabasa sa mga kaklase o kaibigan ang draft upang ipaedit
at ipakritik.

3. Professional Editing
Pagpapaedit ng draft sa mga profesyunal tulad ng mga editor at guro.

Sa Peer Editing at Professional Editing, ang manunulat ay kailangang


maging bukas sa pagwawasto , puna at mungkahi upang lalo pang madevelop
ang kanyang kakayahan sa pagsulat.
Talasanggunian:

Mabisang Retorika sa Wikang Filipino

You might also like