You are on page 1of 26

GABAY SA

PAGSULAT NG
MAIKLING KWENTO
MGA SUHESTIYON SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO
1.   Mga mungkahi upang madaling makapagsulat ng kuwento
Tandaan: Huwag kang mangongopya ng kuwento ng iba, maaari
kang
humiram ng ideya subalit hindi ng buong obra.

a.    Sino ang iyong pangunahing tauhan (protagonista)? Ano ang


gusto niyang
gawin?
b.   Ano ang mga gagawin niyang pagkilos upang matupad ang
kanyang nais

na mangyari?
c. Ano ang mga hindi inaasahang pangyayari – kaugnay sa ikinilos
protagonistang magpapaigting sa damdamin ng kwento?
d.   Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na
damdamin ang
makatutulong upang mabuo mo ang iyong kuwento?
e.    Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan ng
kuwento?
(Nararapat lamang na makatarungan ang desisyong ito at hindi
inaasahan ng
mga mambabasa). Ipakita ito sa mahusay na paggamit ng mga salita
upang
gisingin ang damdamin ng mga bumabasa.
Nahihirapan ka pa bang bumuo ng iyong kuwento? Narito
ang ilan pang
makatutulong upang magkaroon ka ng ideya.
1. Tumingin ka sa iyong paligid o dumungaw ka sa bintana. May
kuwentong
mabubuo mula sa iyong mga makikita. Bawat isang sandali ang
may
nabubuong isang himala.
2. Palagi kang magdala ng notebook o iba pang
susulatan. Dito ay
mailalagay mo ang mga narinig mong usapan,
magagandang mga
panananalita, imahen, ideya at interpretasyon ng
mundo sa paligid mo.
3. Regular kang magsulat. Umupo ka at bumuo ng mga pangungusap
sa
loob ng ilang oras araw-araw.

4. Mangalap o mangolekta ng mga kuwento mula sa


mga taong nakikilala
mo. Kalapin ang mga kuwentong kahanga-hanga,
kakaiba, at mga hindi
gaanong maintindihan upang magkaroon ka ng ideya
sa iyong susulatin sa
hinaharap.
5. Magbasa nang magbasa. Pumili ng isang kilalang manunulat at
sikaping
maunawaan ang estilo niya sa pagsusulat. Maaari ka niyang bigyan ng
inspirasyon sa paraan ng iyong pagsulat.
Ilan pang mga suhestiyon sa pagsusulat ng maikling
kuwento.
1. Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap
ng iyong kuwento.
a. Aksyon agad. Iyan ang nararapat na mabasa sa
unang pagtingin pa
lamang sa iyong kuwento. Ipahiwatig na agad ang
magiging
tunggalian, o mga hindi inaasahan, o kakaiba sa
unang mga
pangungusap pa lamang.
2. Linangin at paunlarin ang karakterisasyon

a. Idebelop ang isang buhay, humihinga, at natatanging tauhan.


Ipakila silang mabuti sa iyong kuwento sa pamamagitan ng
pagbibigay
ng mahahalagang detalye tungkol sa kanila.

b. Ano ang hitsura ng iyong tauhan? Bigyan ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa pisikal na anyo ng iyong tauhan ang
mga
mambabasa.
c.    Paano kumilos ang iyong tauhan? Huwag lamang
gumamit ng
payak na katagang tamad. Ipakita ito sa mga kilos at
gawi ng tauhan.

Halimbawa: Narinig na ni Rosa ang sigaw ng ina para


gumising na siya subalit mahigpit pa rin ang pagyakap
niya sa
kanyang unan. Kanina pa siya gising subalit ayaw
niyang bumangon
dahil tiyak na uutusan na naman siya na bumili sa
tindahan.
d.   Paano magsalita ang iyong tauhan? Ipakita ang
paglinang ng
tauhan bilang isang tunay na tao at iaayon ang mga
panalita niya sa
antas niya sa lipunan, sa kaniyang ugali at katangian.

e.    Paano mag-isip ang tauhan mo? Ilarawan ang


mga proseso ng
pag-iisip ng iyong tauhan, ang kanyang mga takot,
pangamba, alaala
at adhikain sa buhay.
3. Sumulat ng makabuluhang usapan/dayalogo

a. Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita.


Maaari ring isulat
dito ang ginagawa ng tauhan habang nagsasalita?
Halimbawa:
“Saan ka pupunta?”usisa ni Restor habang minamasdan niya
ang
pagbabalot ng damit ni Teresa.
Hindi lumingon si Teresa. Alam niyang masasaktan lamang
si Restor.
Subalit hindi niya mapigilang ibulalas ang halos puputok na
niyang
puso. “Sa mga nanay. Huwag mo akong subuking
susundan.”
b.   Huwag nang ipaliwanag pa ang ilang detalye
upang sa gayon ay
mahamon mo ang mga mambabasa na
makapagbigay ng sariling
hinuha tungkol sa kuwento.
4. Pumili ng angkop na paningin o pananaw.
Gagamit ka ba ng unang panauhan o ikatlong
panauhan? Sino ang
magkukuwento – ang pangunahing tauhan ba o
ang katulong na
tauhan? Mababasa ba ng nagsasalaysay ang isip at
damdamin ng lahat
ng tauhan o ng isang tauhan lamang?
5. Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto.
Subukin mong pumikit at isipin ang tauhang kumikilos sa
napili
mong tagpuan. Ang pagguguni-guni o imahinasyon ay
makatutulong
upang matamo ang ninanais na balanse ng tagpuan at
tauhan.
Maglagay ng mga malilinaw na detalye tungkol sa tagpuan.
Gamitin
ang mga pandama o senses (pang-amoy, paningin, pandinig,
panlasa, pandamdam)upang tumulong na ipinta ang tagpuan
at konteksto ng iyong kuwento.
6.   Isaaayos ang banghay o mga pangyayari sa
kuwento.

Piliin ang mga eksenang tiyak na magiging


kapana-panabik sa
mga mambabasa. Kung nahihirapan pa rin
subukan ang
“brainstorming” tulad nito.
7.   Lumikha ng tunggalian at tension

a. Hiwaga. Ipaliwanag lamang ang ilang bagay upang


matukso ang
mga mambabasang basahin ang iyong kuwento. Huwag
ilalagay lahat
ng mga detalye.

b. Pagpili. Ibigay ang mabuti at masamang maaaring


mangyari sa
tauhan.
c. Papahirap na mga pagsubok. Kakaharapin ng tauhan
ang serye ng
mga pagsubok na dapat niyang mapagtagumpayan
upang matupad
niya ang kanyang layunin.

d. Sanhi at Bunga. Ang mga tauhang nagkamali ay


dapat maparusahan
at bigyan ng karampatang biyaya ang mabubuting
kalooban.
e. Sorpresa. Magbigay ng sapat na kahirapan
sa akda upang hindi agad
malaman ng mambabasa ang kahihinatnan ng
kwento.

f. Pakikipagsimpatya. Hayaang makakuha ng


simpatya ang tauhan sa
mga mambabasa na para bang sila ang nasa
sitwasyong
kinahantungan ng tauhan.
g. Kaliwanagan ng isip o Inspirasyon. Hayaang
makakuha ng
kaliwanagan o inspirasyon ang mambabasa buhat
sa nabuo mong
kwento.

h. Unibersalidad. Maglahad ng isang


pakikipagtunggali na kasisiyahan
ng mambabasa kahit na nga ang
pakikipagtunggali sa sa isang
natatanging pook o panahon.
i. Kahalagahan. Kumbinsihin ang mambabasa
na lubhang mahalaga at
malaki ang mawawala sa tauhan kapag hindi
niya napagtagumpayan
ang pakikipagtunggali sa kuwento.
7.   Linangin ang krisis o kasukdulan

Sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa tamang


sandali.
Kapag napakaaga, aasa pa ang mga mambabasa na
may kasunod ito;
kapag naman napakatagal ay kababagutan na ito ng
mga mambabasa.
8. Humanap ng kalutasan sa suliranin
Ang paglutas ng suliranin ay maaaring

a. Bukas. Ang mambabasa ang makakatagpo ng


kahulugan.

b. Sarado. Nalutas ang suliranin sa katapusan.

c. Balik lamang sa simula. Katulad ng naunang


sitwasyon o imahen.
d.  Monologo. Magbibigay ng komento ang
tauhan.

e. Dayalogo. Mag-uusap ang mga tauhan.

f. Literal na imahen o larawang diwa – tagpuan o


aspeto ng tagpuan
na magiging kalutasan o katapusan ng banghay.

g. Simbolikong imahen. Detalyeng kumakatawan


sa kahulugan
lampas bas a kahulugang literal.
Maraming Salamat po!

You might also like